ILANG buwan pa lang ang nakakalipas mula nang maging opisyal silang magkasintahan ni Ambrose. Alam ni Wendy na abala ito sa mga negosyo sa loob at labas ng bansa kaya't naiintindihan niya na wala itong panahon sa kanya. Ni wala ring nakakaalam sa pamilya nito ng tungkol sa relasyon nila.
It was just yesterday when he arrived from England. Excited siyang makausap ito. Excited siyang ibalita rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis! Yes, she was pregnant, and she couldn't contain her happiness! Ilang beses niyang tinangkang tawagan ito ngunit nag-aalala na baka ay makahalata ang mga tao sa farm lalo at overseas call iyon. So, she waited. At ngayon na ang araw na malalaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Wendy almost knocked on the door when she heard voices. Bahagyang nakabukas ang pinto ng library kaya nag-atubili siya.
"Si Wendy? Gwendoline Salazar, you mean?" Narinig niyang tanong ng among si Anthony La Cuesta.
She heard Ambrose laughed. Missed na missed na niya ito! She wanted to give him a big hug right that second!
"Yeah. We had a crazy night together. I mean, the sex was fantastic. It was...damn, it was beyond words, man."
"Bro, she works here, you know that right?" Anthony said with such concern in his voice.
Napasandal si Wendy sa pader habang nakikinig sa mga ito. Napuno ng pag-aalala ang kanyang dibdib. Sasabihin na ba ni Ambrose ang tungkol sa relasyon nila sa kapatid nito? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kanyang among si Anthony?
"Yes, of course I know that. You know what? She's just one of my women. I will never like her, I'll never love her. I was planning to break it to her today. Na hindi kami puwede. That shit happens..."
Natutop ni Wendy ang bibig para pigilan ang sariling gumawa ng kahit na anong ingay. Mabilis na nag-unahan ang kanyang mga luha sa pagtulo at tumakbo palayo. Dire-diretso siya hanggang sa labas. Takbo siya nang takbo hanggang sa makarating siya sa isang puno ng mangga.
Hinayaan niya ang sariling humagulgol ng iyak habang bumabalik sa isipan ang mga sinabi nito. Akala niya ay iba ito sa lahat. Akala niya...akala niya ay nagmamahalan sila. She looked in her hand, hawak pa ang pregnancy test.
Nagpupuyos sa galit ang kanyang dibdib habang humukay sa lupa gamit ang mga kamay. He did not deserve to know about her child. Kahit kailan ay hindi nito malalaman ang tungkol sa bata. At kahit kailan ay hinding-hindi na siya magtitiwala sa isang katulad nito!
*****
Nagising si Wendy mula sa kanyang pag-idlip. Nakita niya na may isang pumpon ng mga puting rosas sa kanyang tabi. Napabalikwas siya ng bangon nang makita si Ambrose na nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" paasik na tanong niya.
He looked puzzled. Puno ng pagtataka ang mukha nito.
"I missed you. And I wanted to give you this."
Inilapit nito sa kanya ang isang kahon. She opened it, may isang kuwintas doon. It was a gold necklace, and the pendant was made of wood and a little bulky, may mga nakaukit na simbolo doon na hindi naman niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
"I bought it from a tribe in one of my business trips in New Zealand. It means wealth, love and happiness. I thought that you might like it so..."
Love...love my ass!
Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Iritang-irita siya rito. Bakit hindi na lamang siya nito diretsuhin? May pa-kuwintas-kuwintas pa itong nalalaman. Wealth, love and happiness? Bullshit!
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...