KABANATA 28

1 0 0
                                    

"Hey!" sabi ko kay Thyrone habang tinutulak ito palayo sa akin.


Sabik ba namang makahalik sa akin. Hindi man lang naisip na bukas pa ang pintuan ng unit ko at baka may makakita sa amin.


"Sorry," sabi ni Thyrone na mukhang hindi naman seryoso.


Ngiting-ngiti ito ng nakaisa sa akin. Habang nakatingin dito hindi ko maiwasan makita ang maaliwalas nitong ayos kahit na naka gray dress shirt and black slacks lang ito. Napaangat ang isang kilay ko ng may naalala. Kaya pala kanina bago ako makapagbihis ay tinanong nito kung anong kulay ng suot kong bestida yun naman pala ay teternuhan niya ito.


"Twining tayo, ah," tukso ko sa kaniya. "Kaya pala paulit-ulit ang tanong."


Tumawa pa ako para mas lalo itong mapahiya pero walang epek. Pagkatapos nitong isarado ang pintuan ay lalo pa itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha para sa isa pang halik.


"Sa gusto ko na magkakulay tayo. E, bukas anong suot mo, Bella?" natatawang tanong ni Thyrone.


Imbes na sagutin siya ay muli akong napatawa sabay iling.


"Halika ka na at baka ma-late pa tayo sa daan," anyaya ko sa kanya.


"Seryoso ako sa tanong ko. Ano nga ang susuotin mo bukas," kulit muli ni Thyrone.


Nginisian ko siya bago sumagot, "I-text ko sa'yo mamaya."


Lumabi ito sa sagot ko pero sumunod na rin pagkalabas ko ng pintuan. Magkahawak kamay kami palabas ng building. Mukhang ganito na ang magiging bagong routine ko simula sa araw na ito.


Pagkatapos nga ng naging usapan namin noong biyenes ay mas lumaki na ang tiwala ko sa kaniya. At mas lubusan ko rin siyang nakilala.


Naikwento ko nga sa kanya na nagkita na kame noong mga bata pa kame pareho. Tuwing dinadayo kasi noon ni Daddy ang Local ay para niya kaming sinasama nina Thyian. It was one of the best experienced we had during our childhood days.


Kaiba kasi ang pamumuhay ng mga taga-Locals kumpara sa buhay namin sa mansion. And honestly, my siblings and I were excited to see other children in our province. Wala kasi kaming masyadong kalaro sa may amin.


Even Thyrone admitted that he remembered me back then. Kame ng kakambal ko. Kaya nga raw naging kaibigan niya si Thyian nung college.


"Later, we'll have lunch together. Pupuntahan kita sa opisina mo besides I'm not too busy at work," sabi ni Thyrone habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng sasakyan.


Pumasok ako sa loob ng sasakyan at 'di muna ito sinagot. Natutuwa ako sa effort niya for sure at malalaman din ito ng Mommy niya including Reye. At hindi ko maiwasang mamoblema kung papaano ko sasabihin kay Mrs. Abellanosa na hindi nga si Roses ang girlfriend ng anak nito. Kung hindi ako.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon