KABANATA 14

8 1 0
                                    

"Really! You'll fight at my house?" naiinis kong tanong sa magkapatid pero ang mga mata ay nakatutok kay Thyrone.


Si Reye lang naman ang inanyayahan ko sa dinner na ito pero hayan wala hiya-hiyang inimbita ni Thyrone ang sarili. Hindi na nga siya nagbigay ng abiso at mukhang guguluhin pa talaga ang tahimik naming dinner ni Reye.


Wala sino man sa kanila ang sumagot sa tanong ko. Kahit ang matalim kong titig ay hindi nagpatinag kay Thyrone sa pagpasok sa loob ng aking unit at komportableng nagtuluy-tuloy sa aming dining table.


Naiwan kaming nakatanga ni Reye sa may pintuan habang tinitingnan ang papalayo nyang likod. Ang bastos talaga! Akala mo naman ay bahay nya ito!


"Ba't nandito si Thyrone, Reye?" baling kong tanong kay Reye na lumapit na sa aking tabi.


Kinamot nya ang kaniyang ulo. "Pasensya na, Thyian. Nasabi ko kasi kay Kuya na dito ako magdi-dinner ngayon sa bahay mo," nahihiya nyang pag-amin. "Pero hindi ko naman inaasahan na pupunta din sya ngayon dito. Pasensya na talaga!"


Napailing na lang ako. Ano pa ba ang pwede kong gawin? Sigurado naman ako na hindi aalis si Abellanosa. Kasi naman kitang-kita ko dito sa aking kinatatayuan ang pagkuha nya ng plato at kubyertos. Ang kapal talaga ng mukha.


"Kakain na ako!" sigaw ni Thyrone sa amin. Naglalagay na rin sya ng pagkain sa kanyang pinggan. "Hindi na kayo kakain?" pagpapatuloy nya.


"Ang kapal talaga ng kapatid mo, Reye!" naiinis kong sabi. Alam kong masama ang magdamot ng pagkain. Sa mahirap ay oo, pero sa milyonaryo hindi. At ayaw ko kay Abellanosa period. Kaya pwede na iyong dahilan.


Naglalakad na kame pabalik ng dining table ni Reye. He looked awkward beside me. Mukhang ito ang nahihiya sa pinag gagawa ng kapatid.


"Sorry talaga, Thyian," nahihiyang sabi ni Reye sa akin.


Bumuntung hininga ako sabay tapik sa kaniyang balikat. "Pasensya na Reye sa sinabi ko. Hindi ko lang talaga inaasahan ang kapatid mo sa gabing ito," nagsisisi kong sabi. "At ikaw pa talaga ang binalingan ko ng inis na dapat yung kapatid mo lang,"


Naawa ako kay Reye kasi masyado syang affected sa biglang bago ng mood ko. Hindi dapat sya ang tumatanggap sa rant at masamang ugali ko dahil yung kapatid nya naman ang may kasalanan. He has no control over his brother's misbehaviors. Lalong-lalo na sa iniisip nito.


"Okay lang, Thyian. Ako talaga dapat ang humihingi ng pasensya," nakangiti nang sagot ni Reye sa akin. "Kung hindi ko sinabi kay Kuya na andito ako sa unit mo ay wala sana sya ngayon dito."


Ngiti ang balik kong sagot sa kaniya. Itinuloy na namin ang pagbalik sa dining table ng nasa mesa na kame ay napansin ko ang maganang pagkain ni Thyrone. Hindi man lang kame nilingon. Tuloy lang sya sa pagnguya na parang gutom na gutom.


Noong inangat nya ang kaniyang ulo sa akin ay sakto naman nahuli nya ang madilim kong titig. Imbis na humingi sa akin ng pasensya sa masama nyang asal ay ngumiti lang ito ng nakakaloko. Ni walang guilt na nararamdaman.

Her Inevitable FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon