𝟏𝟏:𝟑𝟗 ; 07A

67 10 15
                                        

ALEXANDRA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXANDRA'S

—; August 15 2020, 7:39 AM

Sitting on a wheelchair, we are slowly leaving the hospital— the place that brought us to many unfortunate events and happenings, and the only place where most of my friends were taken and killed.

It's both sad and heartbreaking, but we need to move on. We need to focus on what's happening instead of grieving, para matigil na ang punyetang sumpa na'to.

"Let's go? The van is already there, and everyone's waiting for us." banggit ni Kiel at tinulungan akong makatayo mula sa wheelchair. Tumungo na kami sa sinasabi niyang van, at sumakay na dun.

Medyo okay naman ang byahe namin, wala nga lang umimik kahit ni isa. Nagtataka naman ako kung bakit umiiba ang ruta ng dinadaanan namin at napunta kami sa aming paaralan, imbes na ihatid nila ako sa aking bahay. Ano na naman bang gagawin nila at dito kami sa school namin napadpad?

"Bakit tayo nandito? Saan ba talaga tayo pupunta?" nagtataka kong tanong. Mukha kasing alam nilang lahat kung saan kami pupunta, ako lang talaga yung wala man lang kahit ni isang ideya kung saan kami patungo. Tinignan lang nila ako at ningitian ng pilit. Di ko naman sila masisisi kung ngingitian nila ako ng pilit, lalo na kung nakakapanlumo yung mga nangyari sa amin these past few days.

Napunta naman kami sa hideout naming magtotropa, dito sa lumang library ng aming school. Tinignan ko sila at they started to roam around, like they were finding something.

Ano naman ang gagawin namin dito?

"Guys, find something that can be useful, okay?" biglang sambit ni Isabelle na ikinataka ko. Ano ba itong pinagsasabi nila? Nang napatingin ako sa kanila ay mukhang alam nila ang gagawin, ako lang ba ang mukhang tanga dito at walang kaalam-alam sa mga nangyayari?

Kahit di ko alam ang gagawin, sinunod ko nalang ang sinabi ni Isabelle at naghanap ng kahit ano mang pwedeng mahanap. Pero maghahanap na sana ako nang biglang hawakan ni Kiel ang aking braso. "You can just sit there, kami na ang bahala dito." saad niya at tinulungan akong makaupo sa upuan na nasa bahaging gitna ng silid.

Tinitignan ko lang sila isa-isa, at napagtanto kong seryoso sila sa kanilang ginagawa. Makalipas ang ilang mga minuto, ay aligaga pa rin sila sa paghahanap. Sina Isabelle at Dominic ay sabay na naghahanap. Ganun rin si Sebastian at Rebecca. Si Kiel ay nagkakalkal mag-isa samatalang si Harrison ay nagbabasa ng libro na parang may pilit na iniintindi. Hawak niya rin ang kanyang cellphone sa isa niyang kamay.

Tahimik lang silang naghahanap ng biglang nagsalita si Harrison. "Guys, here." sabi niya at inilapag sa isang mahabang mesa ang libro na kanina niya pa hawak at ang cellphone niya. Agad-agad naman kaming nagkumpulan dun.

"Do you remember the first video we watched? Do you remember its file name?" tanong ni Harrison sa amin, pero umiling lang kami since ang tagal na nung time na yun. "I actually captured a picture of that, and it's here on my phone." sambit niya at ipinakita sa amin ang tinutukoy niya. Nakita ko naman yung sinasabi niyang file name ng video, pero di ko naman ito naiintindihan.

𝟏𝟏:𝟑𝟗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon