"Manong, bayad ho," ani Wendy nang makababa sa tricycle.
"Salamat, Miss. Puwede ko bang mahingi ang number mo? May nagsabi na ba sa 'yo na may kamukha kang artista? Kaya lang ay hindi ko matandaan ang pangalan. Ang ganda mo, Miss."
Umikot ang mga mata ni Wendy sa narinig. "Dati ho akong lalaki, okay lang sa inyo?" naiinis na turan niya para lang tigilan siya nito.
Napangiwi ito. "Ay, gano'n ba! Mukha ka talagang babae. Naku, 'di na talaga malaman sa panahon ngayon kung sino ang tunay na babae at lalaki." Iiling-iling ito na pinaandar ulit ang tricycle.
Wendy shook her head. Minsan ay kailangan talaga niyang gamitin ang linyang iyon para tantanan na lang siya ng lalaking katulad nito. Binitbit niya ang malaking bag.
Malayo pa lang ay natanaw na ni Wendy ang maliit na bahay na bunga ng kanyang pinaghirapan sa loob ng halos anim na taong pagtatrabaho sa Maynila. Sa tabi niyon ay isang maliit na lupain na pinagtataniman ng iba-'t-ibang gulay. Gusto niyang maiyak sa sobrang saya ngunit nasa dibdib rin ang pag-aalala. Hindi pa rin sapat ang natitira niyang pera sa bangko para pantustos ng pag-aaral ng kanyang anak hanggang sa kolehiyo. But she promised to work harder. Kakayanin niya ang lahat basta at magkasama silang mag-ina.
Nakita niya ang pagtakbo ng kanyang anak palapit sa kanya.
"Mama! Mama!"
Lumuhod siya at nagyakap silang dalawa.
"I missed you, anak!" nangingilid ang kanyang mga luha.
Umiyak ito at napakahigpit ng yakap sa kanya. "I miss you, too, Mama. Excited po ako sabi ni lola uuwi ka daw. Hindi ka na alis, Mama?"
Inilayo niya ito sa kanya at pinakatitigan. "Hindi na anak."
Namilog ang mga mata nito. "Talaga po?"
Tumango-tango siya. Nagyakap silang ulit at panay ang haplos niya sa buhok nito. She looked at Amber again. Kahit sa anong anggulo ng mukha nito ay nakikita niya si Ambrose. She looked exactly like her dad. Mula sa kulay kahoy na buhok na bahagyang alun-alon, makinis na kutis na mala-krema, bilugang mga mata na may mahahabang pilik, kulay tsokolate ang kulay ng mga mata, matangos na ilong at may kaunting kakapalan ang mga labi. Amber was like a walking and talking doll. Kung hindi magtatagalog ay mapapagkamalang anak ng foreigner.
Ambrose La Cuesta looked like half foreigner himself. Nakuha nito ang physical features mula sa mother side nito na may Greek blood.
One of the reasons why Ambrose was like a chick magnet, kahit sinong babae ay kayang mapaibig nito and she was not an exception. But that was part of her past. Ayaw na niyang balikan pa ang kabanata ng buhay niyang may kaugnayan dito.
Humihingal ang kanyang ina na nakalapit sa kanila. "Ano ka ba namang bata ka? Sinabi na't huwag basta-basta magtatakbo sa labas!"
Tumayo siya at nagmano dito. Humahagikgik sa kapilyuhan ang anak niya.
"Salamat, Nay, sa pag-aalaga kay Amber. Katuwang n'yo na ako ngayon."
Nangunot ang noo nito. "Ano'ng ibig mong sabihin, anak?"
Bagama't nasa sisenta anyos na ang kanyang ina ay aktibo pa ito, nag-zu-zumba ito tatlong beses sa isang linggo at sa awa ng Diyos ay wala pang kahit na anong sakit na nararamdaman. Ang sabi nito'y dahil sagana ito sa gulay na ito mismo ang nagtatanim sa maliit na lupain sa tabi ng kanilang bahay.
Inakay niya ang dalawa hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay. Maliit lamang iyon ngunit maaliwalas. Sa labas ay nakahilera ang iba't-ibang uri ng orkidyas na tanim ng kanyang ina. May maliit na patio bago pumasok sa bahay. Naroon ang dalawang silya at isang mesa na yari sa kahoy. Pagkapasok ng bahay ay bubungad ang isang maaliwalas na sala. Yari rin sa kahoy ang dining set. Sa bandang kanan ay makikita ang tokador at pinapatungan ng marami nilang larawang mag-ina at nakakuwadro ang lahat ng iyon, malinis at walang bahid ng alikabok.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
Любовные романыCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...