45th Restriction

2.5K 106 26
                                    

Own

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kanang kamay na malamyos na humahaplos sa aking hita. Nakaramdam ako ng ilang ng mapansin na hubo't-hubad pala kami pareho. Pero may roba naman ako, ang problema nga lang, siya wala.

Konting galaw ko lang, may makikilala na ako. Matagal-tagal na rin nung huling...

Tumikhim ako, inaalis ang iniisip. We need to talk so I shouldn't think about worldly things which will certainly distract me off the lane.

Sinalubong ko ang kanyang tingin habang ang aking mga kamay ay patagong nakakuyom sa gilid. "H-Hugh about what happened... I'm sorry."

He's thick masculine eyebrow rose, silently questioning my sincerity. Napakagat labi ako sa naging reaksyon niya. I don't hate to admit that he looks hot. Can he do that more often?

"I-I know that apologizing wouldn't be enough." Hinaplos ko ang kanyang braso sa pagsusumamong paraan dahilan ng pagbaba ng kanyang tingin doon.

"Hindi ko sinabi sayo ang lahat tungkol kay Vanessa kasi ang dami mo ng pinagdaraanan." Malakas ang loob na sambit ko dahil hindi siya nakatingin. "At... ano." Bumalik ang kanyang pansin sa akin na nagpatigil sa aking magsalita.

"Ano... hindi pa kasi tayo bati nun."

Tumigil ang kanyang kamay na nasa aking hita. Napakunot naman ang kanyang noo.

Kinurap ko ang mga mata ng makaiwas ng tingin. "I was... it was kind of unnecessary for my part because it was my... business."

Dahan-dahang binalik ko ang tingin pero nagsisisi ako ng makita ang pagsiklab ng emosyon sa kanyang mga mata na mas lalong nagpalamig nito. Marahas na gumalaw ang kanyang panga habang natanggal naman ang hawak niya sa aking hita.

I obviously said the wrong words.

"She's my mother, Danaleigh. And her doing that to you, is also 'my goddamn business'." Madiin at malalim niyang saad na may kasamang malalim mura, dama ang mas lalong pagkainis at galit niya sa akin.

Napatikom ako sa aking bibig. I shouldn't have talk about 'business' thing. Mas nagalit pa tuloy. Ngayon ko lang rin napansin ang nakakatakot na dala pag sa kanya na nanggaling ang pangalan ko.

It's like, I should abide with the restrictions for him to be pleased. For me, to be... chained.

Kinagat ko ang gilid ng aking bibig bago mangalap ng mga salitang makapagpakalma sa kanya. "I k-know, but we were also not in good relation so uhm... it didn't went to me."

"So, why didn't you open up about her when we're finally okay? You had every chance to talk to me, and tell me about it. But, why didn't you?" His lips are now on an obvious grim line.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang matipunong dibdib ng maisip ang dahilan.

Maybe, because I was so sure that everything will now be fine since he's already here beside me? He gives me safety and comfort so I didn't bother anymore about the danger just around us.

That time, all I wanted was us... nothing but us. I don't have the time to think about others.

Sinuklay ko ang basang buhok paalis sa aking mukha dahilan ng pagbaba ng roba sa aking braso. Itataas ko na sana ito ng naunahan niya ako. Nagkatinginan ang aming mga mata pero una akong umiwas ng maramdamang tila hinihila ako nito.

Nilaro ko ang tali ng roba ng wala ng ibang mahagilap na pwedeng pagtuunan ko ng pansin ng makaiwas pansamantala sa kanyang tingin. "It's - It's because I... didn't care anymore." Dama ko ang pagtitig niya sa aking mukha pero hindi ko iyon pinansin.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now