Chapter Twenty Three

1.1K 33 0
                                    


NAG-IINIT ang mukha ni Wendy habang panay ang tingin sa kanya ng asawa. Nasa hapag na sila para sa almusal. Their smiles cannot be hidden.

"Mama, you're happy," ani Amber habang sumusubo ng pancake.

Nakita niya ang tinging ipinukol sa kanya ng matatanda. Ganoon ba ka-obvious na napakasarap ng tulog niya kahit dalawang oras lang iyon? Ambrose made love to her until dawn. At nagising siya sa mga bisig nito sa loob ng comforter. He quickly made love to her again before shower. Pakiramdam niya ay hinehele siya ng mga anghel.

"Of course, anak."

"Ask her why she's happy, anak." Sabi ni Ambrose.

Pinanlakihan niya ng mata ang asawa at natawa naman ito sabay higop sa mainit na kape. He forgot that it was still very hot, so he got burned.

"Aww!"

"Napaso ka tuloy," nakangiting biro niya.

"Nakakapaso naman kasi talaga sa init."

Muli siyang binigyan ng makahulugang tingin ng matatanda.

"Ambrose!"

"What? Am talking about the coffee."

Magsasalita pa sana siya nang marinig ang mga pamilyar na boses sa salas. Nasa likod ni Manang Susan sina Anthony at Marco. Pawang naka-suit ang mga ito at tila papasok na sa opisina pero bakit napadaan ang mga ito sa kanila? Naupo ang mga ito sa hapag pagkatapos siyang bigyan ng yakap at si Amber.

Kumalong ang bata sa tiyuhin na si Marco.

"Tito Marco, have some pancake," isinubo nito sa tiyuhin ang malaking slice na hawak nito.

Si Marco naman ay pinanlakihan ng mga mata. "It's good. Who made this? Mommy?"

Umiling si Amber. "No, daddy made these pancakes."

"Oh," ani Marco na nakakaloko ang ngiti sa kapatid.

Ipinagtimpla ng kape ni Manang Aurea ang dalawa at mayamaya ay nagsalo na silang lahat sa isang masaganang almusal. Nagtataka siya sa pakay ng mga ito ngunit hindi nagtanong. Anthony was quiet as usual. And Marco was already busy talking to Amber.

"Manang, puwedeng pakisamahan muna si Amber sa garden. We'll just talk." Sabi ni Marco sa kasambahay.

"Mama?" ani Amber sa kanya nang ilapag ito ni Marco.

"It's okay. I'll be there. Manghuhuli tayo ng grasshoppers, okay? Just wait for Mama outside."

Napilitang sumama ang bata sa matanda at biglang napuno ng katahimikan ang paligid.

"Is there something wrong?" Ambrose asked.

"Well, um, I don't know how you'll be able to take it but have you seen the news this morning?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Wendy kina Anthony at Marco. Anong nasa balita at ganoon na lamang kaseryoso ang anyo ng mga ito?

Ambrose shook his head. "No, why?"

"Well, somebody tried to kill the governor this morning...ikaw ang itinuturong mastermind."

Wala siyang nakitang reaksiyon sa mukha ng asawa nang marinig iyon at simpleng sumimsim sa kape.

"What?" Mahinanong reaksiyon nito.

"Did you go somewhere around two or three in the morning?"

The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon