𝟏𝟏:𝟑𝟗 ; 01C

136 13 15
                                    

ALEXANDRA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXANDRA'S

—; August 09 2020, 9:47 PM

"Master, here's your food. Pinadala po ng daddy niyo, kumain na daw po kayo." this annoying maid said to me. He just wouldn't stop, would he? Halata naman sa kilos ko na ayaw ko sa kanya diba, gusto niya bang isigaw ko pa sa harapan niya yun?!

"I'm not hungry, ipakain niyo nalang sa mga aso sa labas." sabi ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Akala ko susundin niya ako pero katulad pala sila ni papa, ang titigas ng ulo.

"Pero sabi ng dadd—" naputol yung sinasabi niya nang tinitigan ko siya ng masama. Nakakabwisit ha! Bakit kasi di niya nalang sundin?! "Do it, or ikaw ang ipapakain ko sa mga aso. Choose." banta ko sa kanya kaya napulunok siya nang husto at umalis na ng kwarto.

Kapal talaga ng mukha niya! Now, he shows his concern pero nung nabubuhay pa si mommy, di niya man lang yun maiparamdam samin lalo na kay mommy.

Akala niya sa pinapakita niya ay mababago na ang lahat, but that's not how it works! Yung sakit, tangina andito pa rin! Yung pahirapan sa paggalaw ni mommy, yung paghihirap niya sa pagkuha ng hininga, hanggang sa huling hininga niya ay nasaksihan ko; nandun ako habang ganuon yung nararanasan ni mommy pero siya, putangina wala!

Kinuha ko yung litrato namin ni mommy na magkasama, it is us blowing our birthday cake. Oo, magkaparehas kami ng birthday ni mommy. Kada birthday naming dalawa, lalabas kami ang enjoy that day happily, as a family. It's been a while since that last happened.

"I wish that you're still here, mom." nalulungkot kong sabi sa hangin kasabay ng luhang tumulo sa aking pisnge. I wiped it off immediately kasi hindi normal sa akin ang makita akong umiiyak atsaka siguradong ayaw rin ni mommy na nakikita akong ganto, lalo na kung malalaman niyang siya yung dahilan nitong mga luhang to.

Hanggang ngayon, nanlulumo pa rin ako sa pagkawala ni mommy. She's the only one who treated me like I'm so precious and so special. Siya lang yung taong naniniwala sakin, yung taong nagtitiwala sakin. So when she died, I had no one. A part of me was gone when she left me.

Pinunasan ko yung mga luhang tumutulo sa aking mga mata, pero hindi ito tumitigil. Di tumitigil sa pagbagsak ang aking mga luha, hindi ko ito kayang pigilan. I just hugged my mommy's portrait picture and tried to fall asleep. Maybe if I sleep, this pain will go away; even just for a moment.

• • • • ❖ • • • •

Nagising ako sa kalabit na aking nararamdaman. Iminulat ko ang aking mga mata, medyo blurry pa yung vision ko. Nung unti-unti nang luminaw yung paningin ko, napagtanto kong may tao sa harapan ko. I looked at it and I was in complete shock and disbelief. "Hi anak, it's been a while since we both see each other. Did you missed me?" she genuinely asked me kaya't hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

It's my mom, the woman that I've missed so much.

"W-wait, are you real?" tanong ko sa kanya sabay haplos sa kanyang pisnge. She is real, I can touch her; I can really touch her. "I miss you so much, mommy." naiiyak kong sabi sa kanya sabay ng luhang tumulo sa aking pisnge na agad niya namang pinunasan.

"Nak, it's so nice there. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa nung buhay pa ako. Don't worry baby, we will be together soon. Magsasama na tayong dalawa at magiging masaya tayo dun." kwento niya sakin na ikinagulo ng utak ko. What does she mean by that? And also, she calls me darling; not baby. She seems like my mom, but something doesn't feel right.

"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin. "I want us to be together, again. We're gonna be a real family, me and my new husband." sabi niya sabay ng pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Tumambad sa akin ang isang lalakeng sobrang tangkad, naka-puting coat at trousers na may mga bahid ng dugo. Nakamask rin itong puti kaya hindi kita ang kanyang mukha. Is he the husband that she's referring to?

Lumapit yung lalake kay mommy at may kinuha sa kanyang likuran. Inilabas niya ito at nakita kong isa itong kutsilyo. "You're gonna be next, prepare for it." sabi ni mommy sabay ng paggilit nung lalake sa leeg niya. Blood were coming out, but my mom is smiling; it's a sinister one. Tumutok yung tingin ng lalake sakin, he is now looking at me. What is he gonna do?

He raised his hand that is holding a knife. He can't kill me too. No, no, no, NO, NOO!

"NO!" nagising ako at natagpuan ko ang sarili ko sa sarili kong kwarto. Wala si mommy, at lalong wala yung lalake. Nagring naman ang cellphone ko kaya't kinuha ko ito at tignan ang oras. It is now 11:39 PM, hindi naman pala ako ganun katagal natulog.

Si Kiel tumatawag, ano na namang trip neto?! "Oh?" sagot ko sa tawag niya. Tangina, kahit sa tawag ay ramdam ko yung pagngisi niya. "Sinagot niya yung tawag ko. Hirap talaga pag gwapo, hindi kayang pagtiisan." palarong sabi neto. Anong konek ng itsura niyang mukhang unggoy sa pagsagot ko sa tawag niya?

"Ewan ko sayo, bye!" bababaan ko na sana siya ng telepono ng sumigaw siya sa kabilang linya. "WAG! WAG!" sigaw niya sakin kaya di ko na tinuloy yung gagawin ko. "Gusto ko lang sanang.... can we go for a walk?" alok niya sakin. Tinignan ko yung oras at 11:46 na ngayon. Mukhang wala namang masama kung maglalakad ako sa mga oras na to, gusto ko rin namang magpahangin.

• • • • ❖ • • • •

"Di ko akalaing papayag ka." sabi ni Azekiel sakin kaya't napairap ako. Akala niya pumayag ako dahil sa kanya, pero pumayag ako kasi I need to take a break; lalo na't hindi pa rin ako makamove-on sa panaginip ko.

Simula nun, wala nang nagsalita. We've been quiet while we were walking. It's not awkward, it's just that I can't still stop thinking about that dream. "Is something bothering you?" nag-aalalang tanong sakin ni Kiel. Tinignan ko siya at parang hinuhulaan niya yung nasa isip ko sa pamamagitan ng pagtitig sakin.

"It's just.... I had a weird dream tonight, exactly before you called." saad ko sa kanya and he nodded as response. "Continue." simpleng sagot nito kaya't napatingin ako sa harapan, sa dinadaanan namin.

"I dreamed about my mom. She looks like my mom, she seems real. B-but something about her seems... not right." paninimula ko at huminga ng malalim bago ituloy yung kwento ko. "Then a man approached her, she said that it is her husband. She said that she wants us to be together, like a real family. After that-" huminga ako muli ng malalim, naaalala ko yung panaginip kong iyon. That dream seems to mean something, I don't know. I am being hysterical right now!

"After that, what?" tanong sakin ni Kiel. Should I say it? "G-ginilitan niya ng leeg si mommy, and he tried to kill me but I woke up." sabi ko at nakahinga na ako nang maluwag. "That's some fucked up shit." he said and I nod as an approval. Yeah, that idea of my own mother trying to introduce me to her new psychotic and a killer husband is so fucked up!

Hinatid na rin ako ni Kiel sa bahay namin, baka daw ano pang mangyari sakin. "Thanks, for tonight. Goodnight." pagpapaalam ko kay Kiel pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng isang yakap. He hugged me tightly for just a while bago siya kumalas. "Have a good night." sabi niya at umalis na. I was left here both dumb-founded and also shocked.

Ewan ko ba dyan sa lalaking yan. Minsan cold, minsan nakakainis, minsan naman romantic. Aba ewan ko ba! Nababaliw na ako! Hinawakan ko yung dibdib ko, napakalakas ng kalabog ng aking puso. I'm not falling for him, it's just.... I'm shocked from what he did.

Pasok na nga ako sa bahay para na rin makatulog na ako, para mabawasan na rin yung mga iniisip ko; para tumigil na ako kaiisip sa kanya.

Goodnight self, sana di ka bangungutin ulit.

𝟏𝟏:𝟑𝟗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon