"He or she's is too familiar with your building as well as your whereabouts. Sigurado ako sa konklusyon na ito," in warning sabi ni Leoben sa 'kin.
Pinapanood namin ang cctv footage noong nakaraang araw. Searching for any unfamiliar activity or person na pumasok ng conference room. Apat lang kami na nasa loob. Ang isa sa security personnel ang nagma-manned ng video. Then there's Leoben and Yong, ang second in command sa team ni Leoben. He trusted him, kaya inallow ko ang pagpasok niya sa loob ng room.
"What should I do?" I asked worriedly. "I don't feel safe in my own company anymore. And did you read the message, Leoben? There's something about it," pagpapatuloy ko. And mga mata ay nakatutok pa rin sa cctv.
"You should not feel threatened by this person, Thyian. The message alone implies she/he is not an employee," pampalubag loob ni Leoben sa akin. "Sadyang tinatakot ka lang."
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Kasi naman, nakalusot sa kanila ang taong ito. But he has a point about the letter. Yun din ang pagka intindi ko sa message na nabasa, 'The company isn't yours and your employees soon will know about this.' That message and the previous message were almost similar. It points out she/he is someone who knows me very well. Ang gusto lang niya ay pakawalan ko kung anong meron ako.
Patapos na kame sa video pero wala namang unusual that day akong nakita Lahat naman na pumasok sa loob ng company ay kilala ko. Ang mga empleyado at mga bumisita na sina Mabele at Reye. And both of them seemed nothing unusual, but I doubt Reye. Galit at disappointed siyang umalis sa aking opisina.
Remembering that certain event with Reye ay hindi sinasadyang humugot ako ng malalim na hininga. Galit pa kaya ito sa akin? Of course masama pa rin ang loob sa akin. Binasted ba naman.
"This is the right time you'll allow us to keep close security with you Thyian. Hindi ka na pwedeng magreklamo about this," seryoso niyang suhestiyon.
Ang buong atensyon niya ay nasa akin na ngayon dahil na tapos na ang buong coverage of that day.
Tumungo ako sa kanyang suhestiyon. May punto naman siya. "I'll approve of it. Basta, know the limitations and hindi dapat maabala ang trabaho."
"Of course. And remember this, don't trust anyone in the meantime. Kahit na ang pinagkakatiwalaan mong mga kaibigan," huling babala ni Leoben sa akin.
Tumango ako uli at tumayo na sa pagkakaupo sa upuang nasa harap ng cctv. "I'll remember that. Will continue with my itinerary tomorrow afternoon. After my presentation at the Abellanosa," pagpapatuloy ko kay Leoben. Alam ko hindi siya papayag na umuwi ako sa amin during this time but I feel like na kailangan kong gawin ito before something bad happens to me.
Nakakatuwang isipin na dahil sa may masamang nangyayari sa akin kaya ang lakas ng loob ko na magpakita kay Daddy at Atticus. Alam ko na hindi sila matutuwa kung malaman nila ang nangyayari sa akin ngayon.
"Hindi ba parang bad timing kung aalis tayo while someone is watching over your every moves?" hindi sang-ayon ni Leoben sa plano ko.
"Opo, Miss!" pagsang-ayon ni Yong sa sinabi ni Leoben. Nasa harap na sya ngayon ng pintuan para pagbuksan ako.

BINABASA MO ANG
Her Inevitable Fall
RomanceThyian Matilda Valliente is successful. She has the power and rules an established company. Nabubuhay siya sa isang perpektong kasalukuyan na binuo niya. Pero paano kung lahat ng meron siya sa kasalukuyan ay maaaring mawala dahil hindi naman ito sa...