Bugso ng Damdamin

8 2 0
                                    

Mona POV

Tahimik kaming kumakain sa  Restaurant na paborito naming puntahan. Ayaw ni Kent doon sa Restaurant ng mommy nya kaya dito na kami madalas kumakain ng tanghalian , madalas din sya ang nagbabayad ng kinakain namin. Matapos kaming kumain ay lumabas na kami at nagtungo sa kanyang sasakyan. Nabigla ako nang pinagbuksan nya ako ng pinto  at inalalayang pumasok. Aba naging gentleman na ang loko ,  bago nya isinira ang pintuan ng sasakyan ay kumindat muna ito sakin at ngumisi. Uminit ang magkabilang pisngi ko parang nag-blushed ito kaya yumuko ako upang hindi nya makita. Nagtingingan sila ng makahulugan ni Edward , they're glaring at each other  na para bang may hidwaan sa pagitan nila , ibinaling ni Edward ang paningin sakin at nagtataka ako. Bumalik ang paningin nito kay Kent. Pinaandar na ni Kent ang sasakyan at natuon ang atensyon nila sa daan.

" This is not a good idea Kent. " Edward said firmly at kumunot ang aking noo.

" Yes it is! " Ngumisi ito ng nakakaloko.

" Whatever , huwag sanang dumating sa puntong pagsisisihan mo ang lahat ng ito. "

" Hindi mangyayare yon! " Kent grinned and look at me in the mirror. His eyes was shining devilishly and I can't help myself to admire it. Is he trying to flirt with meh?

" Mark my words , you'll regret about it later , pinalala mo lang ang sitwasyon eh. " Edward glare at him and Kent chuckled devilishly , ba't parang nakaramdam ako ng takot?

****************************************************************
Pagkarating namin sa building ay dali-daling bumaba si Kent at pinagbuksan nya ako ng pintuan sa backseat kaya nagtataka na talaga ako. Inabot nya ang kanyang kamay sakin tsaka ngumiti ng nakakaloko. Suddenly, the spark of electricity jolted as  we holding hands , he press my hand gently , I was in electric shock as in parang live wire ang kamay nito nang mahawakan ko , di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman , and it felts like everything was in slow motion as we're staring at each other. His hazel eyes shone brightly and I look at him like I was being hypnotized. This is it , ang spark na hinahanap ko, sya na kaya ang meant to be ko? Tanga ako kapag sinabi kong hindi.

" Hey let's go , kingina lutang ka na naman! " Bulalas nito at kumaway sa tulala kong pagmumukha.

Tumango ako at natawa sya. Hindi nya inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak habang naglakad kami papasok. Walang emotion na tumingin si Edward sa amin at panay ang iling nito. Nagseselos kaya sya? Natanong ko sa isip ko. Di maalis ang ngiti sa mga labi ko habang hawak-hawak ni Kent ang aking kamay , nanginginig ito , pinisil nya ito at tumingin sya sakin at ngumisi kaya napakagat-labi ako.

Nag ring ang cellphone nito at kumalas sya sa pagkakahawak saking kamay.

" Hello baby , napatawag ka? " Malambing na sabi nito. Hindi ko alam pero parang nahiwa ng blade ang puso ko.

" I just miss you , where have you been , kanina pa ako naghihintay dito sa office mo. " Sabi ng babae sa kabilang linya. Of course may jowa sya at nakalimutan , not just one but hundreds of them I guess. Iba talaga pag gwapo at mayaman , madaming magkakagusto and yes I'm one of them , pero natatakot ako baka lokohin nya lang ako at saktan ang damdamin ko , I won't let that happen , kahit may gusto pa ako sa kanya pero lolokohin nya lang din ako in the near future , mas mabuti pang putulin ko na ang nararamdaman ko ko para sa kanya. Imagined , amdami nyang babae , magaganda at mayayaman din katulad nya , at ako , isang hamak na promdi at basahan.

Hindi ko na nadinig ang ibang usapan nila kasi lumayo ito. Inakbayan ako ni Edward at tinapik sa balikat , ngumiti ito sakin na may bahid ng kalungkutan. Si Edward ang tipong malambing at maunawain sa lahat , oo gwapo din ito pero hindi ko sya gusto , naka reserve na ang puso ko para sa isa at mukhang malabo itong mapasakin at mahalin din ako kahit na nagpapakita pa ito ng motibo , wala akong tiwala sa mga babaero gaya ng ama ko , naiinis ako sa kanila at nasusuklam kaya aalisin ko na sya sa puso ko pero paano?

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon