One student who seems normal in the peoples eyes during the day appears to be an underground fighter in the night- that's Alexandra Blixt, a woman known as a ruthless fighter. Along with her friends, she thought that it will just be a normal and a f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THIRD PERSON'S
"Submit the soft copies of your work through USB. No USB, no grade." Sambit ng propesor bago siya umalis. Lahat sila'y umalis na ng silid, bukod sa iisang babae.
Siya ay isa lamang skolar sa paaralang pinapasukan niya. Mabuti nga'y nakapag-aral siya kahit walang pera ang kanyang pamilya— iyan ang nakatatak sa kanyang isipan. Yung sinabi ng kanilang propesor kanina, na kapag walang USB, wala siyang grado. Lubos siyang natakot.
Wala siyang USB at wala siyang pambili neto. Hindi rin niya itong pwedeng pag-ipunan dahil ang pasahan ng mismong gawain ay bukas na agad. Babalik pa siya sa computer shop upang tapusin yung gawain niya.
Natapos na ang klase at ngayo'y papunta na siya sa apartment na kanyang tinitirahan.
"Humiram nalang kaya ako sa may-ari, pwede ba iyon?" tanong niya sa kanyang sarili, ngunit alam niyang di papayag iyon dahil ang mismong may-ari ng computer shop ay ubod ng kasungitan.
Habang siya'y naglalakad, may napansin siyang numiningning sa isang sulok. Balak niya sanang magpatuloy sa paglalakad, ngunit napagpasya niyang silipin kung ano ito.
"Shet! Salamat sa diyos!" sambit niya at kinuha ang isang USB. Mukhang narinig ng Diyos ang kanyang kahilingan— iyon ang inaakala niya.
• • • • ❖ • • • •
Ngayo'y 11:14 na.
Pumasok na siya sa computer shop, at inirapan lang siya nung may-ari.
Mayroon lamang siyang tatlongpung minuto upang tapusin yun.
Dalawamput-limang minuto na ang lumipas, at sa wakas, natapos niya na ang kanyang ginagawa. Ininsert niya na ang USB sa computer para itransfer ang file, ngunit nagkaroon ng aberya at ang mismong screen ng computer ay naging pula. Mayroon lamang isang folder sa buong screen, at inopen niya ito.
Balak niya sanang tawagin ang may-ari ng computer shop, pero baka pabayarin lamang siya sa pinsalang hindi naman siya ang may gawa.
Pagkabukas niya ng folder, tumambad ang isang video file. Binuksan niya ito ang nalula sa kanyang nakita at napasigaw ng wagas. Nataranta ang iba, kabilang na ang mismong may-ari ng computer shop, at pinanood rin ang video.
Halos lahat sila'y natakot, ngunit siya ang pinakaapektado. Natutulog na siya ngayon sa kanyang silid, ngunit nararamdaman niyang may umaaligid sa kanya at parang binabantayan ang bawat kilos niya.
Isa lang ang alam niya, may kinalaman ang napulot niyang USB sa mga nangyayari sa kanya ngayon.
Iyon ang nangyari bago siya biglang naglaho.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.