Unwanted Guess

8 0 0
                                    

Unwanted guess
(A/N , susubukan ko na walang POV hahahah)

7:45 PM

" Ano , sinagot mo na si Reon? "  Di makapaniwalang tanong ni Elle kay Mona.

" Oo naawa kasi ako eh. " Pagsasabi nya ng totoo at umiling si Elle.

" Nag-iisip ka ba talaga? "

" Bahala na , alam ko ang binabalak ni Kent , gagamitin nya si Reon laban sakin , hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin sya don , nag sorry na yong tao. "

" May mga bagay na mahirap kalimutan at alisin sa puso at isipan Eliz , maaaring pinatawad na nya ito pero hindi pa din nawala ang galit niya. "

Nagkibit-balikat si Mona.

" Anong gagawin ko , hindi lang naman si Reon ang masasaktan , mas lalo na ako. " Bumuntong-hininga si Mona.

" Alam ko pero ang hirap ng sitwasyon mo , mag resign kana don at maghanap ng ibang trabaho , tutulungan kita. "

" Hindi ganon kadali yon , alam ko na hindi papayag si Kent dahil hindi nya maisakatuparan ang mga plano nya. "

" Kung sabagay tama ka pero pigilan mo ang nararamdaman mo para sa kanya. "

" Sige susubukan ko para matapos na to. "

" Huwag mong subukan , gawin mo. "

Tumango si Mona.

" Bes ihatid mo na ako sa bahay baka nag-alala na yon si inay. "

" Sige walang problema. "

Lumabas na sila sa coffee shop at sumakay sa sasakyan.

****************************************************************

May isang sasakyang naka park malapit sa Penthouse ni Kent. Lumabas ang may-ari ng sasakyan at nakangisi ito habang hawak ang baril at kinasa nya ito at itinago. Naka black leather jacket lamang ito at itim na pantalon at rubber shoes.. Humanap ito ng madadaanan upang makapasok sa penthouse ni Kent. Luminga-linga muna ito sa paligid bago umakyat sa mataas na bakod ng penhouse at nagtagumpay itong makapasok. Tahimik ang penthouse at walang katao-tao ,  kaya lakas loob itong naglibot sa  penthouse at naghahanap ng madadaan papasok sa loob. Umakyat ito sa tapat ng terrace na may nakabukas na pintuan at matagumpay na naman itong nakapasok sa loob. Maya-maya ay dumating ang sasakyan ni Kent  binuksan nito ang gate at iginarahe ang kanyang sasakyan. Lumabas na ito kasama ang isang babae , sa pintuan pa lang ng bahay ay naghahalikan na ang mga ito at nakangisi lamang ang lalaki habang nanonood sa kanilang ginagawa. Binuhat ni Kent ang babae at iniakyat sa hagdanan , binuksan nito ang pintuan ng kwarto at hinagis ang babae sa kama at nagpatuloy ang kanilang paghahalikan , hindi na nila naisipang buksan ang ilaw at nagpatuloy sa kanilang mapusok na kamunduan.

Tumikhim ang lalaki na nakatago lamang sa madilim na sulok at nagulat ang dalawa. Natawa ang lalaki at inilabas ang baril na hawak nito at itinutok sa dalawa. Tanging ang liwanag lamang mula sa labas ang nagsisilbeng ilaw sa loob at nakita ni Kent ang repleksyon ng misteryosong lalaki na may hawak na baril at nagimbal ito.

" Si-sino ka , a-anong kailangan mo? " Nauutal na sabi ni Kent. " Pe-pera ba ang kailangan mo bibigyan kita. "

Humagalpak ng tawa ang lalaki sa nadinig mula rito. Takot na takot ang babae at nakasubsob nag mukha nito sa katawan ni Kent.

" I don't need your money Kent , I just need to talk to you , palabasin mo muna ang babaeng yan. " Nakangising utos ng lalaki. " At ikaw naman babae , subukan mo lang tumawag ng pulis , sabog yang baol ng ulo mo! "

" Roxanne , sige na lumabas kana. " Anito at dali-daling lumabas sa pintuan ng kwarto ang nanginginig na babae.

" Damn you Kent , so many mistresses , I wonder why I wonder how , your girlfriend was so fucking blind and clueless. " Napatda si Kent sa sinabi nito.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon