"Miss Thyian tumawag po si Mrs. Alleine, kino-confirm po kung tutuloy ba kayo mamaya sa kaniyang opisina," biglang tanong ni Demeece sa akin.
Kanina pa nga nagbibigay ng latest updates si Demeece sa akin. Lahat ay tungkol sa mga projects na ongoing at iyong natapos na. Una nyang dinictate ang tungkol sa positive feedbacks ng mga clients sa huling magazine issue. Nagulat nga ako sa impormasyong tungkol sa huling client namin na si Mr. Chiong na huling nag-end ng contract na gustong mag-set ng appointment. Balita ng ani Demeece na masaya pa naman ang matanda habang sinasabing gusto niyang makipag-business ulit sa amin.
Buti na lang at mabilis mag-isip si Demeece hindi ito nag-confirm ng anything sa matanda. Ang sinabi lang nito na puno ang schedule ko the whole month. Totoo naman ang sinabi niya. Dahil sa may pinagsamahan naman kami ni Mr. Chiong iniisip ko pa na iko-confirm ko rin ang kaniyang request but he has to wait dahil sa busy nga talaga ako.
Kasama rin sa update niya ang tungkol sa bagong project ng Abellanosa's. Dahil sa nagustuhan ni Mrs. Alleine ang previous work namin dahil sa high feedback at increase sa sale na out-come nito. Gusto niyang ipagpatuloy ang pakikipagbusiness sa amin, buti na lang at ito mismo ang nakakatrabaho ko at hindi and dalawang anak nito.
"Of course, kindly confirm my meeting with Mrs. Alleine and yung time okay na rin sa akin. Just don't forget to remind me forty-five minutes before the meeting," balik kong kopirma kay Demeece.
Pagkatapos ng sagot na iyon nagpatuloy ako sa pagtitipa sa aking computer. Noong hindi sumagot si Demeece sa sinabi ko ay inangat ko ang aking ulo pa tinignan siya. Napansin ko na seryoso ito sa pagbasa habang binubuklat ang dala-dalang notepad.
"May sinabi pa ba sya?" taka kong tanong.
Tumango ito habang binilugan ang isang detalye mula sa kaniyang kwaderno. "Opo, hindi po pala sa building nila kayo magmi-meeting kung 'di sa Palacio del Sur at 2:00 in the afternoon. Sa restaurant lang daw po," korekta nito.
Tumitig ako sa kaniya pagkabanggit ng ibang lugar. Sigurado ba ito.
"Na konpirma mo rin ba kung sino ang imi-meet ko mamaya? Sino daw ang pupunta mula sa kanilang kompanya?" pigil kong hininga habang tinatanong ang impormasyong ito.
Kung si Reye, okay lang dahil kaya ko pa ang makipag-business dito. Pero kung ang kapatid nito? .....Hindi ako sigurado. Kahil ilang lingo ko ng sini-set sa isipan na magiging okay lang ako kung si Thyrone ang makikita o makakausap tungkol sa negosyo sa kanilang kompanya, hindi pa rin maiwasan ang pagkabagabag at pagkakataranta.
"Si Mrs. Alleine po mismo Miss ang kikitain mo mamaya," balik konpirma ni Demeece.
Bigla ang paglabas ko sa hiningang hindi napansin na pinipigilan kanina. Kahit na nakompirma na si Mrs. Alleine ang makakausap ko hindi ko pa rin mapigilan ang pagdududa na biglang isa sa mga anak nito ang ipapadala ora-orada.
"Salamat sa inpormasyon Demeece," pagtatapos ko ng aming usapan.
Nginitian ako ni Demeece bilang sagot sabay tayo palabas ng opisina.
Nagpatuloy nga ang trabaho sa buong umagang iyon at nagpatuloy sa unang oras ng hapon at natigil lang ng tumunog ang aking telepono. Naisip kong baka si Demeece ito at ire-remind ang appointment ko with Mrs. Abellanosa pero ang aga naman ata. Kita ko kasi na may fifteen minutes pa dapat.

BINABASA MO ANG
Her Inevitable Fall
RomanceThyian Matilda Valliente is successful. She has the power and rules an established company. Nabubuhay siya sa isang perpektong kasalukuyan na binuo niya. Pero paano kung lahat ng meron siya sa kasalukuyan ay maaaring mawala dahil hindi naman ito sa...