10th Restriction

2.3K 122 18
                                    

Late

3:25 pm, natapos ang palabas, na nasa bisig niya pa rin ako. Nahagip ng aking mga mata yung grupo ng lalaki na nagmamadaling lumabas sa pintuan ng sinehan.

Pagkalabas namin sa sinehan ay mabilis akong nagpaalam na mag si-cr. Nagtataka naman ang tingin nina Mika, Nicholette, at Katalina, habang yung tingin naman ni Kreia ay parang sinusuri ako.

Pagpasok ko sa cr ay, pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle at nanatiling nakatayo. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, para naman akong nilalagnat sa sobrang init ng aking mukha.

That time, when I'm on his arms, wala na ang atensyon ko sa pelikula, yung lamig na naramdaman ko ay biglang nawala.

Natapos tuloy ang palabas na wala akong naintindihan!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko tas lumabas sa cubicle at bumalik sa mga kaibigan ko. Hugh's been staring at me since I went out from the cr, at hanggang ngayon na papunta kami sa Ice Skating Rates.

He's always staring! Pinaparamdam talaga niya sa akin na nakatingin siya!

Di ba siya nahihiya? Ang kapal naman ng mukha nito.

Nang di ako makatiis ay lumapit ako kay Mika, I hold her right arm and circled my left hand on it. Nagtaka naman siya kaya napatingin siya kay Hugh, binalik naman agad sa akin ang tingin.

My face turned red, when I know that she definitely notices something. On the way, she didn't say anything though. Kaya nga si Mika 'yung nilalapitan ko kasi di siya nagtatanong.

Pagkarating namin sa rink ay pinili namin ang 450 pesos sa price list, the time will be unlimited, we can also use the bears, along with the skates. So all in all it will be 3,600 pesos para sa aming walo, 'di naman kami ang magbabayad si Nicholette naman.

Siya kaya ang nag-aya!

Excited naming sinuot ang skates, pero bago kami sumalang sa ice rink, we took a group photo, using Karsyn's yellow iphone 11, as a remembrance of our very first gala.

We then went inside the ice rink. Hugh and I rarely skates, kaya nakakatuwa sa pakiramdam ang bumalik, and we're obviously rusty in this.

Nilingon ko naman si Hugh, na sobrang chill kung maka skate, masaya akong napailing nang mahusay siyang nagskate, paatras. I change my mind, ako lang pala ang kinakalawang.

"Bish! Teka! No!" Napalingon naman ako kay Karsyn na nasa entrance pa rin ng rink, na pilit na hinihila nina Kreia at Nicholette, habang si Mika naman ay chill lang na nagsi-skate na nanonood sa nangyayari.

Napatawa ako at lumapit sa kanila at hinila rin si Karsyn. Lumaki naman ang almond nitong mata takot kaming tiningnan, nilingon naman nito si Mika, tingin na nanghihingi ng saklolo, pero Mika chose to avoid her eyes as she skates away.

Heartless.

"Bish, come on, let go! Tuturuan ka naman namin." Natatawang sabi ni Katalina.

Napabitaw naman ang kanang kamay ni Karsyn at mahinang napamura ng muntikan na siyang maslide.

Natatawa kong hinawakan ang kanan niyang braso at inalalayan siya, si Katalina naman sa kaliwa, habang si Nicholette naman ay paatras na nagsiskate sa unahan.

"Lika ka na bish, mahal rin nabayad ko di-" Di natuloy ni Nicholette ang sasabihin niya nang may makabangga siya at diritsong bumagsak ang pwet niya sa ice.

Napa-aray naman kami, sobrang sakit kaya niyan. Naiinis na nilingon ni Nich yung bumangga sa kanya, pero bumilog ang mga maliit nitong mata nang makita kung sino 'yon.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now