REBECCA'S
—; August 15 2020, 9:43 PM
"Sabay-sabay na tayo guys. Just to make sure that everyone would be safe until nakauwi na ang lahat." biglang suhestiyon ni Kiel nung palabas na kami ng computer shop. Mas mabuti nga kung ganon, lalo na't possible na mayroon na namang mawawala ngayong araw.
Nakita ko namang pumayag na silang lahat nang biglang nagvibrate ang aking cellphone, isang hudyat na mayroon akong natanggap na isang notification. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at napagtanto ko na isa pala iyong text message. Ngunit unknown number yung nagtext sa akin
______________________________
+639 4517 45621
darling, this is your mom.
i'm just using the phone of our driver.can you go here in our private building?
we have something to discuss.susunduin ka nalang ng driver natin dun sa waiting shed
ng san isidro street. see you nak, be safe.______________________________
This seems so sudden, but I don't have a choice. Walang nakakaalam sa private building na iyon bukod sa akin at ang pamilya ko. Even my friends doesn't have any clue about it. So now, kailangan kong magsinungaling.
"Guys, I can't. Sudden emergency, mom and dad needs me now." sabi ko sa kanila kaya lahat sila'y napalingon sa akin. Taimtim nila akong tinignan, kaya ako'y napapalunok sa kaba. Knowing them, pipilitin nila ako na sila na ang maghahatid sa akin dun. Pero hindi pwede yun, dapat 'di nila malaman ang tungkol dun.
"Hatid ka na namin, Bec." suhestiyon ni Kiel, pero di ako pumayag. "No, my driver is on the way here. You can now go, I can handle myself." saad ko sa kanila. Mukhang 'di pa rin sila kumbinsado sa aking sinabi.
"You sure? Malapit na mag 11:39, you need us to be safe." pamimilit ni Kiel sa akin, pero I know myself that I can't accept it, I really can't.
"My driver is on the way, malapit na rin yun dito. Mauna na kayo, baka gabihin pa kayo lalo dito." sambit ko sa kanila. "Okay." sapilitan na saad ni Kiel, at mukhang napilitan rin ang iba ko pang mga kaibigan.
"Just call us when you get home, okay?" paalala sa akin ni Alex bago ako yinakap ng mahigpit. I hugged her back. Nakita ko na silang sabay-sabay umalis, hanggang sa makalayo na ang kanilang sinasakyang kotse.
Nung sigurado na akong wala na sila sa aking paningin, ako'y pumara ng taxi. Buti nasa highway kami, which means na maraming taxi ang nasa paligid. Agad akong nakatawag ng taxi at tumungo palapit dun.
"San Isidro Street po manong." sambit ko pagkapasok ko ng taxi.
Bakit nga ba kailangang itago 'to sa kanila? Alam kong yun yung isa sa mga tanong niyo.
BINABASA MO ANG
𝟏𝟏:𝟑𝟗
Mistério / SuspenseOne student who seems normal in the peoples eyes during the day appears to be an underground fighter in the night- that's Alexandra Blixt, a woman known as a ruthless fighter. Along with her friends, she thought that it will just be a normal and a f...