Nitro Madness

8 0 0
                                    

Mona POV

Ngayong araw na aalis si Elle , nalulungkot man ay naunawaan ko ang dahilan ng pag-alis nya , hindi ko ipinakita sa kanya na nalulungkot ako sa kanyang pag-alis kaya pilit akong ngumiti at tinatagan ang aking sarili dahil alam kong tutuparin nya ang kanyang pangako na babalik sya pagkatapos.

Matapos naming mailagay ang mga bagahe sa kanyang sasakyan ay naligo muna kami at kumain. Matapos kumain ay inilock na namin ang  lahat ng bintana at pintuan ng bahay. Naka lock na din ang gate at nasa labas na kami ng bahay , huminga muna kami ng malalim bago pumasok sa loob ng sasakyan at nagtawanan ng walang kabuluhan.

***********************************************

Nasa tapat na kami ng penthouse ni Kent , bumukas ang gate ng penthouse at lumabas mula sa garahe ang pulang sasakyan at sumarado ulit ito.

Kumaway si Edward sa amin mula sa bintana ng driver's seat. Ngumisi si Elle at pinaandar muli ang sasakyan. Pinatakbo ng mabilis ni Elle ang sasakyan kaya muntik na akong atakihin sa puso. Maya-maya pa ay nasa likuran na namin ang sasakyan ni Kent. Mas lalo pang binilisan ni Elle ang pagmamaneho at nakipag-unahan ito sa ibang sasakyan na animo'y nakipag karera. Tumingin ako sa likuran , nakahabol pa din ang sasakyan ni Kent.

" Bes dahan-dahan lang baka makabangga tayo! " Sigaw ko rito at ngumisi ito.

" Kumapit ka lang! " Bulalas ni Elle at nag drift ito pakaliwa at lumiko kaya napakapit ako sa aking kinauupuan , liban sa ilang beses na kami muntik makabangga ay panay overtake pa din si Elle sa mga sasakyan na madadaanan namin , hindi ko akalaing warshock din pala ito magmaneho  katulad ni---- nevermind pero hindi ko din inexpect na magaling din palang magmaneho si Edward at palage itong nakasunod sa amin.

Huminto kami dahil sa traffict at nakahinga ako ng maluwag. Huminto din sina Edward sa tapat namin at kumindat ito. Bumwelo muna sila bago ang go signal sa traffic light , 5-4-3-2-1 nagpatakbo na naman sila ng mabilis at wala silang pakialam kung madaming sasakyan ang nakaharang sa kanilang dinadaanan , nag-uunahan sila sa pagtakbo , mabuti na lang at hindi kami dumaan sa EDSA kundi mababaliw kami sa usad pagong na daloy ng sasakyan at masisira ang momentum nila.

" Bes baka mapaano tayo nito! " Bulalas ko at parang wala itong narinig at nag-concentrate sa pagmamaneho.

Nag-overtake ang sasakyan ni Kent sa aming harapan at hinaharangan kami upang di makalusot.

Maya-maya ay nalingat kami at hindi na namin nakita ang sasakyan ni Kent , naunahan na nila kami.

" Bweset! " Bulalas ni Elle at napalingon ako rito. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya habang nagpatuloy sa pagmamaneho. Nakita na namin ang sasakyan ni Kent at ngumisi ito.

Malapit na kaming makahabol sa mga ito pero nahihirapan kami dahil sa ibang sasakyan na nakaharang sa aming dinadaanan. Lumiko kami sa ibang daan , madalang lang ang mga sasakyan na naroon , maya-maya ay lumiko ulit kami , pakanan , pakaliwa hanggang sa makarating na kami sa daan papuntang probinsya , nasa likuran na namin ang sasakyan ni Kent kaya napangiti si Elle at pinihit bigla ang break. Huminto muna ito sa pagmamaneho at nag-unat ng mga kamay. Huminto din sina Edward katabi ng aming sasakyan at nag-unat din ito ng mga kamay at kumaway sa amin.

" Bweset talaga ang lalaking yan. " Inis na sabi ni Elle.

" Huh bakit? "

" Ah basta naiinis ako sa pagmumukha nya. "

" Tulak ng bibig kabig ng dibdib , the more you hate , the more you love. " Ngiting sabi ko rito.

" Tulak ng bibig wala kang dibdib , wala akong gusto sa kanya. "

" Weeeh? "

Umiling ito at binuhay muli ang sasakyan tsaka nagsimula na itong magmaneho , this time ay normal lamang ang kanyang pagpapatakbo ng sasakyan kaya napahinga ako ng maluwag.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon