THIRD PERSON'S
—; August 16 2020, 1:43 PM
Napa-ayos na ni Alexandra ang kanyang pamamahay dahil sa araw na ito, ay dito muna mananatili ang kaniyang mga kaibigan.
Mistulang nagtataka naman ang kanyang ama kung bakit aligaga sa paglinis ang mga kasambahay, ngunit hindi nalang niya tinanong si Alex tungkol dito dahil baka mas lalo itong magalit sa kanya.
Eksaktong limang oras bago nagsidatingan ang mga kaibigan ni Alex. "Akala ko 'di na kayo pupunta." sambit ni Alex habang pinapasok ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kaniyang bahay.
Even though they visited this house several times already, they are still mesmerized by the house's beauty. The house looks very exquisite. To shorten its description, it only screams one word— wealth.
Tinignan ni Alex ang mga kaibigan niya nang may isang sincere na ngiti, ngunit unti-unti itong nawala nung may napansin siya.
"Rebecca. Where is she?" Alex asked, she is quite nervous. Umaasa siya ni hindi tama ang hinala niya. Ngunit ang pag-asang ito ay nawala nung yumuko ang kanyang mga kaibigan. Iniabot ni Sebastian ang kanyang cellphone kay Alex, at tinanggap niya ito.
Nanginginig man ang kamay, tinignan niya ang larawang kinuha ni Sebastian.
Isang Rebecca na putol ang mga braso.
Tuluyan na siyang humagulgol, at nabitawan niya na ang telepono na hawak niya. "K-kung su... s-sumabay lang s-siya sa atin k-kagabi, sa........ s-sana buhay pa si-siya hanggang n-ngayon." saad ni Alex habang siya'y umiiyak.
Hindi nila alam, pinapanood sila ng ama ni Alexandra, na ngayo'y naguguluhan sa nangyayari. Tila naestatwa siya nung nakita niyang umiiyak ang kanyang anak, dahil alam niyang kalimitan nalang itong maglabas ng kanyang emosyon.
Simula nung namatay ang kanyang ina.
Medyo nagtataka nga lang siya kung anong dahilan kung bakit tila ba'y malungkot silang magkakaibigan, at yung pag-iyak ng kanyang anak.
Ngunit alam niyang wala na siyang karapatan na makialam, kaya pumunta na siya sa kanyang kwarto upang ilabas ang kanyang kalungkutan.
"Dalhin niyo nalang muna yung mga gamit niyo sa kwarto ko, mamaya nalang kayo mag-ayos." nalulungkot na sambit ni Alex at nauna nang tumungo papunta sa kanyang kwarto, na siyang sinunod naman ng iba. Pagkapasok nila ay inilagay nila ang kanilang mga gamit sa iisang sulok at napagpasyang umupo sa kama ng dalaga.
Meanwhile, Alexandra is turning her flat screen TV on. May kinukulikot siya dun, at napagtanto na ng iba na parang ikinonek ng dalaga ang kanyang laptop sa mismong TV.
Tumambad sa lahat ang isang di pamilyar na website. "Ano yan, Lex?" nauna nang tumanong si Dominic. May kinuha si Alex na kung anong notebook, at ibinuklat iyon.
BINABASA MO ANG
𝟏𝟏:𝟑𝟗
Mystery / ThrillerOne student who seems normal in the peoples eyes during the day appears to be an underground fighter in the night- that's Alexandra Blixt, a woman known as a ruthless fighter. Along with her friends, she thought that it will just be a normal and a f...