Closure

5 1 0
                                    

LABAG man sa kalooban ay nagpunta pa rin si Kent sa bahay ng kanyang mga magulang kung saan ay dito nabuo ang kanyang mga pangarap  , mga pangarap na bubuo sana sa kanyang pagkatao ngunit sa isang iglap , ang lahat ay biglang naglaho at nawasak... Ipinarada nya ang kanyang sasakyan sa parking lot at naglakad papunta sa loob , binati sya ng mga tauhan doon pero parang wala syang nadinig sa mga ito at nagpatuloy lamang sa paglalakad , habang naglalakad  sya sa aisle papunta sa mala palasyong bahay ay panay ang kanyang buntong-hininga. He puffed out an annoyed breath nang nasa tapat na sya ng malaking pintuan ng bahay. Nagdadalawang isip syang kumatok pero maya-maya ay bumukas yon at bumungad sa kanya ang kanyang ina. Ginawaran sya nito ng ngiti ngunit nawala ang ngiti nito nang makita ang kanyang hitsura. Magulo ang kanyang buhok , simpleng t-shirt at kupas na shorts lamang ang suot nya at tsaka tsinelas na sinadya nyang bilhin sa divisoria upang inisin ang mga magulang nya.

" Bakit ganyan ang itsura mo nakakahiya?! " Diin na sabi ng Ginang at ngumisi sya.

Si Fionna Lalaine Richardson dela Cruz Montenegro , sya ang ina ni Kent , isang purong filipina pero may dugong banyaga ang mga magulang nito, ang nagmamay-ari ng mga sikat na restaurants sa buong Pilipinas. Ang ama nito ay may lahing Briton at ang ina naman nito ay may lahing Canadian.

" Eh kailan nyo pa ba ako ipinagmalaki?  Di ba palage nyo akong ikinakahiya? lahat ng bagay na ginawa ko ay hinuhusgahan nyo , lahat ng desisyon na ginawa ko sa buhay ay pinakialaman nyo , puro nalang kamalian ang nakikita nyo sakin , pati ba naman sa pananamit ko pakikialaman nyo pa?! " Malutong na sai nya rito at napalunok ito.

" Pa-pasok , naghihintay na sila sa loob. " Anito at iginiya sya papasok sa loob ng three storey mansion. Nakita nya sa sala ang mga magulang ni Rodalyn at ang daddy nya nag-uusap ng masinsinan. Nakatuon ang atensyon ni Rodalyn sa screen ng cellphone , umangat ang ulo nito at umaliwalas ang mukha nito nang makita sya. Nabaling ang atensyon ng mga magulang nito at ng daddy nya sa kanyang presensya.

" Son , i'm glad you're here tonight , kumain ka na ba? " Ani ng Daddy Kenny nya.

He scoffed.

" At kailan ka pa naging concern sakin ngayon lang? Pakitang tao ampota. " Preskong sabi nya rito at tumiim ang bagang nito.

" Don't ruin my mood tonight Kent! " Anito at pinukulan sya ng masamang tingin.

" Sira na nga ang gabi ko eh. " Aniya at bumuntong-hininga ang daddy nya.

" Calm down honey , ang init na naman ng ulo mo , relax okay. " Rodalyn caressed his gorgeous face and he snapped.

" Don't touch me. " Aniya at naglakad papuntang kusina at uminom ng tubig. Humugot muna sya ng malalim na hininga bago humarap uli sa mga ito.

" So? " Kinuha nya ang atensyon ng lahat. " Let start our session already , it's already late at night and I need some rest. " He blurted out and pressed his lips.

"  Kent alas 7 pa ng gabi at hindi madaling araw , don't be so rude , andito ang mga magulang ng fiancee mo  at kayong dalawa dahil may mahalaga tayong pag-uusapan ngayong gabi. " Ani ng Daddy nya.

He nodded cockily.

" Mahalagang pag-uusapan? " He asked sarcastically.

" Pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal nyo ni Rodalyn. " Casual na sabi ng daddy nya at ngumiti ang mga magulang ni Rodalyn. " Naka schedule na ang kasal nyo next month. "

Umalingawngaw sa utak nya ang sinabi ng kanyang ama.𝙆𝙖𝙨𝙖𝙡? 𝙒𝙝𝙖𝙩 𝙩𝙝𝙚 𝙛𝙪𝙘𝙠 𝙣𝙤! Biglang nag aalburuto ang kanyang utak dahil sa nadinig mula sa matanda , parang sirang plaka ito na paulit-ulit nyang naririnig.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon