Ang ma-attitude na boss

11 2 0
                                    

(A/N Wala akong pake kung e plagiarized mo ang story ko tas angkinin mo na ikaw ang  gumawa tas e publish mo.  Be creative in your own way at tsaka magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Okay here we go. )

Ang masungit na amo

Mona POV

Maaga akong nagising at pasado alas 5 pa ng umaga. Bumangon na ako at nagligpit ng higaan , pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya at bumaba na pero umupo muna ako sa huling baitang ng hagdanan at nagmukmok. Magkahalong emosyon ang aking nadarama , masaya ako dahil sa wakas ay makakapagtrabaho na ako  at matutulungan ko na sina inay pero nakadama ako ng kaba dahil first time kong mag work at hindi ko pa alam kung ano ang trabaho ko don , wala naman syang sinabi kahapon. Nakadama din ako ng takot dahil mukhang hindi maganda ang pakikitungo ng lalaking yon sa kanya , pero dapat kong tatagan ang aking kalooban.

Kumaway sa aking mukha si Rachelle at natauhan ako.

" Ang aga mong nag biernes santo dyan , anong problema mo? " Tanong nito. Kumunot ang noo nito . Umiling ako at ngumiti. " Kamusta ang interview kahapon? " Tanong ulit nito.

" Okay lang. " Mahinang sagot ko sa kanya at tumango sya.

" So ibig sabihin natanggap ka! " She said gigglely and grinned.

Tumango ako at ngumiti.

Nakita ko si Melody at nakangiti itong lumapit sa akin. " good morning insan , is it true na si Sir Kent ang nag interview sayo kahapon?! " She exclaimed at tinakpan ko ang magkabilang tainga ko dahil pakiramdam ko nahihiwa ang eardrums ko sa boses nito.

" Oo , tas doon ako magtatrabaho sa office nya. " Sagot ko rito. Napanga silang dalawa at nanlaki ang kanilang mga mata. Kumurap-kurap si Rachelle at halos hindi makapaniwala sa nadinig.

" It so unfair , bakit hindi nalang ako yon bakit ikaw pa ?!  " Rachelle whine and pouted.

" Ang swerte mo insan , palagi mong makikita si Sir Kent doon at malay mo magustuhan ka nya. " Ngiting sabi ni Melody. Kung alam lang sana ng dalawa nito ang sinapit ko sa interview kahapon.

" No no no , wag kang magbibiro ng ganyan insan , no it so unfair! " Rachelle exclaimed.

" Oo I mean , doon nga ako sa office nya magtatrabaho. " I confirm and she frown. " Pero kung gusto mo palit tayo. " Sabi ko rito and she widen her eyes again.

" No no no no no, it's okay , i'm so happy for you. " She smiled and hugged me. Yumakap din si Melody sakin at napangiti ako.

***************************************************************

Halos magkalahating oras bago ako makarating sa malaking building at dali-daling pumasok at tinungo ang elevator. Sinipat ko ang oras sa keypad na cellphone ko. Wala pang alas 8 kaya napahinga ako ng maluwag. Ayoko ma late sa first day of work. Andami kong katanungan sa aking sarili. Ano kaya ang magiging trabaho ko dito? Bumukas ang elevator at hinintay ko munang lumabas ang mga tao bago ako pumasok , pero teka nakalimutan ko kung anong floor yon at tsaka wala akong masyadong alam sa elevator pero sure akong nasa pinakaitaas na bahagi yon ng building. Pagkarating ko sa itaas ay lumabas kaagad ako at hinanap ang office ni Kent. Lumiko ako sa kanan at lumiko na naman sa kaliwa at tsaka pakanan ulit , napahinga ako ng maluwag nang makita ko na ang office nito. Kumatok ako ng ilang beses sa pintuan , walang sumagot , kumatok ulit ako , pero wala pa rin. Hinahanap ko ang doorknob pero wala akong makita. Itinulak ko ito pero naka lock talaga ito kaya bumuntong-hininga ako.

***********************************************
Kent POV

I  wake up with a headache again and naked , yes may hangover na naman ako. I yawn and sigh.  Bumangon  ako  , naalala kong nasa hotel room pala ako at dumapo ang paningin ko sa babae na mahimbing na natutulog sa aking tabi , si Angie. Tinapik ko ang balikat nito  ng marahan.

Ang Diary ng Slapsoil ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon