KABANATA 21

1 0 0
                                    

Bakit ba kailangan pilitin ang pwede namang kalimutan? Kung susubukan naman nila, e pwede naman. Maaring mali pero doon ko nakakalimutan ang masakit na nakaraan.


Pagkatapos nga sa hospital at pagkauwi ng bahay ay dumiretso agad ako sa treehouse na may distansiya mula sa bahay namin. Tambayan namin itong magkakapatid noong bata pa kame at hanggang ngayon ay maayos pa rin itong pinanatili ito ni Daddy. Nakikita ko nga na mukhang bago ang kahoy sa hagdan paakyat ng bahay. Maging ang kulay nito ay matingkad pa rin mukhang bagong pinta.


Habang nakahiga sa damuhan sa ibaba ng tree house ay kitang kita ko ang malayang pagsayaw ng mga dahon sa itaas ng puno. Maging ang mga ibong nagpapahinga sa mga sanga ay kita rin. Maliwanag pa ang langit ngunit mukhang papalapit na rin ang pagbaba ng araw dahil lumalamig na ang ihip hangin.


Sa pagtingin-tingin lamang sa kanila ay nakalimutan ko ang nangyari kanina at napapangiti na lang sa magagandang alaala dala ng treehouse na ito.


Mula sa pag-iisip ay may biglang umupo sa tabi ko. Hindi na ako bumaling pa sa tumabi sa akin dahil alam ko kung sino ito. Kanina ko pa alam na nasa may mga punong manga lang siya na ilang metro lang mula sa akin. At naghihintay lang ng pagkakataon para makalapit. Nung sinabi ko kay Thyrone na iwan akong mag-isa ay sinunod nya naman ako pero mukhang napagod na rin ito kasi heto't nasa tabi ko na ngayon. Halos mahigit dalawang oras rin siyang patingin-tingin lang sa akin.


Humugot ako ng malalim na hininga at nanatiling tahimik lang.


"Ang ganda talaga dito sa inyo," pagsisimula ni Thyrone habang nakaupo sa tabi ko.


Hindi pa rin ako sumagot sa kaniya. Kaya naman ay nagpatuloy siya, "Ang ganda baka ng mga kwento mo dito kasama ng mga kapatid mo," pagpapatuloy niya. "Si Atticus ang daming kwento tungkol sayo kanina habang nag-aagahan kame. Tuwang-tuwa nga sa pag-uwi mo."


Napangiti na ako sa kwento niya tungkol sa kapatid ko. Si Atticus ang baby ng pamilya. Pero dahil sa ginawa ko mukhang siya ang higit na naging panganay kay Dad.


"Ganyan talaga 'yan si Atticus. Masyadong responsible," kwento ko tungkol kay Thyrone. "Doctor talaga yan! Kaso mas piniling pamahalaan ang planta dahil nagretiro na si Daddy. At hayun di na niya nagagawa ang pinaka gusto niya. Mas inuna nya ang obligasyon sa pamilya."


Ang daming mahahalagang bagay sa buhay ni Atticus ang kaniyang pinaubaya para lang matugunan ang pangangailangan ng bawat miyembro ng aming pamilya. Unti-unting bumibigat ang aking mga mata sa isipin iyon. At isa sa pinaka mabigat na pag-uubaya ng kaniyang plano ay dahil sa akin. Desisyon ko, paubaya naman ang tugon niya.


Bigla kong naramdaman ang banayad na pagtuyo ni Thyrone sa aking mga luha. 'Di ko napansin ang pagtulo ng mga iyon at imbis na tumahan ay mas lalo lamang dumagsa ang mga luha kasunod ng aking tahimik na paghikbi. Habang nakatingin sa kaniya kitang-kita ko kung gaano siya ka seryoso habang ginagawa ito.


"He gives in so I can move on. Imagine all those years I'm working to achieve Thyian's dream, he was left here alone fixing the missing gap in this family and helping Dad in our business," pagpapatuloy ko sa pagitan ng mga hikbi. "I've succeeded with many things while he remained unaccomplished with his dreams. Kahit iyong makapagbigay reseta man lang ay 'di niya nagawa," sinubukan kong magpatawa.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon