Roller Coaster ride

16 3 0
                                    

Kent Joshua Dela Cruz Montenegro POV

It was fu*cking 6 in the evening, pagkatapos kong mag shower ay nagbihis na ako, may date kami ni Rodalyn this evening sa carnaval, i'm not sure na it was a good idea to bring her at that fu*cking place  but she loves it no matter what. Suot ang black denim jacket at white jeans,  I fix my messy hair at bumaba na ng hagdanan.

Mona POV

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng t shirt at mumurahing saya, bumuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Naninibago  pa talaga ako sa paligid, hindi tulad ng dati na payapa, luminga ako sa paligid ng silid, medyo may kalakihan ito pero luma na,  bitak-bitak na ang ding-ding , naagnas na ang puting pintura pero mas maganda ito , mas malaki at maayos ito keysa sa kwarto namin sa probinsya, mas malaki din ito keysa sa bahay namin.
.
Bumuntong-hininga ako dahil naaalala ko si itay na sumakabilang bahay na, ayokong makadama ng lungkot pero hindi ko maiwasang maalala si itay, kahit balasubas yon ay mahal nya kami, pero wala eh, sumakabilang bahay , matagal na pala silang may relasyon ng kaibigan ni inay kaya simula nong umalis si itay, palageng malungkot si inay at hindi ko na sya nakitang masaya. Naipaisip ako, kung mahal talaga kami ni itay, hindi nya kami iiwan, kaya nagsinungaling lang pala sya sa amin. Natauhan ako nang bigla akong hinila ng dalawang kamay at kinaladkad sa isa pang silid.

" What have we told you a while ago insan, suotin mo na yong binili namin sayo, nagmumukha kang nanay sa suot mong yan. "  Pairap na sabi ni Melody.

" At tsaka hindi ba uso ang suklay sa inyo, nagmumukha kang nerd na bruha dyan sa buhok mo. " Sabi ni Rachelle sabay hawi sa aking buhok.

" Hindi lang yon, para kang mangkukulam na barbie ang gamit na manika , insan nasa Maynila kana kaya please lang makinig ka samin, kasi ayaw naming mapahiya ka sa mga tao at mapahiya din kami. " Sabi naman ni Melody at may kinuha sa drawer ng mesa. Wow nakakahiya  naman sa kanila , ako pa talaga ang mag aadjust sa pananamit ngayon. Sa isip ko.

" Sa ayaw at sa gusto mo, pagagandahin ka namin ngayon diba Melody?! " Excited na sabi ni Rachelle.

" Kayo nalang kaya, wag nyo na akong isama kasi di ako sanay sa maraming tao at maiingay na lugar " Sabi ko sa kanila at napatingin sila sakin at nagtinginan.

" Wag kanang papalag bata masasaktan ka lang. " Sabi ni Melody na may hawak na suklay.

" Kapag hindi ka sumama sa amin kakalbuhin namin ang buhok mo at pati kilay mo. " Nakangising sabi ni Rachelle na may hawak na gunting.

" O sige sasama na ako,  basta wag nyo lang akong kalbuhin please. " Pagmamakaawa ko sa kanila.

Nag apir ang dalawa at pinaupo ako na nakaharap sa salamin.

" Insan kailangan mo din ng brace, na dislocate na kasi ang mga ngipin mo. " Sabi ni Melody habang marahas akong sinusuklay kaya napangiwi ako sa sakit.

" Na disinfect naba tong buhok mo insan, i'm sure na madaming kuto na nakatira rito, baka naka condo pa nga sila sa kapal ng balakubak mo, punta tayo ng salon bukas. " Sabi naman ni Rachelle habang may nilalagay na kung ano-ano sa mukha ko.

Atfer 1 hour and 30 minutes ay mag aalas 7 na, suot ko ang malaswang damit na ibinigay sakin ni Melody at Rachelle. Nasa tapat na kami ng pintuan at parang ayaw kong kumilos dahil sa itsura ko , naka ponytail ang buhok ko, may kung anong pulang bagay na nilagay sa bibig ko  , oo alam ko na lipstick yon  pero hindi ako sanay mag lipstick yo be honest napipilitan lang ako ngayon , maiksi ang suot ko sa baba at pati na sa taas kaya naiilang ako at nayapos ang sarili.

"Ano ba insan tayo na!" Sabi ni Melody sabay hila sakin.

" Pe-pero halos kita na ang kaluluwa ko sa suot ko, ba-baka pagkamalan akong pokpok. " Giit na sabi ko sa kanila.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon