KABANATA 22

3 0 0
                                    

Hello, Everyone!

In this chapter, the real identity of our female protagonist is finally revealed. The real Thyian is dead and Bella just pretended to be her. So, let's further meet the real Bella in the coming chapters.

Enjoy!

Thanks,

 Sisene Brete

___________________________________________________________________________

"Mas lumaki ang planta ah," puna ko sa dalawang extensions sa magkabilang gilid ng planta. Maging ang bilang ng mga bagong delivery trucks ay nadagdagan din. "You did well in our company!"


Martes na ngayon at sinamahan ko si Atticus sa planta. Na-extend nga ang leave ko mula sa trabaho. I'll be here for another week and Dad was more than happy with my decision. Magpa-party pa nga siya sa Friday bago ako bumalik sa ciudad upang magtrabaho.


But before working on Monday, kakausapin ko muna si Mabelle upang sabihan na tumawag ng press conference because that is the right thing to do before I resume work. Honestly, I am worried about the possible result of the press conference but Dad assured me that everything will be okay. At pinanghahawakan ko iyon. I trust his judgment more than anything else.


"Matalino kaya ako!" walang kiming sagot ni Atticus sa akin. "Being genius runs in our blood, Ate! Kung 'di mo pa alam iyon."


Napangiti ako sabay baling sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na mayabang ka na rin pala," tukso ko sa kaniya.


Napaismid siya sa sinabi ko. 'Di nagustuhan ang narinig. "Hindi kaya! Sinasabi ko lang ang totoo. And for your information, we're exporting our products internationally. Last year pa nagsimula," proud niyang pag-inporma sa akin.


Kita mona man mukhang masaya na si Atticus sa kaniyang ginagawa sa planta. Pero totoo naman kaya ang ipinapakita nito sa akin baka naman ay napipilitan lang ito dahil wala siyang choice o ayaw ma-disappoint si Daddy?


"If you don't believe me come and I'll show you some evidence," pagpapatuloy niya. Mukhang na misinterpret niya ang katahimikan ko. Kung alam nya lang na ibang bagay ang iniisip ko.


Nung nakita niyang wala akong planong sumunod sa kaniya ay hinawakan niya ang aking braso upang hilahin papasok sa loob ng planta. Hindi na rin ako tumanggi. Bihira kasing ganito si Atticus yung magkwento sa mga bagay na gustong-gusto niyang gawin. Kaya naman natutuwa ako sa excitement na nakikita sa mukha niya habang sinasabi ang mga bagay tungkol sa trabaho.


"Look at this machine, Bella," utos niya sa akin nang nakarating kame sa production department ng kompanya habang itinuturo ang malaking machine sa pagproproseso ng lata.


Tinitigan ko naman ang itinuro niyang machine. It looks ordinary mas malaki lang sa dating mga machines na ginagamit ni Daddy. "What's special about this machine, Atticus? It looks like a bigger version of Dad's old machines," my honest comment.


He looked offended when I turned to look at him. I pouted thinking what's wrong with the thing I said? E, nagsasabi lang naman ako ng opinion ko. No harsh side comments.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon