I lifted my phone sakto lang para makita ang screen. Pero wala talaga, ala-una na ng hapon! Ano yung sabi ni Thyrone kagabi na ngayon ko makikita ang gift ni Tita? Joke lang ba yon? Tsss.....
Stress.... I currently feel under stress. E, kagabi lang masaya ako. Don't tell me guni-guni ko lang iyong kagabi? Because I am very sure that his proposal happened and my family is here. Kasama ko sina Dad and Atticus on breakfast and lunch. Maging sila ay nagtatanong kung wala daw ba akong lakad ngayon? And my short answer is, "Wala". Dahil wala naman talaga. Looks like Thyrone had forgotten about me and our plans.
My phone rang, pero hindi ko na pinansin. The sound indicates that there's a message just came. Dahil wala na akong gana o maging ang motivation na i-angat muli ang sarili mula sa pagkakahiga ay 'di ko ito pinansin. For sure yung TM operator lang, indicating my points reward.
Nakatulog ako dahil sa paghihintay kay Thyrone. Ngunit bigla ring naalimpungatan sa malakas na tawag ni Atticus mula sa labas ng silid. Ang ingay-ingay nito.
"Oo, gising na Atticus!" hindi ko naiwasang sumigaw para ipaalam sa kanya. Ang pinaka huling pangalan na narinig ko mula dito ay ang kay Thyrone.
Atticus was talking about Thyrone. Bigla akong napatayo at takbo palabas ng silid. Thinking of finally seeing the person I longed to talk to for hours. Ang haba kaya ng inantay ko.
"Ano ba naman yan Bella hindi ka man lang nag-ayos muna bago bumaba," saway ni Atticus sa akin.
I got self-conscious of my current state. Nakaligo naman ako pero alam kong hindi ako nakapag-ayos ng mukha bago bumaba. Biglang bumagal ang aking lakad sabay talikod at linis ng mata baka kasi may nakadikit pang muta doon na 'di ko alam. Pinasadahan ko rin ng mabilis ang mga daliri sa aking buhok na malayang nakalugay sa likod.
"You're still beautiful, Bella," sabi ni Thyrone sa likod ko. "Atticus is just making fun of you."
Matapos marinig ang mga ito ay humarap na ako sa kanya at biglang binago ang mukha ng pagalit. I also found my lips pouting in disapproval. But I can't help to roam my eyes at his looks. He looked very comfortable in a plain gray shirts and black pants. Naka rubber shoes lang rin ito and I can smell his after shave cream. So manly and refreshing.
"Ba't ngayon ka lang?" hindi ko na naiwasang isatinig ng naiinis.
Napansin ko ang mahinang pagbuga nito ng hangin matapos ang tanong ko. "I thought you needed longer rest before we go and see the place," eksplika nito.
Natigil ako bigla. Mukha bang atad na atad ako na makita ang regalo ni Tita Alleine. For sure I do! From my aggressive response to him. Mukhang bahid na bahid doon. Calm down Bel, don't put yourself in shame furthermore. Saway ko sa aking isip.
"Na, talaga lang kuya. Kanina pang umaga busangot si Ate. Ang tagal mo kasi maaga pa naman ito nagising," Atticus revealed on our side.
"Shut up! You're exaggerating things," saway ko kay Atticus.
Mukhang gusto pang habaan ni Atticus ang sasabihin kung hindi lang sa masamang tingin ko para dito. Halos makuha ko na rin ang isang tsinelas sap aa pero tinigil rin ng tumahimik ito.
Tumalikod ito sabay tawa ng nakakaloko. Ang bastos talaga ng taong ito! Gustong-gusto ang ipahiya ako sa harap ni Thyrone.
"Why not text or call?" wala sa mood kong tanong.
I felt it's just the right thing to do after being silent almost more than half of the day. Alam kong I'm being immature, I just can't help it. Matapos nya akong painipin at paisipin ng iba't ibang pangit na reasons for not reaching out earlier. Dapat alam nya na disappointed ako sa kanyang actions.

BINABASA MO ANG
Her Inevitable Fall
RomanceThyian Matilda Valliente is successful. She has the power and rules an established company. Nabubuhay siya sa isang perpektong kasalukuyan na binuo niya. Pero paano kung lahat ng meron siya sa kasalukuyan ay maaaring mawala dahil hindi naman ito sa...