The truce of friendship

6 1 0
                                    

Third person's POV

" What? She did that to you?! " Bulalas ni Elle sa kabilang linya.

" Oo eh , pero hayaan muna pinagalitan naman sya ni Kent eh. " Sabi ni Mona kay Elle.

" Ganon ba , sayang wala ako dyan , nasapak ko na sana yon eh. " Inis na sabi ni Elle.

Natawa si Mona.

" Okay lang , hayaan mo na , doon sya masaya eh. "

" Pupunta ako dyan bukas para mag shopping tas sasampalin ko lang ang walang-hiyang yan at uuwi na pagkatapos. "

" Sige bes i'm so excited , kumusta naman ang problema nyo? "

" Heto , problema pa rin pero yaan mo magiging ok din ang lahat. "

" Oo alam ko kaya mag-iingat ka dyan. "

" Ikaw din , goodnight na kasi inaantok na ako , andami ko kasing ginawa ngayong araw. "

" Sige goodnight kitakits. " Pagkasabi ni Mona ay nawala na ang kabilang linya.

Humiga na sa kama si Mona at pumikit , kahit papaano ay naibsan ang kanyang kalungkutan , ang pakiramdam na nag-iisa sa mundo , ang pakiramdam na walang umaalalay sayo , ang pakiramdam na hinahamak ka ng lahat. Bumuka ulit ang mga mata nya , nakatingin sya sa kisame habang nag-iisip , pero naisip nyang may boyfriend pala syang pinapahalagahan sya at pinapasaya sya , o baka sa una lang sya pinapahalagahan at pinapasaya baka magbago din ito sa kanya at yan ang kinatatakutan nya. Pumikit sya ulit at pilit na iniwawaksi ang mga sumasagi sa kanyang isipan at nakatulog na.

Nakailang miscalls na si Kent at di pa rin ito sinasagot ni Mona , sino ba kasing tanga ang makakarinig ng call kung naka silent mode ang cellphone mo? Naiinis na binaba ni Kent ang kanyang cellphone at tumungga ng alak.

******************************************************

" Ayaw sagutin ang tawag ko eh. " Naiinis na sabi ni Kent kay Reon.

" Okay lang , pasensya kana pare ha , sira na kasi ang cellphone ko eh kaya naisipan kong makitawag sayo para kamustahin sya. "

" Ganon ba , sige sayo na to. " Ibinigay ni Kent ang kanyang Cellphone kay Reon.

" Pero pare hindi ko matatanggap yan , ang mahal nyan eh wala akong pambayad sayo. "

" Ibibigay ko nga sayo tas babayaran mo , utak mo may ubo. " Kent scoffed.

Dahan-dahang kinuha ni Reon ang cellphone sa kamay nito.

" Pare salamat ng marami. " Dali-dali nya itong isinuksok sa kanyang bulsa.

" Cellphone lang yan ano ka ba. "

" Pero diba sayang din kasi ang mahal ng bili mo nito. "

" Shut up , gusto mo bang basagin ko yan sa harapan mo? "

" Pe-pero salamat ninong ha. " Pabirong sabi ni Reon.

Kent Glare at him.

" Nagbibiro lang naman ako eh , salamat ulit dad. " Ngumisi si Reon.

" Reon Indovino! Nang-aasar ka ba ha?! " He exclaimed.

" Hindi naman sa ganon. " Napakamot ito sa ulo.

" Alam mo , sa kabila ng lahat , napatawad mo pa rin ako at magkaibigan na ulit tayo. "

" Kapag ipinagkanulo mo pa ako ulit Reon A.K.A Judas Iscariote may kalalagyan ka sa Saint Peter , naiintindihan mo ba ako ha? " He look at him terribly.

" Hindi na Hesus , hinding-hindi na kita ipinagkakanulo pa , kung gusto mo ako ang magpapako sa kross para sayo eh. " Nag cross pa ito sa dibdib. " Promise. "

" Huwag mo akong pinagloloko Jude. " Kent raised his brows. " Andito ka sa pamamahay ko , pwede kong gawin kung ano man ang gusto ko sayo. "

" Nakailang death threath kana sakin eh. "

Kent scowl at him.

" Pare mahal kita nagmamahalan tayo diba? "

" Kadiri ka. "

" Hindi naman , ang ibig kong sabihin may pagtingin ako sayo , magkaibigan tayo diba? " Natawa ito.

" Hoy tarantado , wag mo akong pagtripan "

" Hindi pare , masaya lang ako na tinanggap mo uli ako bilang kaibigan , nagkamali ako ng pagkaintindi sayo non , nagsisi ako kung bakit ko nagawa yon sayo. "

" I don't wanna talk about it. "

" Pero pare ilang beses akong naglakas loob na kausapin ka pero----"

" What have I told you? Can we just don't talk about it. " He sighed. " Wag mo ng sisihin ang sarili mo , lahat tayo nagkakamali bilang tao. "

Ngumiti si Reon.

" Salamat Pare. "

" Pero let me remind you Jude , don't do that to me again , or else I will bury you 6 feet below the ground. "

" Sige , ngayon pa lang ilibing mo na ako. "

Kent glare at him.

" Huwag mo akong susubukan Reon. " He grinned devilishly.

Tumango si Reon.

" Huwag kang magalit kamahalan , nagbibiro lang naman yong tao eh. "

" Not funny , manood na nga lang tayo ng horror movie. "

" Ayoko. "

" Pwes kung ayaw mo edi wag , basta manonood ako , duwag ka lang eh. "

" Okay sige sabi mo eh. " Umiling-iling si Reon at uminom nalang ng alak.

" Pero matanong nga kita , ano ba ang nakita mo don sa babaeng yon , hindi ka naman drug addict diba , ano ba ang nagustuhan mo sa kanya , yo-yong katangian na meron sya? "

Nag-isip muna si Reon ng isasagot.

" Mabait sya at maunawain , simple at medyo magalang , mahinhin pero minsan wild alam mo yon , ang nagustuhan ko sa kanya ay hindi kung anong meron sya sa labas kundi kung anong meron sya sa loob , matambok , malaman, hindi ako bumabase sa kagandahan ng isang babae , kundi sa kung anong ugaling meron sya. "

Tumango si Kent.

" Malabo na ba ang paningin mo? "

" Hindi , paano mo naman nasabi yon? " Kunot noong tanong ni Reon.

" Kumbaga sa pagkain si Mona , napaka exotic ,minsan ka lang makakatikim ng ganoong putahe sa buong buhay mo. " Pagbibirong sabi ni Kent.

" Oo tama ka , kakaiba talaga , manamis tamis at medyo maalat , sarap kainin at himurin hanggang sa magsawa ka. "

" Lasing ka lang yata eh. "

" Hindi pare , inlove lang talaga ako sa kanya. "

" I see , I think so. " He grinned.

Katahimikan

" May nangyare na ba sa inyo? "

" Bakit mo naman naitanong yan? "

" Wa-wala , forget about it. "

" Actually pagkatapos ng kasal pa daw , isusuko nya sakin ang Spratly Island. " Reon grinned.

" Mahina ka pala eh , paano yan , baka maunahan ka pa ng iba? "

" May tiwala ako sa kanya at wala naman sigurong ibang magkakagusto sa kanya bukod sakin. " Natawang sabi ni Reon.

" Aba malay mo naman , paano kung may isang baliw na magkaka interest sa girlfriend mo papayag ka ba? "

" Magkakamatayan muna kami kung ganon , kung baliw sya mas lalo naman ako! " Reon exclaimed and Kent nodded in amusement.

Nagpatuloy sila sa pag-iinuman at panonood ng TV , kahit panaka-nakay napapatalon si Reon sa takot ay natatawa naman si Kent sa reaksyon nito hanggang sumapit ang madaling araw..

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon