𝟏𝟏:𝟑𝟗 ; 06C

52 9 17
                                    

DYLAN'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DYLAN'S

; August 14 2020, 10:39 PM

I am still not over the fact that Vivienne was taken last night. My baby was taken away from me, and I am not there to protect her. Napakawalang kwenta ko talaga, hindi ko man lang naprotektahan ang babaeng pinakamamahal ko.

My grief just worsened when she confessed that she loves me. S-she loves me, fuck. Nais ko sanang suklian rin ang pagmamahal niya, pero I am now unable to do it now. She's fucking gone, she's fucking gone and it's my fucking fault! Kung sana nagising lang ako ng mga oras na iyon, sana nandito pa siya sa tabi ko.

Since my love of my life is now gone, ano pang silbi ko? Parang nawala na rin yung buhay ko nung nawala siya, so what's the use of having me here? If I am just stay here with them, baka maging pabigat lang ako. I really want to become tonight's sacrifice, para na rin makasama ko na si Vivienne.

But the scene earlier flashed again in my mind.

The mood suddenly dropped, and I know that all of us are thinking about what will happen tonight. "If ever that monster will come here, ibigay niyo nalang ako." I suddenly blurted. They all widened their eyes from my own statement. "What the fuck are you saying dude?! Tandaan niyo na walang ibibigay, at walang mamamatay!" sabi ni Dom at lumabas na ng kwarto. Sinundan naman siya agad ni Isabelle.

"I-i just ca-can't." I just bursted crying again. The scene of Vivienne confessing to me before getting killed taunts me time to time, at hindi ko na kaya. Ayoko na. Pagod na ako, kasi yung nag-iisang buhay ko ay binawi pa muli sa amin, mula sa akin.

"Hey, you okay bud?" tanong ni Harisson sa akin. Hindi ko namalayan na kanina pa ako tulala. Tinignan ko lang siya, mata sa mata, and I hope that he can know what I feel based on what my eyes are telling.

"Vivienne loves you, and he wants you to survive. So please Dylan, survive this night with us. Okay?" malambing na sabi ni Isabelle at nginitian ako. Napatingin naman ako sa gawi ni Dom at nakatingin rin siya sa akin at tumango sa sinabi ni Isabelle. Tumango nalang rin ako pabalik. I am gonna try, pero hindi ko maipapangako iyan.

"Let's try to survive this night okay?" napatingin kami sa nagsalita, which is si Alex. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas, pero I am proud of how brave she is. As of now, siya nalang muna ang pagkakapitan ko, silang lahat.

I hope they will survive this night.

• • • • ❖ • • • •

It's now 11:35, 4 minutes up until 11:39 PM. All of us are still wide awake, waiting for the creature to appear. I know Vivienne wants me to live, but I don't want to live in this world without her. So if I will be able to sacrifice myself for others, I will do it and no one can change my mind.

"Prepare, guys. In any moment, maaaring nandito na siya." pagbabanta ni Dom sa lahat. All of them hold their own weapons na kinuha pa mismo ni Dom sa underground kung saan mismo sila lumalaban ni Alex dati.

It's currently 11:38, and I looked in the clock.

There are only 10 seconds remaining.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

0...

"What the fuck!" biglaang sigaw ni Sebastian ng biglang nawala ang kuryente sa buong hospital.

Agad kaming natakot sa kadiliman, so we activated the flashlights in our own cellphones in order to lighten up the whole room. Nakakabingi ang katahimikan sa buong hospital, na para bang wala man lang katao-tao sa labas. It is just pure silence, at ito ang dahilan ng pagkakaba ko, pati rin sila ay kinakabahan sa nangyayari.

Now, there's nothing but darkness.

But any fucking time, it will appear.

"May tao ba sa labas?" narinig kong tanong ni Kiel. Dahil nga sa nababalot na katahimikan sa buong ospital ay tingin namin na walang tao dito ngayon bukod sa amin.

Naglakas loob naman si Dom na buksan ang pinto, habang kami'y nakatingin sa kanya nang may halong kaba. Tinutok niya ang kanyang flashlight sa hallway ng ospital. "Walang tao." simpleng saad niya habang nakakunot ang kanyang noo.

Tinignan ko sila kung ano bang balak nilang gawin, eh parang di naman lilitaw yung d—

"DOM!" sigaw ni Isabelle na nagpalaki sa aming mga mata.

Si Dominic, nasa likod niya yung bangungot namin.

"Shit!" sigaw ko at mabilis na tinulak pagilid si Dominic at itulak ang nilalang na iyon at pinagsusuntok. Sinuntok ko ito ng paulit-ulit. Kulang pa nga ito sa kababuyan na ginawa niya kay Maddie at Vivienne.

Isang beses...

Dalawang beses...

Tatlong beses...

Paulit-ulit ko itong sinuntok at ito'y tuluyan nang nawalan ng malay. Ito ngayo'y nakahandusay sa sahig, at bakas dito na natalo na ito.

Para yan kay Maddie at Vivienne.

"Brad!" sigaw ni Dom sa akin at ako'y niyakap ng mahigpit. Napahagulgol ako sa kanyang mga bisig. Buti naman tapos na ang lahat. Tapos na ang lahat, at wala nang mamamatay sa amin. Pero tek—

Teka, b-bakit may kirot akong nararamdaman sa aking tiyan? Hinawakan ko naman ito at may nakita ako,

dugo.....

"B-brad, uy brad! Shit!" rinig kong sigaw nila nang nakahandusay na ako sa sahig, saka ako hinila ng demonyong yun. Susundan na sana nila ako, pero agad silang nawala sa aking paningin dahil ang kapaligiran ay napapaligiran ng kadiliman.

Inaalala ko nalang lahat ng mga naging alaala na kasama ko sila, na kasama ko siya.

Lahat ng kalokohan namin,

Lahat ng mga drama namin,

Lahat ng mga roadtrips at outings namin,

Lahat ng mga asaran namin,

Pati na rin yung pang-aasar ko kay Vivienne.

Lahat ng mga masasayang alaala na aking itatago sa aking isipan at sa aking puso. Nakatatak na'to sa akin pre. Yung walong mga kumag, at pati na rin yung pinakamagandang dilag sa aking mata. Nakaukit na sila sa kaluluwa ko at tatandaan ko ito kahit ako'y wala na sa mundo. Unti-unti na akong nawawalan ng buhay, at ang mga mata ko'y kusa na ring pumipikit.

Salamat sa lahat. Vivienne, I'm coming.

𝟏𝟏:𝟑𝟗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon