Pure Denial

5 1 0
                                    


"Mahal kita kahit nasasaktan ako, lumalaban ako dahil umaasa akong balang araw mamahalin mo din ako, ang hirap naman kasi kapag ikaw lang ang nagmamahal at ikaw, wala kang pakialam sa aking nararamdaman, hindi mo alam kung gaano kahirap umibig sa taong walang paki sayo at malabong mapasayo. Pasensya kana sa akin ha, nagmamahal lang naman ako, oo wala akong karapatang mahalin ka , alam ko na noon pa pero ang tanga-tanga ko, kung pwede pa lang pigilan tong puso ko na ibigan ka ginawa ko na ! " Umiiyak na sabi ni Mona, naghahabol sya ng hininga habang humahagulhol.

Napailing si Kent at napabuntong-hininga, ginulo nya ang kanyang mga buhok, nakaramdam sya ng guilt sa sinabi ni Mona , hindi sya nakaimik at animo'y nag-iisip kung ano ang sasabihin. Tiningnan nya ang umiiyak na si Mona, hindi nya alam kung bakit nakaramdaman sya ng awa rito pero hanggang doon lamang yon, ikakasal na sya kay Rodalyn .

"Hindi ko kasalanan kung bakit minahal mo ako. " kalmadong sabi ni Kent.

"Sabi ko nga , ako ang may kasalanan dahil ako lang ang nagmamahal sayo diba? Ang ingot mo din eh no ! " Tumigil na sa pag-iyak si Mona at ngumiti ng mapakla. "Ito na ang una at huling beses na magmamakaawa ako dahil sa pag-ibig, tandaan mo isusumpa ko sa langit at impyerno na hinding-hindi na ako magmamakaawang mahalin ng kahit sino sa ngalan ng pag-ibig! " Pagkasabi ni Mona ay biglang kumulog at kumidlat.

Kent shook his head and spat

"Good thing to know, now get out of my office , out ! "  Ma awtoridad na sabi nya "

Tumango ng marahan si Mona at tumayo sa sahig at niyapos ang sarili.

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin, nag iilusyon ka lang tandaan mo yan " Diin na sabi ni Kent at napatigil sandali si Mona sa pintuan, lumingon ito kay Kent na mugto ang mga mata , binuksan ni Mona ang pintuan at umalis na walang lingon likod.

Nagising si Mona mula sa isang masamang panaginip. Naghahabol sya ng hininga at tsaka pinagpawisan. Bumangon sya at umupo sa kama at humugot ng malalim na hininga. Hindi nya namalayang umiiyak na pala sya , she cannot sober her emotion anymore , she needs to cry as she felt her heart wrench in agony. Humiga sya at isibubsob ang mukha sa unan tsaka humagulhol ng iyak. Labis syang nasaktan at nanliliit sa sarili , well maliit naman talaga sya dahil pandak sya pero iba ang nararamdaman nya sa mga sandaling yon , ang kabiguan at pasakit na kahit kailan ay hinding-hindi masusuklian ang pagmamahal nya kay Kent Montenegro.Nawalan na sya ng pag-asa na mahalin din nito kahit umamin ito sa kanya na may gusto din ito sa kanya pero hindi pa din sapat ang mga sinasabi nito , sa isip nya ay baka pinaglalaruan lamang nito ang damdamin nya. She clench her chest to sober the unbearable pain but she felt useless , gusto nyang sumigaw at magwala pero wala syang magagawa , ayaw nyang makagawa ng ingay at malaman ng iba ang kanyang sinapit na kabiguan sa pag-ibig. Ang OA nya sa part na nabigo sya sa pag-ibig kahit wala pa ngang sila at tsaka mukhang malabo talaga na magiging sila pero parang ganon na rin yon.𝙔𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙥𝙤𝙩𝙖. Niyapos nya ang unan at niyakap nya ito ng mahigpit hanggang sa muli syang nakatulog....

𝐍𝐀𝐊𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 sina Kent sa hospital kung saan dinala ang daddy nya. He was anxious and nervous at the same time , pinunasan nya ang namumuong pawis sa kanyang mukha. He huffed in distress as they walk inside the hospital.

" Tol okay ka lang ba? " Ani Gwyn at inakbayan sya nito.

" No i'm not okay as you can see. " He heave a breath and Gwyn patted his shoulder.

" Magiging okay din ang lahat tol , manalig ka lang. "  Gywn cleared her throat. " Kumalma ka lang at tatagan mo ang loob mo. " Gwyn said and almost  her voice almost crack.

Kent pursed his lips and nodded.

Samantalang  kinakawayan ng mga nurse at doctor pati na mga janitress na madadaanan nila si Blythe.  Nakipagselfie yong iba kay Blythe , yong iba ay nakipaglandian pa. Nagkibit-balikat na lamang si Kent , knowing na ang mga magulang nito ang nagmamay-ari ng exclusibong hospital na pinapasukan nila.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon