Trials and Circumstances

9 1 0
                                    

(A/N , I accept corrections.)

Trials and Circumstances

Mona POV

Niyaya ko si Elle na pumunta sa bago naming tirahan at tuwang-tuwa si inay nang makita nya itong muli , halos hindi makapaniwala si inay dahil ang laki na ng pinagbago nito pero ako , bukod sa walang pinagbago , hindi pa ako lumaki. Pagkatapos naming magkwentuhan ay niyaya ko si inay na pumunta ng Carnaval. Nagdadalawang isip pa itong sumama pero alang-alang sa mga kapatid ko ay sumama ito pati na si tyang at ang dalawa kong insan.

Nakita ko ang kasiyahan ni inay nang makita nya kaming magkapatid na nagtatawanan habang nakasakay  sa ferres wheel kasama si Elle. Sumakay kami sa iba't-ibang rides at masayang-masaya ako sa mga sandaling yon.

Kumain kami ng kung ano-ano at binilhan ni Elle ng mga laruan ang dalawa kong kapatid at tuwang-tuwa ang mga ito. May naalala akong tao na una kong naging kaibigan dito sa carnaval. Tumingin ako sa mga nagbebenta ng accesories at alahas. Nakita ko kaagad si Reon na nakatitig na pala sakin at napangiti ito at kumaway sakin. Dali-dali akong lumapit rito.

" Kamusta?! " Bulalas ko rito at napangiti ito.

" Okay lang ako , ikaw ba? " Ganting tanong nito.

" Okay lang din , okay na kayo ni Kent? "

Umiling ito.

" O bakit? " Tumaas ang kilay ko at napakamot ito sa ulo.

" Ayaw ko na syang gambalain pa , sapat na yong humingi ako ng tawad sa kanya at pinatawad nya ako sa kabila ng lahat. " Sabi nito at bumuntong-hininga at ngumiti sakin.

" Kung sabagay tama ka naman , kaya lang bakit pala galit na galit sayo si Kent? "  Natanong ko rito.

" Wala na yon , past is past , ayaw lang nyang maka move on sa nangyareng pagtraydor ko sa kanya , ang totoo nyan ako ang dahilan kung bakit muntik na syang mamatay dahil pinagtulungan syang bugbugin ng mga nakaaway namin. " Napalunok ito. " Galit ako sa kanya at sa galit ko , hinayaan ko syang bugbugin ng mga nakalaban namin sa paaralan  , ang totoo nakipagsundo ako sa kanila na bugbugin si Kent at lubayan na nila kami pero nagkamali ako , patuloy pa din kaming ginugulo ng mga nakalaban namin pagkatapos ng nangyare kaya  tumigil na lamang ako sa pag-aaral para matahimik na ang buhay ko at lumipat ng ibang lugar at doon nagpatuloy sa pag-aaral pero ginugulo ako ng konsensya ko , hindi ko dapat ginawa yon kay Kent. " Pagsasalaysay nito.

Tumango ako ng bahagya.

" Pero hayaan mo na , at least nagkabati na kayo. " Ngiting sabi ko rito.

Biglang nag ring ang cellphone nito. Kaagad nya itong sinagot at nagulantang ito at nataranta.

" Mona kailangan ko ng umalis , sinugod sa hospital ang nanay ko! " Pagkasabi nito ay walang lingon likod itong tumakbo at nawala saking paningin.

" Eliz sino yon? " Tanong ni Elle saking likuran.  Napitlag ako at napabuntong-hininga.

" Si Reon kaibigan ko , isinugod ang nanay nya sa hospital. " Sabi ko rito .

" Kawawa naman ang kaibigan mo , tara puntahan natin. " Sabi nito at tumango ako.

" Pero sina inay? "

" Ihatid muna natin pero alam mo ba kung saang hospital dinala? " 

Umiling ako.

" Cellphone number? "

Umiling ulit ako.

" Bueno libutin natin ang buong hospital dito sa Maynila. " Sabi nito at napatango ako.

" Tawagan ko muna si Kent. "

" Bakit? "

" Kaibigan nya si Reon. "

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon