Hindi makapaniwala si Wendy sa naririnig mula kay Leila sa kabilang linya.
"Pinagkatiwalaan kita, Leila." Wika niya na hindi malaman kung ano ang uunahin—ang kausapin pa ito sa cell phone o ang mag-empake na agad-agad.
"I know! Nadulas ako, Wendy. I'm sorry. Akala ko rin hindi magagawang sabihin ni Marco ang tungkol doon kay Kuya Ambrose. Pero...nakokonsensya daw siya. Wendy, I'm really sorry. Alam mong matagal ko ring itinago 'yun pero talagang...Wendy, please, sorry na."
"Leila, hindi n'yo alam ang nagawa n'yo!" Singhal niya dito.
"I'm sorry, patawarin mo na 'ko please..." anito sa kabilang linya at naririnig rin niya ang asawa nito na tila tinatanong si Leila kung ano daw ang sinasabi niya.
"Pakisabi kay Marco na kapag nakita ko siya, humanda siya sa 'kin! Kakalimutan kong naging amo ko siya!" naiinis na asik niya rito.
May sasabihin pa sana siya rito nang marinig ang ilang pagkatok sa pinto.
"Leila..." aniya na para bang matutulungan siya ng kaibigan.
"I'm really sorry, Wendy..."
In-off niya ang cell phone at dumalangin na sana ay mali ang iniisip niya. Ayon kay Leila ay ilang oras lang ang nakakaraan nang magpunta si Marco sa bahay ni Ambrose para isiwalat dito ang sikretong itinatago niya.
Kung nasa harapan lang niya ang asawa ni Leila malamang ay nasuntok na niya ito sa mukha kesahodang naging amo niya ito noon.
Sumilip na si Wendy sa bintana para mapagsino ang kumakatok. Alas siyete ng gabi. To her horror, it was Ambrose La Cuesta. Kahit side view lang ang nakikita niya, kahit ang di-kalayuang poste ng ilaw lang ang tanging nagbibigay liwanag sa labas ay hindi siya puwedeng magkamali!
Dali-dali siyang bumalik sa kusina at kinarga ang anak, ipinasok sa silid at sumunod ang kanyang ina sa kanila.
"Nay, kahit ano'ng mangyari, 'wag na 'wag mong ilalabas si Amber, okay?"
Nagtatakang napatitig ito sa kanya. "Anak? Ano'ng nangyayari? Sino ba 'yung kanina pa kumakatok?"
Tinakpan niya ang magkabilang tainga ng anak.
"Nandito si Ambrose."
"Ambot?"
"Ambrose, 'Nay" pagtatama niya dito.
Namilog ang mga mata nito. "'Yung amo mo?"
Sunod-sunod ang tango niya at pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at kay Amber.
"Kapatid ni Sir Anthony at Sir Marco." Sabi niya na puno na ng kaba ang dibdib.
Mayamaya ay hinila siya nito palabas ng silid matapos iabot kay Amber ang paborito nitong laruan at nagpaiwan sa silid para maglaro.
Hinawakan siya nito sa kanyang braso. "Tapatin mo nga ako, siya ba?"
Kumatok ulit ito.
Nag-panic siya. Sunod-sunod ang kabog ng kanyang dibdib. Sinasabi na nga ba niya na isang malaking kagagahan na sinabi niya kay Leila ang kanyang sikreto. She had never been this scared in her whole life.
"Siya nga, Nay." Pag-amin niya sa ina.
Nakakaintinding tumango ito. "Paano niya nalaman?"
Napasabunot siya sa sarili. Halos isang buwan na simula nang makabalik siya sa Mindoro at akala niya ay maayos na ang lahat!
"Hindi na mahalaga 'yon, Nay! Paano kung kunin niya si Amber? Nay, hindi ko kaya! Ano'ng gagawin ko?" Naitakip niya ang palad sa bibig. Bumabaha ang takot sa kanyang dibdib. Hindi siya makapag-isip nang maayos.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomantizmCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...