Tranquility

6 0 0
                                    

Mona POV

Hindi ko alam ang aking gagawin , kanina pa wala sa sarili si Kent at nag-alala na ako , hindi ko ito masisisi , masakit mawalan ng isang matalik na kaibigan at higit sa lahat , hindi nya maiiwasang mag-alala tungkol sa nangyare kanina , first time kong nakita na umiyak ito , hindi pala ito totally manhid gaya ng pag-aakala ko. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan at nakatingin sa malayo habang humihithit ng sigarilyo.

Binigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip-isip , lubhang mapanganib kapag nagtagal pa sya sa lugar na ito. Nilapitan ko ito at parang wala itong nakita dahil blangko ang expression sa mukha nito.

" Sir Kent. " Tawag ko rito at bumaling ang paningin nito sakin. Tumaas ang kilay nito at bumuntong-hininga.

" Tara na baka gabihin tayo sa daan. " Sabi ko rito.

" Ayoko pang umuwi. " Mahina ngunit buo ang boses na sabi nito at umiling ako.

" Kapag hindi pa tayo aalis rito ,  ikaw naman ang mapapahamak , hindi nya gugustuhin na may mangyareng masama sayo. "

" Alam ko pero ang hirap tanggapin na ang kaisa-isang kaibigan na meron ako , iniwan na ako. "

" Hindi ka nya iniwan dahil kung iniwan ka pa nya , hindi na sya nangako na babalik  diba? "

" Hindi lahat ng nangakong babalik ay babalik , minsan , may mga pangakong kaya mong bitawan pero hindi mo kayang panghahawakan. "

" Pero madami ka pang kaibigan , jowa o di kaya yong mga taong nagmamahal sayo , ako----este andito din ako para sayo . "

Tumango ito at ngumiti.

" Minsan ,  ang isang kaibigan , hindi kayang tumbasan ng kahit ilang libo pang bituin sa kalangitan. "

" Oo tama ka dahil aanhin mo pa ang milyon-milyong tao sa buong mundo kung iisa lamang ang nagpakatotoo para sayo. "

Ngumiti ito at huminga ng malalim.

" Diba ayaw mo pang umuwi edi samahan mo muna akong bisitahin si itay. " Ngiting sabi ko rito.

Tumango ito at lumapit sakin.

" Tayo na. " Naglakad na ito sa maling direksyon.

" O teka saan ka pupunta , hindi dyan ang daan. "

Huminto ito.

" Turuan mo nga akong itama ang direksyon ng buhay ko. " Nakatalikod na sabi nito.

" Halika na nga kung ano-ano sinasabi mo. " Hinawakan ko ang kamay nito at hinila. " Alam mo kasi , ikaw ang pumili ng daan na tatahakin mo , wag mong hahayaang iligaw ka nila sa tinatahak mong landas. "

Hindi na ito umimik pa at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. Nangalahating oras na kami sa paglalakad at nagrereklamo na ito.

" Malayo pa ba kingina nagsasakyan na lang sana tayo. "

" Aba oo nga eh nakalimutan ko , problema mo na yan ikaw ang may-ari ng sasakyan kaya wala akong karapatang mag demand , katulong mo lang ako. "

Hinubad nito ang kanyang jacket dahil pawis na pawis na ito , naka sando nalang ito at lumabas ang mga muscles sa katawan nito. Ibinigay nya sakin ang kanyang jacket. Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon para hindi nya ako mahuling nakatingin sa kaya.

" Enjoying the nice view huh. " He scoffed.

" Oo ang ganda nga ng view dito , ang daming kahoy , sure akong hindi ka pa nakakita ng mga puno at halaman sa personal diba?  " Tumango ito at ngumisi.

" Iba yong pinapanood mong view kanina eh , hanggang titig ka lang naman eh. " Aba hinahamon talaga ako ng lokong to.

" Alam mo ikaw! "

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon