3rd Restriction

3.5K 162 20
                                    

Weird

Two weeks have passed, since classes started. I'm currently in the library, with Kuya, of course. We have two hours of spare time. Our next subject teacher had an emergency. I don't know though, kung ano.

I'm sitting in one spot near the aircon while answering our assignment that is due for next week. Well, I hate cramming. Kuya is on my right side, as always taking his nap for the day. Siya nga ang pumili na rito maupo para sa kanya mapunta ang malamig na hangin. Laging tulog 'to, ano kaya ginagawa nito kada gabi, kinabukasan laging puyat.

"Hi Dana! Can I sit in here?" I looked up and saw it's Carter.

I was shocked, really. When I found out that Carter was actually in our class. He's our classmate, hindi ko siya napansin sa first day. Siguro dahil naging abala rin ako sa pagkirot kay Kuya. A small school it is, an expensive one at that.

"Yup! Go ahead." He pulled the chair that's right in front of me.

I then continued doing my assignment. I need to focus because it's PreCalculus. Sumasakit na ang ulo ko pero sige lang ng sige. Dapat aralin, dehado kasi ako sa subject na'to, hindi ako pinanganak na Math Lord katulad ng natutulog kong katabi. Need ko na lang ng skill. 'Wais skill'.

"Anong subject 'yan?" Carter habang tinatanaw ang assignment na tinititigan ko lang. Tumigil ako sa pagtitig roon at inangat ang tingin sa kanya.

"PreCalculus, nahihirapan kasi akong sagutin ito, 'di na gumagana ang utak ko. Ang iba nasagutan ko naman pero ang iba kasi nahihirapan na ako." Nakangiwing saad ko bago yumuko sa mesa at bumuntong hininga.

Minsan naiintindihan ko naman, pero may panahon lang talaga na 'di gumagana yung utak ko, gaya ngayon. It's not like I can wake Kuya up just for this, he is obviously tired and worn out. Nakakainis pa naman ito pag nagtuturo, namimitik ng noo. Kasalanan ko bang hindi ko maintindihan?

I heard someone stood up. Soon, I felt someone went on my side and sat on the vacant chair.

"Can I take a look at it? Maybe I can help you. Tapos ko na rin kasing sagutan 'yan kanina." Mabilis pa sa alas kwatro na inayos ko ang aking pagkakaupo at malaki ang ngiti na tumingin sa kanya, showing my perfect set of white teeth.

A help from a humble person!

"Okay lang ba? Wala ka naman sigurong ginagawa hindi ba?" Napakamot ako sa aking ulo. Nahihiya ako, baka may gagawin pala siya pero inilaan lang sa akin ang oras?

May ngiti sa labi na umiling siya. Inabot niya ang aking notebook at tiningnan ito. Habang abala siya sa pagtingin sa assignment ko, tumingin-tingin ako sa paligid. May nahagip ang dalawa kong mga mata, dalawang babae na magkasamang nakaupo sa kabilang mesa.

Ang isa ay tahimik na nagse-cellphone ang isa naman ay nagbabasa ng manga. They literally have their own world but they look so lovely and cute together. I think I saw them in the classroom.

Kaklase ko ba sila?

Before I can think of it, Carter asks for my attention about the assignment. I set aside the idea of those girls and just focus on what is in front of me - PreCalculus assignment.

Carter was teaching me how to solve one as he explains it on the way. I can say he's a good teacher. Madami rin akong natutunan sa kanya. Mag simpleng paraan para mapadali ang pagsagot nito. Namangha ako ng pagsagot ko ay agad kong nakuha ang kanyang tinuro!

Carter and I are so engrossed about it that we literally jumped on our seats, when we heard a loud crash that came from a chair that's fallen on the ground. It was caused by someone who suddenly stood up! I looked at who it was and it's no other than Kuya!

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now