KABANATA 29

1 0 0
                                    

"I was right all along, hija!" tuwang-tuwang sabi ni Mrs. Abellanosa. "Roses is impossible for Thyrone. He chooses woman with class and intelligence."


Biglang nag-init ang aking mukha sa pinagsasabi nito. Naiwan kasi akong kasama siya sa receiving area matapos ipatawag si Thyrone ng stepfather nito sa opisina.


Hindi ko maiwasang maalala ang maaliwas at tuwa sa mukha at galaw nina Mr. at Mrs. Abellanosa ng makita kaming pababa ni Thyrone sa sasakyan. Reye wasn't home sabi ni Mrs. Abellanosa he was sent to abroad para mag-aral. Kaya pala hindi ko na ito nakita matapos ang incident sa bar ng condominium namin.


"My class rin naman si Roses and her face looks beautiful, Tita," my honest comment about Roses.


"Which she earned after two surgeries," hindi pa rin mapigil sa punang komento ni Mrs. Abellanosa. "I'm not against surgeries for your information. Iba lang talaga ang appeal ng natural beauty sa akin. Like you, idagdag pa na matalino ka. For sure my future grandchildren will look stunning beautiful and mentally sharp."


Napaubo ako sa huling statement nito. Hindi pa naitulung na naisipan ko pa talaga na uminom ng juice ng mga oras na iyon. Kaya naman may ilan na lumabas mula sa aking bibig at ilong. Nakakahiya!


Mabilis kong kinuha ang aking panyo at pinunasan ang aking mukha.


"Okay ka lang ba hija?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Abellanosa. "Bakit? Hindi pa ba ninyo napag-uusapan ng anak ko ang kasalan?"


Manghang reaksyon ni Mrs. Abellanosa. Maaga pa kasi para mapag-usapan ang kasal, ni hindi ko pa nasisiguro kung sa huli ay kame ba talaga. Bukas kasi ako sa posibilidad na baka hindi kame ang magkatuluyan sa huli. Malay ko ba, baka biglang mauntog si Thyrone at ma-realized na hindi ako ang para sa kanya.


Mahinhin akong tumawa bago sumagot. "Actually, hindi pa po namin na pag-uusapan ang tungkol sa marriage. Maaga pa kasi para pag-usapan."


Kahit na nakakahiya na sabihin ang mga iyon sa mismong nanay ng karelasyon ko ay tinuloy ko pa rin. Baka kasi ang laki ng expectation nila sa amin ni Thyrone at sa huli ay madi-disappoint lang namin sila.


Biglang tumamlay ang itsura nito sa naging sagot ko. At naiilang na ako sa napag-uusapan namin. Nasaan na ba si Thyrone at kanina pa ako iniwan dito sa Mommy niya.


Hindi man lang ako ini-orient about these questions. I'm sweating bullets right now and silently praying that Thyrone will finally show up. Like right now..... na agad.


Luckily, God heard my prayer. Biglang sumulpot si Thyrone sa aking likuran.


"Mommy!" biglang saway ni Thyrone. Mukhang may idea sa pinag-uusapan namin ng Mommy nito. "Are you pressuring Bella?"


Hinawakan ni Thyrone ang magkabila kong balikat mula sa likuran ng aking inuupuang couch. Unconsciously, I held one of his arms on my shoulder. Finding strength from it. Mukhang hindi nakaya ng aking isipan ang huling naging tanong ni Mrs. Abellanosa.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon