One student who seems normal in the peoples eyes during the day appears to be an underground fighter in the night- that's Alexandra Blixt, a woman known as a ruthless fighter. Along with her friends, she thought that it will just be a normal and a f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AZEKIEL'S
—; August 09 2020, 4:17 PM
"Punyeta, nag-aral ba tayo para magpulot lang ng basura at maglinis?! Ang mahal kaya ng tuition dito!" rinig kong pagpaparinig ni Alex sa janitor na ngayo'y nagpapahinga sa gilid kasi kami ang gumagawa ng trabaho niya. Grabe talaga 'tong babaeng to, ang tapang talaga; kaya mahal ko yan eh.
"Tangina naman kasi, Seb! Kung hindi dahil dyan sa relo mo, hindi natin ginagawa to ngayon!" bulaslas ni Dylan kay Sebastian na ngayo'y nagmumukmok kasi siya ang sinisisi ng lahat. Kahit ako, ang sarap niya talagang batukan!
"Sorry na nga diba? Di ko alam na delayed yung relo ko!" pagdedefend ni Seb sa aming lahat kaya lahat kami'y tinititigan siya ng masama. Nakita ko naman ang unti-unting paggalaw ng kanyang adam's apple, kinakabahan siya kapag ganyan.
"Sana pala sumama nalang ako kina Dom, di sana ako naglilinis ngayon." reklamo ko tsaka tinignan sina Dominic at Vivienne, nakangisi si Dominic samin at mukhang masaya na nakikita kaming naghihirap ngayon. Si Vivienne naman, cold pa rin yung ekspresyon ng mukha. Ano bang bago?
"Ang bobo niyo kasi." asar ni Dominic samin kaya tinapunan siya ni Isabelle ng walis tingting. Ayan! Mag-aaway na naman ang magjowa tapos magtatampo si Isabelle tapos susuyuin siya ni Dominic hanggang sa magbati sila ulit, alam ko diba? Lagi silang ganyan eh, badtrip!
Linapitan ko naman si Alex na ngayong nagpupursigi sa pagpupulot ng basura. Bihira lang siya ganyan ah, nakakapanibago! "Mukhang ang sipag mo ngayon ah?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin at ngumiti. Dahil sa ngiti mong yan, nahulog ako sayo tangina!
"May laban kasi kami ni Dom sa underground mamaya, nuod ka?" tanong niya sakin at inaasahan kung anong isasagot ko. Well, kahit hindi mo na sabihin o tanungin, pupunta pa rin ako. "Syempre, may susuportahan ako eh." simple kong sagot sa kanya at nakita ko naman yung unti-unting pagpula ng pisnge nya, ang cute shet!
"Sino? Sino yung susuportahan mo?" nakangising tanong niya sakin. Nakakaloko yang ngisi na yan, kaya lolokohin kita pabalik. "Si Dom." simple kong sagot na dahilan nang pagkaalis ng ngisi sa labi niya. It turned into an evil one, an angry evil to be exact. Ayan na siya, patay na ako neto!
"Psh." sabi niya at inirapan ako tsaka lumayo sakin. Huminga naman ako nang malalim kasi akala kong mamamatay na ako kanina, akala ko last day ko na'to! Buti nalang natitiis ko siya, mahal ko eh.
"Lex, we need to be there now! Magsisimula na yung battle!" sigaw ni Dominic kay Alexandra. Napahiyaw naman sa saya si Alex tsaka tinapon ang walis sa ere. Umiwas kaming lahat, baka matamaan pa kami.