38th Restriction

1.7K 91 22
                                    

Garden

"Paano kayo nagkakilala ni Kuya?" Muling tanong ni Yvonne.

Napatingin si Yvonne sa kapatid na seryosong nakaupo, ng hinawakan nito ng marahan ang kanyang kanang kamay.

"Sit on the sofa, para maayos nating mapag-usapan."

Nagtataka man sa nangyayari ay ginawa ni Yvonne. Umupo siya sa kabilang sofa.

Nanatili akong nanonood sa nangyayari. I removed my leg from crossing and sat properly.

I want to know what's going on. This is confusing the hell out of me.

Nilingon niya ako. "I found her around the month after Christmas through a friend."

May kung ano sa kanyang mga tingin habang nakatitig sa akin.

"I thought she was taken good care, Leigh. Kaya hindi ko siya kailanman hinanap."

Nabigla ako ng pilit niyang tinatago ang paghihirap at sakit sa kanyang mga mata.

He frustratedly combed his hair backwards. "Not until I received those unknown calls."

I remembered those days where I kept catching his phone ringing. I thought it was just spam.

Was that... ?

"It was my Mother, Vanessa Noriegez." He let out a deep sigh.

Kaya bang nakikita ko siyang natatakot kapag tumutunog ang telepono?

"Wait, is she the one...?"

Salubong ang kilay na tanong ni Yvonne.

Tumango si Vaughn bilang sagot sa kapatid tila naiintindihan na nito ang itatanong.

"She's one of the Salvernon's that took after me, Danaleigh Salvernon."

Nagulat ako ng tumayo si Yvonne at naglakad upang umupo sa aking tabi. "Thank you... so so much for taking care of my brother, Dana."

Binigyan niya ako ng masayang ngiti. Mga abong mata na puno ng positibong emosyon.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin ng mahina niya iyong pinisil.

"Yvonne and I are the result of a one night mistake."

Pagpapatuloy niya kaya napatingin ako.

"But I thank Vanessa for making us live, even though she had no plans in doing so. We were raised in a poor neighborhood. Walang pakialam si Vanessa kung mabuhay kami o mamatay man, kaya nagsikap akong maghanap ng makakain para sa aming dalawa upang mabuhay." His arm flexed when the grip of his hands tightened.

"That time, Vanessa took me somewhere after saying that, Yvonne..."

Inilipat niya ang tingin sa kapatid at agad na ibinalik sa akin.

"Will be taken care of, if only I agreed to go with her. Bibigyan niya ng makakain at aalagaan raw niya ng mabuti ang aking kapatid. Ano naman ang iisipin ng anim na taon na bata? Kaya sumunod ako. Gusto kong ibigay ang kinakailangan ng kapatid kahit kapalit pa nun ay sumama ako sa ina na nagmistulang anghel sa araw na iyon."

Napatingin ako kay Yvonne ng unti-unti kong nararamdaman ang pagkawala ng hawak niya sa aking kamay habang naiiyak na tiningnan ang matandang kapatid.

Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay bago muling ibinaling kay Vaughn na nakasunod pala ang tingin sa aking ginawa.

May maliit siyang ngiti sa labi, hindi niya itinago na nagustuhan niya ang aking ginawa sa kapatid.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now