Being Independent

9 2 0
                                    

Mona POV

Matanda na si inay para maghanap ng trabaho kaya naisipan kong maghanap ng trabaho para makatulong sa mga gastusin sa araw-araw pero ang laki ng Maynila, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Umalis ako ng bahay pasado alas dos ng hapon pagkatapos kong magpaalam kay inay , nag-aalangan man ay pinayagan nya akong maghanap ng trabaho dahil para din to sa ikabubuti naming lahat.

Nagsimula akong magtanong sa mga maliliit na tindahan pero  sa dami ng tindahan na nadaanan at napuntahan  ko,  ni isa ay walang tumanggap sakin at nag-alok ng trabaho. Sinipat ko ang oras sa aking keypad na cellphone, mag-aalas 3 na ng hapon at pagod pagod na ako sa paglalakad. Pawis na pawis na ako , di gaya ng nakagisnang buhay sa probinsya , mas mahirap pa siguro ang buhay dito keysa sa probinsya. Kahit mainit ay nagpatuloy ako sa paglalakad, kung ano-anong establishments na napapasukan ko pero wala ni isang tumanggap sakin at yong iba ay hinahanapan ako ng resume, college degree at kung ano-ano pang hinahanap na requirements sakin na  ni isa ay wala ako.

Sa paglalakad ko ay napadpad ulit ako sa carnaval. Naupo ako sa may bench at nag isip-isip . Uuwi nalang kaya ako sa probinsya, kahit mahirap ang buhay don ay masaya naman kami, pero kung di lang dahil kay itay ay di kami nagpunta rito sa Maynila. Kahit papaano ay nakakakain naman kami sa simpleng pamumuhay, di tulad dito sa Maynila , ang hirap, nakakapagod. Nagpakawala ako ng buntong-hininga , uuwi nalang muna ako at maghahnap sa susunod na araw. Tumayo na ako at naglakad nang  biglang may  tumapik sa balikat ko ng marahan. Napalingon ako at nakita ko yong lalaking nagbigay sakin ng kwentas. Ngumiti sya sakin, naka white t-shirt ito at naka blue pants.

" Napaaga ka yata. " Ngiting sabi nito. " Reon Indovino nga pala. " Inilahad nito ang kanyang mga kamay.

Nakipagkamay ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

" Mona Eliza Rosdalle Salazar, ikinagagalak kitang makilala. " Yumuko ako ng bahagya at tumingkad ang ngiti nya.

" Ang haba naman ng pangalan mo, baka gusto mong kumain muna, uh , libre ko. " Ngiting sabi nito. Dumako ang paningin nito sa leeg ko  , kumislap ang mga mata nito nang makita ang suot kong kwentas na binigay nya.

" Nakakahiya naman, wag nalang. " Mahinang sabi ko rito at napailing sya.

" Come on , wag kang mahiya , makakapal ang mga mukha ng taga Maynila. " He chuckled.

" Huh , makakapal ang mukha nyo ? "  Kunot-noong tanong ko rito.

He rolled his eyes.

" Biro lang yon ano ka  ba , sige tara na, kakain na tayo. " Ngiting sabi nya.

Tumango ako at bumuntong-hininga.

" Sige mapilit ka eh , malakas akong kumain  okay lang ba? " Pabirong tanong ko rito. He then smirked and nodded.

Kumain kami ng siopao at uminom ng juice , nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay at nagtatawanan kami, mas natawa ako nong nabilaukan sya at maluha-luha ang kanyang mga mata . Nakalimang siopao na ako at nakadalawa pa lamang sya kaya di nya maiwasang ma amused sakin, ang lakas ko raw talagang kumain.

" So bakit ka pala napunta rito sa Maynila? " Seryosong tanong nya sakin. Dumukot sya ng lighter at nagsindi ng sigarilyo. Di ako sanay sa usok ng sigarilyo kaya naubo ako kaya humingi sya ng paumanhin at  itinapon nya ito.

" Naisipan lang naming lumipat rito kasi----" Naisip muna ako ng isasagot, alangan namang sasabihin ko sa kanya ang personal na rason kung bakit kami napadpad rito sa Maynila. Tinaasan nya ako ng kilay. " Kasi ang hirap ng buhay namin sa probinsya. " Pagsisinungaling ko. Mahirap naman talaga ang buhay namin don pero nakasanayan na.

Tumango sya.

Mag-aalas singko na ng hapon nong magpaalam kami sa isa't-isa at masaya akong umuwi at medyo nawala din ang pagod ko kanina, pangiti-ngiti ako kaya nagtataka ang dalawa kong insan, kumaway ako sa kanila at dumiritso sa itaas.

Mag-aala 6 ng umaga ako nagising , pinagmasdan ko si inay at ang mga kapatid ko , bumuntong-hininga ako at napangiti nang makita ang dalawa kong kapatid na payapang natulog katabi ni inay , kung andito lang sana si itay , masaya sana kami pero kailangan naming tanggapin na hindi na namin sya makakasama habang buhay. Alam kong hindi pa din matatanggap ni inay na wala na si itay sa piling namin.

Tinungo ko ang pintuan at bumaba ng hagdanan at nadatnan ko sina Rachelle at Melody na nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas. Sabay silang napalingon sa akin at ngumiti.

" Good morning insan , ang aga mo yatang nagising. " Ngiting sabi ni Melody at bumalik ang paningin sa pinapanood na palabas.

" Nakasanayan lang , teka maaga din kayong nagising ah. " Ngiting sabi ko sa kanila.

" Magagalit si mama kapag tanghali na kami magigising at tsaka may pasok din ako at si ate naman ay may work . " Sabi ni Melody at hininaan ang volume ng tv.

Sandali akong pinagmasdan ni Rachelle at tumikhim ito.

" Saan ka galing kahapon? " Nakataas ang mga kilay na tanong ni Rachelle.

" Naghahanap ng trabaho. " Diritsong sagot ko.

" Ano? " Sabay sabi ng dalawa at tumango ako.

" Anong inaaplayan mo? " Tanong ni Melody.

" Uhm , kahit ano basta makapagtrabaho ako. " Ngiting sabi ko.

" May work experience ka na ba? " Tanong ni Rachelle.

" Madami , paglilinis ng bahay , pagtatanim ng palay , pag-aalaga ng mga halaman , pagluluto , at pagbabantay ng bata . " Sagot ko sa kanila at napanganga sila sa sinabi ko.

" Anong natapos mo? "  Kunot-noong tanong ni Melody.

Tumingala ako sa kisame.

" Senior highschool graduate lang ako with honor lang naman pero di ko alam kung paano gumawa ng requirements para makapag apply ng trabaho. " Mahinhin kong sabi sa kanila at kumurap-kurap ang kanilang mga mata.

"Weee? " Sabay sabi ng dalawa.

" Naku sayang insan , dapat makatapos ka ng pag-aaral , matalino ka pala , sayang ang opportunity , malayo ang mararating mo! " Bulalas ni Melody.

" Pe-pero kailangan ko ng trabaho sa ngayon kasi tumatanda na si inay at tsaka para na rin makapagpatuloy sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid. " Sabi ko sa kanila at bumuntong-hininga.

" Akala kasi namin eng-eng ka noong una eh. " Sabi ni Melody at sinamaan sya ng tingin ni Rachelle.

" Wala akong sinabing ganyan , ang sabi ko mukha syang timang. " Sabi ni Rachelle.

" Eh parang ganon na nga yon , mas worst pa nga yang sinabi mo keysa sa sinabi ko. " Pairap na sabi ni Melody.

" I have an idea , ipapasok na lang kita doon sa pinagtrabahuan ko . " Ngiting sabi ni Rachelle.

" Saan? " Napangiti ako sa sinabi nya.

" Sa isang restaurant kaya lang di sila tumatanggap ng chaka doll don  kaya ayusin mo muna yang sarili mo , sya nga pala , yong sinabi naming dadalhin ka namin sa salon , next time nalang , wala na kaming pera eh. " Sabi ni Rachelle at tumango-tango ako.

" Gawan mo muna sya ng Resume at application letter ate at tsaka turuan mo syang mag fill up ng Bio data . " Sabi ni Melody at pinatay na ang tv.

" No need na ang resume at application letter don , Bio data nalang at tsaka diploma. Tagahugas ka lang ng pinggan at taga punas ng mesa don may pa resume at application letter ka pa. " Sabi ni Rachelle at tumayo na. Tinaasan nya ako ng kilay.

" Sige maliligo na muna ako. " Pagkasabi ko ay tinungo ko ang banyo at nagtinginan ang dalawa at humagikhik. Pagbukas ko ng pintuan ay bumuhos sa akin mula sa itaas  ang isang sako ng harina  kaya napaubo ako at halos di makahinga,  ipinikit ko ang aking mga mata , napuno ng harina ang kabuuan ng banyo. Pigil hininga ay dahan-dahan akong dumilat ,  tumingin ako sa salamin at natawa sa aking sarili.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon