"Ba't ka umiiyak?" usap ko sa aking sarili habang naliligo sa loob ng banyo.
Pagkatapos tumakas kay Thyrone kanina ang pagligo ang una kong naisip bago gawin ang naisipang plano. Ewan ko kung ano ang kalalabasan nito basta gusto ko lang matanggal ang sakit na nararamdaman.
"Ito na ang magiging huli mong iyak kay Thyrone," pangako ko sa sarili.
Pagkatapos maligo ay nagmadali na akong magbihis ng white shirt na pinaresan ng gray pants. Nagsuot rin ako ng jacket.
Pero bago pa umalis ng bahay ay mabilisan akong dumaan sa bar kahit na hindi talaga iyon ang sadya. Kukuha lang ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha sa binabalak. At alam ko na sa isang baso ng iinumin ay makukuha ko na iyon.
Pagpasok sa loob ng bar ay agad akong lumapit sa counter. Pagkakita pa lang sa akin ng barterder ay nilapitan na nito ako.
"Vodka lime and soda," agad kong sabi sa bartender.
Pagkasabi ko ng order ay umalis na ito sa aking harapan. Pagbalik nito ay bitbit na ang aking inumin.
Dahan-dahan lang ang pag-inom ko nito iniisip na mahaba pa naman ang gabi sa naisip na plano. At isang baso lang naman ang kailangan ko. Kaso nga lang pagkatapos ng isa, hindi ko pa rin ramdam ang lakas ng loob na kailangan kaya naman nasundan pa ito ng isang order, at sa pangalawang inumin nga ay naramdaman ko na confidentce na kailangan ko, kahit na nahihilo ng unti. I feel better, with no anxiety of earlier events.
Kaya naman tumayo na ako sa couter sabay lapag ng pera dito at dumeretso sa basement kung nasaan ang aking sasakyan.
Pagkapasok ng sasakyan, I drove towards a very familiar path to work my plan. Sabi ko nga kanina na this plan would be called my self-resurrection and moving on steps. Kaya kailangan magawa ko ito ngayon mismo.
Pagkapasok ng building ay dumiretso na ako sa unit ng taong sadya dahil kilala na ako noong security guard ay nginitian lang nito ako at hinayaang gamitin ang private elevator paakyat.
Pagdating sa floor nito una kong hinanap ang saradong pintuan ng sadya kaya naman pagkalapit sa harap nito ay kumatok ako ng tatlong beses, nakangiti, nakatayo ng tuwid. Nang makalipas ang limang segundo ay wala paring Thyrone na lumabas.
Tama kayo pinuntahan ko talaga sya sa kaniyang bahay kasi nga kailangan ko ng closure para makapag-move on na. I wanted to rant a lot of things, it would be useless kung sa iba ko ilalabas. Since my rant was everything about him so dapat sya mismo ang makakarinig ng mga iyon.
Kalahating oras lang at alam kong matatapos na itong frustration at galit na nararamdaman. Ito yung naging bagong principle ko sa buhay..... Kung gustong maging masaya gawin ang bagay na magiging rason para sumaya. At sasaya lang ako kung tuluyan ko ng natapos ang koneksyon sa kanya.
Kumatok ako ulit sa kaniyang pintuan mas matagal at malakas na ngayon. Kaso matapos ulit ng sampung minuto ay wala parang nagbukas ng pintuan. Tumagal pa nga ng dalawampung minuto ang aking pagkatok sa kaniyang pintuan at wala pa ring nangyari. Hanggang sa may lumabas na nga sa kabilang silid.

BINABASA MO ANG
Her Inevitable Fall
Roman d'amourThyian Matilda Valliente is successful. She has the power and rules an established company. Nabubuhay siya sa isang perpektong kasalukuyan na binuo niya. Pero paano kung lahat ng meron siya sa kasalukuyan ay maaaring mawala dahil hindi naman ito sa...