40th Restriction

2K 108 16
                                    

Chain

Warning: Not appropriate scenes below! Read at your own risk!

Ininom ko ang kabibili ko lang na kape sa nadaanan kong cafe kanina habang papunta sa aking opisina dito sa Guadalupe.

Bumaba ako ng sasakyan hawak sa kanang kamay ang bag at kape habang sa kaliwa naman ay ang mga dokumento.

Naghihintay ako sa elevator ng biglang tumunog ang aking telepono. Inipit ko ang mga dokumento sa aking kili-kili at kinuha iyon sa bag ng hindi natatapon ang hawak na kape.

Sinagot ko ito ng makita na ang gwardya pala ito ng construction.

"Hello, po?"

"Ma'am. May ibabalita lang po."

"Ano po 'yun?"

"Hindi na po pumunta si Miss Eurika mula noong umalis sila papunta sa Firm ni Sir."

I let out a breath knowing the reason for it.

Tiningnan ko ang elevator ng makitang pababa na ito.

"Sige, po. Salamat. Ang ba-"

"Ay, Ma'am! Huwag na po. Sakto na po iyong perang ibinigay ng sekretarya niyo sa akin. Sobra pa nga po, eh."

Napangiti ako ng marinig ko iyon. "Palalakihin ko na lang po ang sweldo ninyo. Salamat po."

Hindi siya nakaimik kaya natawa ako.

Natapos ang tawag na saktong bumukas ang elevator. Kaya sumakay ako.

Naglakad ako palabas ng makarating sa floor kung saan nakita ko ang sekretarya.

"Miss, tinawagan po kita pero busy ang line ninyo." Saad ni Athena at binaba ang telepono.

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa dala.

"Why, what is it?"

"Miss Eurika is here to talk to you."

I lick my lower lip. I'm not expecting this from her but who knows.

"Okay."

Tinanguan ko ang sekretarya at pumasok sa opisina kung saan nakita ko ang bisita na nakaupo sa pang-isahang sofa.

Sumunod si Athena sa akin at nilagay ang mga dala sa aking lamesa. Tingnan niya ako nag-aantay ng susunod kong sasabihin.

I gave her a small smile to make her know it will be fine.

Kita sa mukha ni Athena ang pagdadalawang isip pero lumabas naman siya kaya kaming dalawa na lang nag naririto.

Tiningnan ko siya at nakitang nanonood pala sa bawat galaw ko. Tinungo ko ang aking swivel chair at umupo roon.

"So, what did you came here for?" Tanong ko habang umiinom sa kape.

Hindi ko alam kung anong kailangan naming pag-usapan pero kung gusto niya talaga akong makausap, okay lang din sa akin.

"Danaleigh Salvernon." Tawag nito sa buo kong pangalan habang nanatiling nakakatitig sa akin.

Sinandal ko ang likod sa upuan habang hawak pa rin ang kape.

"Yes, Miss Eurika Veniosa?" Tawag ko rin sa buo nitong pangalan.

"Anong meron sa inyo ni Vaughn?" Tanong nito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa.

Tumingin ako sa hawak na baso, alam na iyon ang itatanong.

"I actually don't know either, Miss Veñiosa."

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now