Prologue

24 3 0
                                    

Mona Eliza Rosdalle Salazar POV

Bigla akong nakadama ng lungkot, humalukipkip ako at niyakap ang bag na dala ko. Aalis na kami ng probinsya at lilipat sa Maynila, ano kayang buhay ang naghihintay sakin doon? Napaisip ako nang biglang may humintong bus sa station at tinapik ako ni nanay.

"Tayo na Eliz" Sabi nya sabay hila sa dalawa ko pang kapatid si Ezrah at Eldrin. Tumango ako at sumunod, pag-akyat namin ay pinili naming umupo sa likuran. Nakaupo na sila , umupo ako sa bakanteng upuan sa likod ni inay. Huminga ako ng malalim napatingin sa labas, dito ako lumaki kaya mami-miss ko ang lugar namin. Nagsimula ng tumakbo ang bus , binuksan ko ang bintana at dinama ang simoy ng hangin.

Nagising ako sa ingay ng mga sasakyan, binuka ko ang aking mga mata, tumingin ako sa bintana, andaming malalaking buildings na sa tv ko lang nakikita, napangiti ako. Nagsibabaan na ang mga pasahero at bumaba na rin kami ni inay. Kumain muna kami saglit sa isang karenderya . Ganito pala ang syudad, ang ingay , paano kaya ako makakatulog ng mahimbing dito?

Pumara si inay ng tricycle at sumakay kami. Napatakip ako sa bibig para di malanghap ang usok na binubuga ng mga sasakyan, napansin ko na wala palang mga puno rito, nakadama ako ng kalungkutan at humugot ng malalim na hininga. Maya-maya pa ay huminto ang tricycle sa tapat ng lumang bahay, hindi ito kalakihan at nay gate na walang pintura at medyo kinalawang na.

Dito nakatira si tyang, ang kapatid ni inay, nakapag-asawa na kase sya ng taga Maynila kaya dito na sya nakatira simula non.

Pagbaba namin ng tricycle ay sinalubong kami ni tyang at ang dalawa nyang anak na babae. Yumakap si inay kay tyang at nagmano ako, sa pictures ko lang nakita ang mga anak nya , mga insan ko , kaya medyo nahihiya ako na bumati sa kanila. Nagkatinginan ang dalawang babae at ngumiti.

"Insan, pasok na kayo!" Bulalas ng isang babae at kinuha ang dala kong bag. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa, insan ko talaga ang mga to? Nakakahiya naman sa ganda nila. Tumango ako at ngumiti, tiningnan ko si inay at si tyang na nakatingin sakin.

"Ito na pala yong panganay mo, naku ang bilis talaga ng panahon ano, dalaga na ang panganay mo Estrella! " Bulalas ng matandang babae at medyo namblushed ako kaya napatakip ako bigla sa mukha. Napangiti ang dalawa kong insan sa aking reaksyon at inakbayan nila ako papasok ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagulat ako, may malaking tv, malaking upuan at malaking mesa, kapre yata may-ari dito. Napaupo ako at napalundag sa sofa at mas lalo pang na amused ang dalawa kong insan.

" Insan, kung napapagod ka magpahinga ka muna sa itaas, nakahanda na ang kwarto nyo doon." Sabi ng isang babae, medyo chubby ito at kulot ang buhok, may dimples ito sa magkabilang pisngi.

"I heard about you Eliza, Rachelle nga pala! " Inilahad ng babae ang kanyang kamay .

"Melody" Ngiting sabi naman ng isa pa. Slim si Melody at balingkinitan ang katawan, matangos ang ilong nito na nababagay sa kanyang mukha. Nakipagkamay din ito sakin at niyakap ako.

"Ikinagagalak ko kayong makilala " Nakayukong sabi ko sa kanila.

"Jusmio, mahiyain ka girl, kumain ka muna at magpahinga , dahil mamayang gabi, mamasyal tayo, tamang-tama, may carnaval malapit rito kaya rest in peace ka muna para later ready kana . " Masiglang sabi ni Melody.

"Uhmm------" I raised my brows, nakita ko si inay na umakyat sa hagdanan.

" O sige, aalis na muna kami ni Melody, may bibilhin lang kami!" Ngiting sabi ni Rachelle at hinila si Melody palayo. Nakahinga ako ng maluwang at humiga sa sofa.

Naggising ako sa yugyog at dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata, nakatayo si Melody at Rachelle sa tapat ko, inunat ko ang aking mga kamay at humikab.

"Hey, gising na remember mamasyal tayo ngayon!" Melody exclaimed at parang mababasag ang eardrum ko sa lakas ng boses nya.

" Binilhan ka namin ng damit, suotin mo ito mamaya. " Ngiting sabi ni Rachelle at iniabot sakin ang paper bags.

"Sa-salamat nag-abala pa kayo, madami pa naman akong damit dyan." Ngumiti ako at umupo.

" Naku wala yon ano ka ba, get used to it, magpinsan tayo so ang magpinsan nagtutulungan!" Ngiting sabi ni Melody.

Tumango ako at ngumiti.

"Salamat pero saan nga pala ang banyo rito?" Tanong ko sa kanila.

"Doon sa kusina, sa bandang kanan!" Melody exclaimed and snorted.

"Sige salamat, ihing-ihi na ako eh." Tumayo ako at nagtungo sa banyo.

_______________________
"Kawawa naman ang insan natin no parang di makakabasag ng pinggan." Melody said.

"Sinabi mo pa, at tsaka wala syang ka taste-taste sa fashion, nagmumukha syang santo niño sa suot nyang whole dress, di bagay sa kanya, buhaghag pa ang mga buhok nya , siguro walang sabon at shampoo sa kanila. " Rachelle said and Melody rolled his eyes.

"Kasi nga promdi sya ate, pero wag na natin syang pag-usapan baka marinig pa tayo, but we can help her diba?." Sabi ni Melody.

Tumango si Rachelle

" At tsaka, hindi sya nag me-make up, di nya alam gumamit ng lipstick at tsaka foundation pero infairness maganda sya ah, hindi lang marunong mag-ayos sa sarili." Sabi ni Rachelle at napaisip.

"So ano, e make over natin sya?" Tanong ni Melody

"Tumpak, " She snapped" Alam mo may utak na din minsan, tara na kumain na tayo excited na ako mamaya!" Ngiting sabi ni Rachelle.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon