Usapang Lashing

14 2 0
                                    

Mona POV

Nakadami na ako ng baso ng alak at ang masasabi ko lang ,  hindi ko uurungan sa inuman ang mga kumag na to sa harapan ko.  Dalmore  Whiskey ang iniinom namin , masarap at matapang ang lasa nito pero swak sa lalamunan.

" Dahan-dahan lang sa pag-inom , daig mo pa yong iniwanan ng syota ah. " Pabirong sabi ni Elle sakin at natawa ako.

" Syota , wala yatang nagkakagusto sakin eh. " Namumungay ang mga matang sabi ko rito.

" Sinasabi mo lang yan pero malay mo darating sya sa panahong hindi mo inaasan. " Sabi nito at umiling ako.

" Ayoko ng umasa , sawa na akong umasa. " Pagkasabi ko ay tinungga ko ang  basong puno ng alak.

" Sige inom well , pero kapag lasing kana walang iyakan ha? " Ngiting sabi ni Elle sakin at ngumisi ako.

" Ako iiyak? Pota para kanino? " Nagsimula ng maglandas ang mga luha ko sa mata.

" Sabi na eh. "  Bumuntong-hininga ito at umiling . Nasa kabilang table si Kent at ang syota nitong si Rodalyn at ang ibang mga kasama nito.

" Hey don't cry , ano ba kasi ang iniiyak-iyak mo? " Tanong ni Edward sakin.

" Nahihirapan na ako , mahal ko na yata sya eh pero wala talaga akong pag-asa sa kanya. " Umiiyak na sabi ko.

" Sino ? " Kunot noong tanong ni Elle sakin.

" Wa-wala mema lang. " Tumawa ako at uminom ng alak.

" Tama na yan Eliz , lasing kana. " Sabi ni Elle at umiling ako.

" Ako lasing? Hindi at kayong dalawa kapag hindi kayo uminom paliliguan ko kayo ng alak. " I said and burp.

Umiling si Elle at bumuntong-hininga si Edward.

" Elle at Edward , Elleward! " Bulalas ko at  kapwa sila natigilan sa sinabi ko.

" Elle , jowain mo na si Edward , mabait naman yan eh at saka gwapo din . " Ngiting sabi ko rito. Nagkailangan sila sa isa't-isa at panaka-nakay tumitingin si Edward rito.

" Lasing kana nga , kung ano-ano na sinasabi mo. " Natawang sabi ni Elle. " Reto pa nga. " Ibinaling ang paningin nito sa malayo.

" Mona , uuwi na tayo sige na lasing kana. " Sabi ni Edward at napakamot sa ulo.

" Hindi pa nga ako lasing , pabayaan mo nga akong uminom. " Inis na sabi ko rito. Medyo nahihilo na nga ako pero mataas ang resistance ko sa alak dahil mula pagkabata ay umiinom na ako ng lambanog.

Nakikita kong lumapit si Kent palapit sa amin at nakatitig ito sa akin , tinitigan ko rin sya.

" Umuwi kana! " Ma awtoridad na sabi nito.

" Inimbitahan moko rito tas ngayon pauuwiin mo lang ako? " Mataray na sabi ko rito.

" Kung ayaw mong umuwi , hinaan mo ang boses mo dahil hindi mo alam na pinagtitingnan ka ng mga tao? " Galit na sabi nito.

" Anong paki ko sa kanila , malamang may mga mata sila eh at tsaka umalis ka na nga sa harapan ko , nakakaabala ka lang sa pag-inom ko. " Inis na sabi ko rito.

" Uuwi na tayo Eliz , lasing kana eh. " Malambing na sabi ni Elle.

" I'll drive you home now. " Suhestyon ni Edward , tinaasan ko sya ng kilay .

" Ihahatid na kita , hindi ka ba nahiya sa sarili mo? Nakakahiya sa mga taong andito , mayayaman sila at desinte , hindi taga bundok na gaya mo. " Sabi ni Kent at kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.

" Oo taga bundok ako but I am proud of myself , at least I am not degrading and humiliating someone para ano , para tawagin kang dyos , praise the lord hallelujah , putang ina , pisti ka , tangng ina mong hinayupak ka akala mo ikaw lang ang marunong magmura ako din letse!!!!.....Akala mo kung sino ka kung makapagsalita?  , I am not like you who don't care about someone's feelings and  emotion , in short manhid ka . Hindi ko alam kung edukado ka ba talaga , bakit wala kang galang at disiplina ?Oo taga bundok ako pero marunong akong gumalang sa iba , kahit na nakakaangat ka pa sakin wala kang karapatang lait-laitin ako at pagsabihan ako ng masama dahil hindi ikaw ang nagpalaki at nagpakain sakin kundi ang sarili ko at marunong akong magmahal at magpahalaga ng tao hindi kagaya mong animal ka! " Pabulyaw na sabi ko rito. He glare at me furiously and  clench his jaw and gritted his teeth , namula ang mga mata at pisngi nito.

Hinila ako ni Elle palayo sa kanya. Sumunod si Edward sa amin.

" You shouldn't said that in front of those people , napahiya sya ng dahil sayo. " Edward mumbled and I scoffed.

" He deserved it. " I said and Edward groan.

" Hindi mo pa sya kilala at hindi mo alam ang pinagdadaanan nya sa buhay , wala kang karapatang ipahiya sya sa  harap ng maraming tao . " Galit na sabi nito sakin.

" Bakit ba , diba pinagsasabihan ka din naman nya ng masama ah. " Sabi ko rito at bumuntong-hininga.

" I knew him more than you know him. Kailangan mo muna syang kilalaning mabuti bago mo sya husgahan ng ganon , oo masama ang ugali nya pero mabuti syang tao. " Sabi nito .

" Wait , anong ginawa mo sa boyfriend ko?! " Galit na sabi ng babaeng nasa aming likuran. Nasa labas na kami ng gate.

Hinarap ko ito at ngumisi rito.

" Hindi kana naman siguro bingi at nadinig mo ang mga sinasabi ko. " Sabi ko rito.

" Walang hiya ka , wala kang karapatang pagsabihan ang boyfriend ko ng ganon! " Nanggagalaiti ito sa galit at sinugod ako. Sinampal ako nito pero nasangga ni Elle ang kamay nito.

" Kung usap, usap lang ha walang pisikalan. " Sabi nito at binitawan na ang kamay nito.

" Mag sorry ka sa kanya. " Galit na sabi nito.

" Me sorry , no , bakit nagsosorry ba sya sakin nong sinasabihan nya ako ng kung ano-ano? " Sabi ko rito at hinawi ang aking buhok sa mukha.

" You ruined the night! Umalis kana rito at wag na wag kanang magpapakita sakin at kay Kent. " Galit na sabi nito.

Sinuntok ko sya sa mukha at dumugo ang ilong nito kaya  napaimpit ito ng ungol at napatili. Ang OA masyado , hindi naman abot sa bituka.

" Wag ka na ding magpakita sakin kundi e ru-ruin ko yang pagmumukha mo! " Galit na sabi ko rito.

" Ipapademanda kita! " Sabi nito at natawa ako.

Hinila na ako ni Elle at isinakay sa kanyang sasakyan.

" Enough for this night. " She said at pinaandar na ang sasakyan. " I'm so proud of you. " Natawa ito at nagsimula ng magmaneho. Unti-unting nag blurred ang paningin ko at nawalan ng ulirat.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon