ALEXANDRA'S
—; August 17 2020, 7:17 AM
There are no other words that can explain what I'm feeling right now except for pain and grief.
We lost Sebastian, but the most painful part for me is..
I lost my dad.
He's not supposed to be there, he shouldn't interfered with our business.
He doesn't even have any idea on who is our enemy, wala siyang kamuwang-muwang tungkol sa nangyayari. Yet, he still sacrificed himself.
If he didn't just did that, h-he... he would still be alive.
Ngayon, pinapanood ko sina Dominic at Harrison na inililibing ang daddy ko. I want him to be buried in our backyard, para malapit lang siya sa akin. Kahit patay na siya, alam kong nariyan lang siya para sa akin. I also know na masaya siya ngayon kasi magkasama na sila ni Mom.
Naramdaman ko lang na yinayakap na pala ako ni Kiel. Hindi ko na kayang pigilan kaya humagulgol ako sa kanyang dibdib. Sobrang sakit lang talaga nito para sakin, s-sobrang sakit.
"Just cry it out, babe. Just cry it out." tanging sambit sa akin ni Kiel at hinayaan akong umiyak sa dibdib niya. All the unspoken words, the broken feelings— I burst it out through my tears.
I wish that I can take away the pain just by crying, but it will only remain as a wish.
• • • • ❖ • • • •
Nailibing na nang maayos si Dad. Kami ngayo'y nandito sa loob ng aking silid, nananatiling tahimik. Walang kahit ni isa ang gustong magsalita. The silence is killing me already.
"Guys, is this the end already?" saad ni Dominic na bumasag sa katahimikan na bumabalot sa amin. Napaisip naman ako, at alam kong sila rin dahil sa biglang tinanong ni Dominic. Is this the end? Wala na ba talaga kaming magagawa upang pigilan ang sumpa? Mamamatay na ba kami?
Lahat ng nangyayari, lahat ng nalalaman namin— sobrang-sobra na sa puntong naaapektuhan na kaming lahat. Nakakapagod nang mag-isip, nakakapagod nang kumilos para lang sa sumpang ito, pero mukha ngang di na kami makakaalis sa sumpang ito. Hanggang dito nalang kami. Sigurado akong pagkalipas nang iilang araw ay wala na kami sa mundong ito.
"Should we take a break?" biglang sambit ko na siyang kumuha ng kanilang mga atensyon. Yun lang ang lumabas sa aking bibig. Mas mabuti na nga iyon, para naman makapagpahinga kami. Alam kong pagod na pagod na sila, kahit ako rin naman ay pagod na.
"Let's take a break, guys. Let's spend our remaining time now for our family and friends. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala, hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. We can't escape this, we can't." mahabang lintanya ko. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang pagtataka, pero nang tignan ko si Dominic ay galit na ito.
"Is that it, Alex?! Pagkatapos ng lahat, sasabihin mo yan sa amin?! Punyeta naman! Naisip mo ba yung mga kaibigan natin na nawala dahil sa pesteng sumpa na ito?! Si Maddie! Si Vivi! Si Dylan! Si Rebecca, tapos si Seb! Naisip mo ba sila?! HA?! Tangina ka! Parang wala lang sayo yung pagkamatay nila!" galit na galit na sambit sa akin ni Dominic. Tinignan ko lang siya, at wala akong pinapakitang emosyon. Ayoko nang umiyak, ayoko nang magmukhang mahina. Hindi ko siya sinagot na siyang dahilan kung bakit padabog siyang tumayo at lumabas ng aking kwarto. Agad naman siyang sinundan ni Isabelle.
"Kung yan ang gusto mo, Alex. Sige, papayag ako." yun lamang ang sabi sa akin ni Harrison bago siya lumabas ng silid, sigurado akong sinundan niya na rin sina Dominic at Isabelle.
Napatingin naman ako kay Kiel, siya nalang ang naiwan dito sa kwarto. Mukhang wala siyang balak umalis. Unti-unti siyang lumapit sa akin, at hinawakan ng mariin ang aking mga kamay. "You sure about this, Lex? I can stay here if you want." suhestiyon ni Kiel na siyang ikinailing ko. Gusto kong mapag-isa ngayon. Ayaw kong nandito sila, lalong-lalo na siya.
"Kiel, spend your time with your family. Spend your time with those people you love." pagkukumbinsi ko sa kanya. Hindi naman siya natinag at pinisil ang aking mga kamay. "But I also love you." biglang sambit niya na ikinatigil ko.
H-he..... He l-loves me?
"Kiel, ano pang ginagawa mo jan? Hali na!" sabat ni Harrison kay Kiel na ngayo'y nasa harapan ko pa rin. Wala na siyang ginawa kundi ang sumunod. Hinalikan muna niya ako sa noo bago siya umalis at iniwan ako.
Pagkaalis nilang lahat, napahiga nalang ako sa aking kama. Pilit kong iniisip ang mga nangyari these past few days. Pagkamatay ng mga kaibigan ko, yung sikreto ni dad at yung pagkamatay niya. Dumagdag pa 'tong si Kiel na nagpadagdag sa mga iniisip ko.
Yun nga no, ginawa na namin ang lahat pero wala kahit ni isa ang tumatalab. Patuloy namin pinipilit na gumawa ng paraan para maalis sa amin ang sumpang ito, pero wala talaga. Nagpapatuloy pa rin ito sa pagsalakay sa amin. Sigurado akong wala na kaming takas, at mamamatay na kaming lahat.
Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon na humiling, hihilingin ko na sana ako nalang yung kunin nila at ibuhay na lang nila ang mga natitira kong kaibigan. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit sila nadamay dito sa gulong ito, at wala na rin naman akong rason upang mabuhay dahil kinuha na nila ang buhay ko— which is si dad.
Agad namang umagos ang aking mga luha nang maalala ang mga alaala namin ni dad. Hindi ko inaasahan na sa mismong araw na magkakaayos kami ay dun naman siya babawiin sa akin. Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga pambabastos na ginawa ko sa kanya, hindi man lang ako binigyan nang kahit kaunting oras man lang para makapiling siya.
Napatingin ako sa ceiling ng aking kwarto. Nagbabakasakali ako na bumalik ang lahat sa dati, kung saan buo pa kaming magkakaibigan at buhay pa ang dad ko. Pero mukhang hindi na iyon magkakatotoo, at alam ko namang susunod na ako sa yapak nila. Handa na ako, handa na akong harapin kung anong magiging kapalaran ko.
This is the end, I guess.
BINABASA MO ANG
𝟏𝟏:𝟑𝟗
Misterio / SuspensoOne student who seems normal in the peoples eyes during the day appears to be an underground fighter in the night- that's Alexandra Blixt, a woman known as a ruthless fighter. Along with her friends, she thought that it will just be a normal and a f...