44th Restriction

1.8K 101 29
                                    

Fix

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata pero dahil sa kawalan ng lakas hindi ko na lang pinilit. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagtunog ng patient monitor.

Dama ko pagkirot ng likod ng aking ulo habang ang buong katawan ay nananakit. Bumalik sa akin ang nangyari lalong-lalo na sa banda na dinugo ako.

Dahil sa naisip ay agad na namulat ang mga matang hindi ko mabuksan kanina lamang.

Muli akong napapapikit dahil sa silaw mula sa ilaw ng ospital. Dahan-dahan ko itong iminulat at hinayaan ang sarili na mag-adjust. Kinurap ko ang mga mata at nakitang nandito ako sa main ospital.

May pag-iingat na lumingon ako sa kaliwa kung saan nakita ko siyang natutulog habang nakaupo sa pang-isahang sofa na naririto sa kwarto.

Nakasuot siya ng itim na casual shirt na hapit sa kanyang katawan, itim na pantalon at puting sapatos. Magulo ang kanyang buhok pero hindi iyon nakasira sa kanyang itsura. Kita ang pagod at pag-alala sa kanyang mukha habang ang mga mata ay nakapikit, natutulog.

Umawang ang aking labi, gustong magsalita.

"Hu... gh..."

Tila hangin lamang ang lumabas sa aking bibig dahil na rin sa pagkatuyo ng lalamunan. Igagalaw ko na sana ang kanang braso ng makitang nababalot ito ng bandage. Kaya gamit ang kaliwang kamay na hinaplos ko ang aking tiyan ng maalala ang kondisyon ko.

Is my baby still here? Can you feel me?

Ipinikit ko ang aking mata na agad na nagpatulo sa aking luha ng maisip ang batang nasa sinapupunan ko.

Umiiyak na mahigpit akong napahawak sa kumot ng higaan.

"B-Ba... by..." A whisper that became a whimper, I said.

"The baby is still fine."

Napatingin ako sa kanya na gising at nakatingin sa akin. Mga mata ay blangko akong tiningnan kung saan agad kong nadama ang lamig ng kangyang tungo. Sinuklay niya ang kanyang buhok at napayuko sa inuupuan, dalawang siko nakatukod sa kanyang tuhod.

Nanginginig ang katawan na nagpakawala ako ng isang maluwag na ginhawa sa narinig. Bumalik ang pagod sa aking katawan kaya pumikit ako. Ilang sandali ay may naramdaman akong pumalis sa aking luha bago ako hinila ng antok at pagod.

"How is she?" Dinig kong tanong ng isang babae na sa tingin ko ay si Karsyn.

Nagising ako ng marinig ang pag-uusap.

"She's fine... for now." Voice as cold as ice, Hugh replied.

I heard them talk for a while before my consciousness once again drifted me away to sleep.

Muli akong nagising pero gaya na lamang nung huli kong gising, kulang pa rin ang aking pahinga.

"How are you, son?" I heard Dad ask.

"I'm getting there, Dad." I heard him let out a deep sigh which made my heart ache.

"Everything will be alright, Vaughn. She will be fine along with the baby." Mom whispered in a comforting manner.

Muli akong hinila ng antok kaya hindi ko alam ang naging sagot niya.

Iminulat ko ang aking mga mata kung saan nakita kong madilim na sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. 2 in the morning.

Bumaling ako sa kanan at nakita siyang natutulog na nakaupo sa kanyang pwesto kanina. Binasa ko ang tuyong labi pero nanatiling tuyo ang aking bibig kaya napa-ubo ako. Sa konting ingay na narinig sa akin ay agad siyang nagising.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now