Vengeance Aura

6 1 0
                                    

(A/N , lasing na naman ako hahahhahaa kaya pasensya na kayo kung lasing din ang mga letra)

Mona POV

Paggising ko ay agad akong bumangon at inayos ang sarili.

" Breakfast is ready , bumaba na tayo. "  Elle said leaning at the door and I nodded quickly.

" Ginising mo sana ako para matulungan kitang maghanda ng agahan. " I said and she shook her head.

" Ano ka ba , okay lang naman yon. "

" Sya nga pala , pwede ba akong maligo ulit dito? "

She nodded and smile at me.

" Sige maligo ka muna tapos pumili ka lang ng mga damit ko dito na kasya sayo. "

" Sa-salamat , nahihiya na talaga ako sayo eh. "

" Hay naku , okay lang yon ano ka ba. "

" Sige maliligo na ako kasi male-late na ako sa trabaho eh , magalit na naman yong boss ko. " I said and she nodded. Kahit kasi wala akong masyadong ginagawa don ayaw nyang male-late ako sa trabaho , napaka strict ng kumag na yon.

" Take you time. " Bumaba na ito.

Pumasok na ako sa banyo at binuksan ang shower tsaka naligo. Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko si Kent , di ko alam mukhang ang lakas na ng tama ko sa kanya kaya lang di ko carry ang ugali  , ma attitude at palaging galit sa mundo but infairness ang cute nya tingnan pag nagagalit.

Paglabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis at inayos ang sarili sa salamin , excited akong pumasok ngayong araw , excited ko na ulit makita ang masungit na boss ko. I giggled as I look at myself in the mirror. Bumaba na ako at nagtungo sa dining table kung saan nakaupo si Elle habang umiinom ng kape.

" Naghintay ka pa , nauna ka nalang sanang kumain. "

" It's okay , hinintay talaga kita kasi gusto kong may kasabay sa pagkain. " She smiled at me and I nodded.

Kumain na kami at gaya ng dati , nagkukwentuhan kami sa mga bagay-bagay. Pagkatapos naming kumain ay inihatid nya ako sa aking pinagtatrabahuan.

******************************************************

" Good morning. " Bati ko sa boss ko na nakatuon ang atensyon sa laptop.

Hindi ito umimik at nagpapatuloy lamang sa kanyang ginagawa. Iginala ko ang paningin sa paligid , nakita ko si Edward na nakaupo sa sofa , kumaway ito sakin at nag flying kiss , kumaway din ako rito.

" Ang aga-aga nakipaglandian kana. " Nadinig ko ang nakakatakot na boses ni Kent. Kaloka to , kaaga-aga nanenermon kaagad at tsaka di naman yon kalandian ah , parang kaway lang eh , bawal ba akong pumansin ng ibang tao ngayon?

" Ma-may ipapagawa ka sakin Sir?  " Bumaling ang paningin ko rito , nagtama ang aming paningin at saglit kaming nagkatitigan , sya ang unang bumawi , himala.

" Oo meron. " Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sakin kaya kinabahan ako. We're inch apart from each other and his breath shivered down my body. He smiled wickedly that made my heart skip a bit.
" Ipagtempla mo nga ako ng kape , yong matapang , yong kaya akong ipaglaban. "

Tigagal ako sa kinatatayuan , okay lang kaya tong lokong to , ba't parang binanatan ako.

" Alam mo Sir , hindi lahat ng matapang ay kaya kang ipaglaban , kung ang ipinaglalaban nya ay hindi nya kailanman makakamtan , kusa na lamang syang sumusuko dahil alam nyang sa bandang huli maiiwan syang luhaan at talunan. "

Tumaas ang kilay nito at nawala ang ngiti sa mga labi nito.

" So what's your point? "

" Ang point ko sir , kahit gaano pa katapang ang isang tao , naduduwag pagdating sa pag-ibig , ang hirap kasi kapag ikaw lang ang nagmamahal , ikaw lang ang lumalaban. " I said firmly and he nodded.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon