KABANATA 6

4 1 0
                                    

Natapos ko nang basahin ang buong sample ng OaO Tough Woman Magazine para sa issue ng buwang ito. Halos ang pag-double check ng content at lay-out ang ginawa ko at iyon din ang umubos sa oras ng umaga ko.


Buti na lang at napaka-efficient ni Demeece. Ibinigay niya ito sa akin kahapon ng umaga upang tingnan at kung meron pa ba akong gustong baguhin. But I knew Richard, the in-house lay-out artist, he's excellent at figuring the aesthetic feature of a magazine. Tuwing titingnan ko ang lahat ng ginawa niya ay parang nakikita ko dito ang aking sarili. Totoo nga na makikilala ang isang tao batay sa mga bagay na ginagamit at pinipili niya.


After finalizing and approving the magazine, I decided to visit the nearest grocery store around my condo. Leaving my unit will ease the stress that built up while working the whole morning. 


But before leaving, I took my lunch. Then after lunch, I changed into a nude plain shirt, thick black tights, and a pair of rubber shoes. Wearing the most comfortable clothes was what I prefer while doing grocery. Then I wore my belt bag, grab my keys, and leave my room.


Pumasok ako ng elevator para makababa ng lobby. Pero bako pa ito magsarado, I saw someone running to get into it. I pressed the elevator so he could come in. But I was too shocked to see who it was. Si Arthur lang naman.


"Why are you here?" I can't control it but asked.


Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang 'di makapaniwala na nakita ako sa loob ng elevator. "I check on my brother and his needs," he replied.


I raised one perfect brow and eyed him in doubt. Parang wala sa personalidad niya ang mag-alala sa kapatid at ibigay ang kailangan nito.


"Talaga? Ang bait mo pa lang kapatid?" papuri ko ng patanong.


Humalukipkip siyang  pagkatapos ng aking komento. Mukhang nagsisimula na siyang mainis sa akin.


"Lahat talaga ng gagawin ko ay kwekwestyunin mo. Nung tinanong ko kung saan ka nakatira, pinagdudahan mo ako. Ano ba talaga ang problema mo sa akin? Sabihin mo na para magkaalamanan na tayo," tanong ni Thyrone Abellanosa sa akin.

Humarap ako sa kaniya ng nakahalukipkip. "Honestly, you're character is questionable! Hindi ka mapagkakatiwalaan!" sigaw ko sa kaniya habang lumalapit sa kaniya, noong isang paa na lang ang aming distansiya ay tumigil na ako. "Alam mong mag-a-update ako tungkol sa iyong kapatid. Pero bakit... bakit nung tumawag ako sa iyo ay... ay... may ginagawa kang iba..." naiinis kong pagpapatuloy pero hindi masabi ng maayos ang mensahe.


Ngumisi siya sa akin ng nakaloloko. "Kaya mo pala ako binabaan. Sige nga! Ano ang ginagawa ko?" tanong niya habang titig na titig sa akin at ang ngisi ay hindi mabura.


Hinampas ko 'sya sa braso. "Bastos! Bastos ka talaga! Alam mo kung ano ang ginagawa mo. Ba't mo pa ako tatanungin?" sigaw ko sa kaniya.


Tumawa 'sya ng malakas habang iniiwasan ang aking mga hampas. Sa ganoong itsura kame naabutan ng kaniyang kapatid pagkabukas ng elevator sa lobby.


"Thyian!? Anong nangyayari ---?," simulang tanong ni Reye. "Kuya Thyrone? Bakit kayo magkasama? Magkakakilala kayo?" tuluy-tuloy na tanong ni Reye sa amin pagkalabas naming ng elevator.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon