Achy Breaky Heart

11 2 0
                                    

(A/N  Sanaol talaga no madaming supporters pero di ko  kailangan ng maraming supporters para lang maging famous , kahit may isa o dalawa na nagbabasa sa story ko masaya na ako , and here you go :) )

Mona POV

Dali-dali akong bumaba sa kotse ni Kent at pumasok sa loob ng gate pero napahinto ako. Kailangan kong maging kalmado at hindi magpape apekto sa nararamdaman ko. Umalis na ang sasakyan ni Kent at humugot ako ng malalim na hininga at pinalis ang mga luha na kanina pa umaagos sa aking mga mata.  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman , pero kakayanin ko ang lahat ng ito alang-alang sa aking pamilya.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sina inay , tyang Elina at ang dalawa kong kapatid na nanonood ng TV. Bumaling ang paningin nilang lahat sakin at ngumiti ako sa kanila. Nawala ang ngiti sa mukha ni inay at pinag-aralan ang aking mukha , yumuko ako at dali-daling umakyat sa itaas.

Pumasok ako sa aming silid at umupo sa isang  sulok,  sumandal ako sa pader  at pumikit. Dinig ko ang mga yabag na papalapit at bumukas ang pintuan at pumasok si inay , lumapit sya sakin at niyakap ako.

" Anak , anong problema , alam mo bang ngayon lang kita nakitang ganyan. ? " Tanong nito  na labis na nag-aalala.

Nakatitig ako sa sahig at bumuntong-hininga at tsaka ngumiti. " Nay okay lang ako , at tsaka nay may trabaho na ako bukas . " Ngiting sabi ko at hinaplos ang buhok ni inay.

" Eliz , kilala kita dahil anak kita , alam kong may problema ka , nasasaktan din ako dahil ina mo ako , kaya alam ko ang nararamdaman mo . Magpakatatag ka anak . " Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Gumaan ang loob ko at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat .

" Kung ano man ang problema mo , manalig ka lang sa sarili mo , magtiwala kang malalampasan mo lahat ng iyong suliranin sa buhay. Malalampasan din natin to anak kahit wala ang ama mo , kakayanin natin ito. " Naramdaman kong umiiyak si inay kaya humarap ako sa kanya at pinalis ang mga luha nya sa pisngi at tsaka ngumiti.

" Nay naman eh , wag kanang umiyak , patawarin mo ako kung nagdrama ako pero okay lang talaga ako inay  . " Masigla kong sabi sa kanya ngumiti kaya ngumiti na din sya.

Kent POV

" Dude , umamin ka , virgin pa ba? " Ngising tanong ni Edward at muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko. Uminom ako ng tubig at tumikhim.

" Anong paki mo , nakikialam ka na naman sa buhay ko. Kumain ka na nga lang at umuwi sa inyo. Bakit ba palage kang nakabuntot sakin ? " I glare at him and he chuckled. Gago talaga tong taong to.

" Alam mo pare , halatang guilty ka sa sinabi ko , umamin kana kasi . " He said in a cocky head.

" Mukha ba akong pumapatol sa promdi at basahan ? " Seryosong sabi ko at tumango sya.

" Akala ko kasi hindi ka bumabase sa standard , what if kung ang makakatuluyan mo ay isang kagaya nya , what will you do? " He asked and grinned. Taena nababadtrip na ako sa kakatanong nito.

My brows furrowed and glared at him. " Can you just shut the fu*ck up , hindi mangyayare yang mga sinasabi mo , I won't fu*king strip off my clothes in front of that woman and I won't ever give a shit to her , not  even once in a life time....At kung hindi ka titigil sa kakatanong dyan , babasagin ko yang bunganga mo. ", Galit na sabi ko sa kanya at tumango sya.

" Dude i'm sorry okay , bakit ka ba kasi galit sa mga katulad nila ? "Tanong nito at bumuntong-hininga ako.

" They're a bunch of gold digger and opportunist at kailanman hinding-hindi ako papatol sa mga katulad nila. " Pagkasabi ko ay tumayo na ako at tinungo ang pintuan.

(A/N I'm so sorry for the short update)

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon