Comfort Zone

5 1 0
                                    

Mona POV

Naghahabulan kami ni Kent sa kakahuyan ,  paikot-ikot sa isang malaking puno , nakahubad kaming dalawa na parang si Adan at Eva at nagtatawanan kami habang  hinahabol nya ako , nahuli nya ako at natumba kami , nagpagulong-gulong kami sa damuhan hanggang sa harden na puno ng samo't-sariling bulaklak hanggang sa umabot kami sa bangin at napasigaw ako. Bumalikwas ako ng bangon at kumurap-kurap , biglang sumakit ang likod ko dahil nahulog pala ako sa kama at napabuntong-hininga na lamang ako. Tumayo na ako at inayos ang aking buhok  tas bumaba na.

Nakalimutan kong bumili ng bulaklak gaya ng sinabi ni itay pero siguradong matutuwa sya sa sasabihin ko sa kanya. Nakita ko si inay sa kusina , ngumiti ito sakin  , nilapitan ko ito at niyakap.

" Nay bakit di mo ako ginising edi sana natulungan ko na kayong maghanda ng agahan. " Kumalas na ito sa pagkakayakap at kumuha ng mga plato.

" Ano ka ba Eliz , alam kong napagod ka sa byahe kahapon kaya di na muna kita ginising at tsaka mukhang ang ganda ng panaginip mo kanina ,  kinilig ka eh tas ngingiti-ngiti , siguro gwapo yong napanaginipan mo . " Pilyang sabi nito sakin.

" Hindi ah, grabe ka naman nay , nanaginip lang ako na--- ahm---  , nag outing daw kami tapos naligo sa dagat tas andaming pagkain. " Pagsisinungaling ko.

" Maniniwala na sana ako sayo kung di mo binanggit ang pangalan ng boss mo. " Kumindat ito sakin at pinisil ako sa tagiliran kaya napaiktad ako. " Namula ang magkabilang pisngi ko at nagsimula na akong mataranta. "

" Oo nay kasama sya sa----sa outing kaya----"

" Kaya pala kilig na kilig ka , ikaw pasaway ka.  " Pabirong sabi nito at kinalabit ako sa tagiliran.

" Inay naman eh , panaginip lang naman yon , kakain na nga lang tayo. " 

" Sige tawagin ko muna ang mga kapatid mo , nasa labas yon eh naglalaro. " Tumalikod na ito.

" Teka nay bago ko makakalimutan. "  Huminto ito at humarap sakin.

" Ano yon anak? " Ngiting sabi nito.

" Sabi ni itay , gusto nya raw na magkabalikan kayo at magkaayos tayo uli , miss kana daw nya. "

Natigilan ito at di makapagsalita.

" Hoy nay , ayos kalang? "

" Oo ayos lang , pupunta ba sya rito? "

" Oo at gusto ka daw nyang e surprise tsaka ligawan ulit , pinabilhan ka nga nya ng bulaklak sa akin tas ibigay ko raw sayo at sasabihin kong sa kanya daw galing . "

Napakagat labi si inay at  napangiti ito.

" Oyyy kinilig! "  Pilyang sabi ko rito. " Feeling teenager lang inay ano?! " Tumawa ako at sinamaan nya ako ng tingin kaya niyakap ko ito.

" Alam mo kasi anak , ang edad at katawan lang natin ang tumatanda at hindi ang ating nararamdaman. "

" Oo alam ko naman yon nay kaya masaya ako para sayo at sa ating lahat , sa wakas buo na ulit tayo! " Bulalas ko at napaluha ito.

" Wag ka ng umiyak , baka mamaya aasa ka lang sa wala at masasayang lamang ang luha mo sa iyong mga mata. "

" Sana may bayag syang panindigan ang mga sinasabi nya kundi isusumpa kong kakalimutan ko na sya habang buhay. "

Tumango ako at ngumiti.

" Alam ko yon nay pero mahal ka ng itay , nagkamali lang sya dahil siguro part na yon ng nature ng tao ang matukso. "

" Nasa iyo na yan kung magpadala ka sa tukso , sige kumain ka na dyan tatawagin ko muna ang mga kapatid mo. "

" Maliligo muna ako saglit! "

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon