Hindi ako nakatulog buong gabi, thinking about the message I received this night. It was a threat. That idea alone disturbed me to the bone. It was a warning that I needed to be careful with. Pinabalik ko nga agad si Leoben and his team sa condo tower ko. Pero ang pinaakyat ko sa unit ay si Leoben lang and the rest were surveying the area downstairs.
Naabutan nya akong nanginginig sa takot kaya naman nagdesisyon sya agad na tawagan si Mabele at papuntahin sa unit ko.
Hindi ko naisip si Mabele kanina dahil sa kalituhan. Kahit ang mga pulis ay hindi ko sinadya dahil alam ko na mauungkat lang ang nakaraan. At hindi pa ako handang balikan ang mga pangyayari noon.
Leoben knew about my history. He was hired back then at the province by my Dad. The moment I declared leaving the province to move to the city. Ayaw na ayaw ni Dad ang umalis ako but I needed to leave. I saw how disappointed he was back then at my decision but more than hurt. Nakita ko yung sakit na gumuhit sa kanyang mukha at ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. That time sarili ko lang ang iniisip ko. Kahit yata ngayon ay sarili ko pa rin ang iniisip at uunahin ko. Bakit? Sino? Sino ba dapat na unahin?
Yes, I am selfish! Noon hanggang ngayon. Hindi ko naiisip ang sakit ni Dad nang nawala si Bella. Dahil parati nyang sinasabi na hindi lang si Bella ang nawala. Na pati ako ay nawala sa kanya. Sa aming pamilya.
Tatlong taon ang lumipas at nabuhay ako ng walang iniisip. O, sa isip ko lang ba iyon. Dahil ngayon ay pinipilit akong pinababalik sa nakaraan. Sa dati kong buhay na pilit kong kinakalimutan at maging ang mga taong kilala ko noon.
Ganoon na naman dapat, 'di ba? Kailangang iwan ang mga taong nagbibigay ng sakit at masamang alaala ng kahapon. Pero ngayon ay naiisip kong baka naman kasi ako lang ang nagpipilit na kalimutan ang lahat at hindi ang mga nakakaalam sa nangyari sa nakaraan.
Bigla bumukas ang pintuan ng aking unit at inuluwa roon si Mabele na mukhang hindi mapakali at natataranta.
"Thyian? What happened?" she started. She sat beside me and hugged me tightly. Binitawan niya ang yakap sa akin at itinaas ang aking braso at hinawakan ang aking magkabilang mukha. "Nasugatan ka ba? Where you hurt?" tuloy-tuloy niyang tanong sa akin.
Umiling-iling ako. "I'm was not hurt," sagot ko sa kanya. Nanginginig na ipinakita sa kanya ang papel na napulot ko sa loob ng aking sasakyan.
Mabilis nya itong kinuha at binasa ang nakasulat. "Buti papel lang ang ibinigay sa iyo at hindi ka sinaktan. But wait, may nakaaway ka ba recently?" nag-aalala niyang tao.
"Wala! Wala akong nakaaway. Alam mo naman na nag-iingat ako di ba. Kahit na bitter ako at topakin ay kontrolado ko ang aking sarili sa harap ng ibang tao," ako kay Mabele.
Tinitigan niya ako. Tinatantya ang katotohanan sa aking sinasabi. "Pero meron ka bang ideya kung sino ang may kagagawan nito? Recent people you came across with? Posibleng isa sa kanila galing ang mensaheng ito!" kutob na saad ni Mabele.
"Hindi ko alam Mabele. Yung magkapatid lang naman ang bago kong nakilala," sagot ko. Pero iniisip kung sino-sino ba ang mga bagong nakakasalamuha ko ngayon. May punto naman kasi si Mabele. Yung mga bagong tao lamang ang posibleng magkakaroon ng interes na gawan ako ng ganito. Pero bakit? Ano ang motibo niya o nila para takutin ako?
BINABASA MO ANG
Her Inevitable Fall
RomanceThyian Matilda Valliente is successful. She has the power and rules an established company. Nabubuhay siya sa isang perpektong kasalukuyan na binuo niya. Pero paano kung lahat ng meron siya sa kasalukuyan ay maaaring mawala dahil hindi naman ito sa...