𝟏𝟏:𝟑𝟗 ; 02C

106 10 16
                                    

ALEXANDRA'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXANDRA'S

—; August 10 2020, 5:35 PM

"San tayo ngayon?" nagtatakang tanong ni Dom sa aming lahat. Since wala namang battle ngayong araw, wala kaming pagkakaabalahan ngayong araw. Nakangiting tumingin si Seb saming lahat. Alam ko na kung saan 'to patungo.

"Wala yung parents ko dito, they are on a business trip which means...." nakangiting sabi niya sa amin, hinihintay kung ano ang isasagot namin. "No, ayaw ko. Basta kina Seb, ayaw ko." sabi ni Isabelle at nagbalak na umalis na pero pinigilan siya ni Dom.

"Paano ba naman? Tayo yung bisita tapos sa atin ipapalinis ang bahay?! Ang kapal naman ata ng mukha." sabi ni Dylan na kunwari naiirita. Wow! Kay Dylan nanggaling ha?! "Makapagsabi, eh hindi ka nga naglilinis eh! Pareho lang kayo ni Seb na makapal yung mukha." nakakalokong sabi ko na nagpainis kay Dylan.

"Oh sya, sige na! Let's go to Seb's house!" sigaw ni Maddie tsaka tumakbo papunta sa kotse niya. Yung iba rin ay tumungo na papunta sa sarili nilang mga sasakyan. Ako, ayoko. Tinatamad akong magdrive ngayon. Plus, ang dami kong iniisip. Baka di pa ako makaabot sa bahay ni Seb nang buhay.

"Hey, you going?" tanong ni Kiel sa akin. "Yeah, but tinatamad ako magdrive. Magtataxi nalang ata ako." sabi ko at nagpasyang maghintay na nang taxi pero hinablot niya ang aking kamay. "Angkas ka nalang sakin." he requested. Tinignan ko ang sasakyan niya, it is a freaking motorcycle. Hindi ba't nakakatakot yan?

"No, magtataxi nalang ako." pagpipilit ko sa kanya but he really insist na sumabay ako sa kanya. "Angkas ka nalang sakin. Kung magtaxi ka, maghihintay ka pa. Nandun na kami, tapos ikaw wala pa." satsat naman niya. Hindi talaga siya titigil hanggang di ako pumapayag sa kanya.

"Atsak-" he continued but I put my index finger in his lips to shut him out. Daming satsat, medyo nakakairita na. "Wear this helmet." sabi niya sabay suot sa akin ng helmet. He put it on me and his eyes met mine, they were glistening just like the night stars. "Hey! Hold unto me when your scared." he said and winked. Wow! Ang harot naman netong lalakeng 'to. And wait, Azekiel Huxx knows how to wink! Medyo may konting sabit pero acceptable naman.

Humarurot na yung kanyang motorsiklo at ipinatakbo niya na eto. The night sky was so beautiful, the night stars are so bright. The breeze of air caresses my skin, the trees were swaying. This night was great, lalo na't si Kiel yung kasama ko. Wait what?! Pretend that I didn't think about that! Delete, delete!

It was fine in the start. Pero unti-unti, pabilis nang pabilis yung takbo netong motor! Shuta! Ang bilis niya magpatakbo, does he have a death wish or something?!

Dahil sa takot ko ay yinakap ko siya nang mahigpit, as in sobrang higpit. Wala tong malisya, natatakot lang naman talaga ako eh! Kaya ayokong magmotor talaga.

𝟏𝟏:𝟑𝟗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon