Chained by Restrictions

2.5K 113 32
                                    

Eternity

"Vaughn! Umayos kayo ng kapatid mo! Someone will come here, an important friend of mine!"

Tinigil ko ang ginagawang pagguhit kasama si Yvonne at nilingon ang ina. "Opo."

Tumalikod ito na saktong sabay na kumulo ang tiyan namin ng kapatid, alam kong narinig niya iyon pero ganon lang talaga kami ka hindi importante.

"Kuya, gutom na ako. Food?" Kyut na saad ni Yvonne na humawak sa maliit kong braso.

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. "Maghahanap ako ng makakain, 'wag kang mag-alala. Makakakain din tayo."

Ngumiti ang kapatid. Tumayo si Yvonne at tinungo ang mesang may nakalagay na pitsel ng tubig. Tumayo na rin ako at tinulungan siya ng aamba niyang lagyan ang kanyang baso.

"Thank you, Kuya!"

Maliit pa lang ay tumatayo na akong magulang sa kambal. I may be seconds older than her but I am still his older brother. Our mother doesn't give us the care and love that we need.

"Hello po."

Nanlaki ang aking mata at dali-daling hinila ang kamay ni Yvonne ng nagpakilala ito sa kaibigan ni Mama.

Ngumiti ang lalaki at itinaas ang isang kamay tas ginulo ang buhok ni Yvonne. "Hello, ako si Tito Luis ninyo."

"Ako po si Yvonne Horen Noriegez. Ikaw po ba? Wala ka po bang apelyido?"

Napatingin ako sa lalaki, nag-aabang rin ng sagot niya.

"Tito Luis Veñiosa. Ang ku-kyut niyo naman." Nakangiting wika nito.

Hindi ako umimik at hinila papalayo ang kapatid.

Nakikita namin ni Yvonne ang ibang kaedad naming bata ay pumapasok na sa paaralan, tama ang oras sa pagkain at mahal na mahal ng magulang. It never came to me how different we are, all I can just think about is how to survive together with my sister.

Food was hard to find. We can't find jobs that fits our age since we are still toddlers. Kumukuha na lamang ako ng tira-tirang pagkain na makukuha namin sa mga karinderya o di kaya sa basurahan ng mga fast food restaurant. Hindi pa ako marunong magluto ay nagtitiis na lang kami sa malamig na pagkain.

"Vaughn, anak."

Nilingon ko ang ina na nakangiti sa akin. Wala ang araw-araw na galit na ekspresyon at ang inis kapag nakikita niya kami. Pinalapit niya ako. Kahit nagtataka sa naging akto ng ina ay hindi na ako nagdadalawang isip na lumapit dahil baka mairita lang siya.

Kahit na ganito ang aming ina ay kahit kailan hindi niya kami pinagtaasan ng kamay. Kahit na sa ganito man lang ay pwede kong isipin na baka may parte sa aming ina na mahal niya kami.

Hindi ako nagsalita ng makalapit. "Are you hungry?" Nakangiting tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Ilang araw na rin kaming walang makain dahil nauunahan na kami ng ibang batang kalye sa mga kinukuhanan namin. Kaya nagtitiis na lang kami sa tubig at sa tirang-tirang pagkain nina Mama kasama ng kanyang kaibigang lalaki na si Luis.

"Gusto mo ba ng pagkain? I brought some on my way here." Pigil ko ang magpakita ng anong reaksyon sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit nagbago siya pero nagdaan ang mga araw na halos oras-oras ay may nakakain na kami ni Yvonne. Hindi na rin kami nakakaramdam pa ng gutom. Hindi na rin ako naghahanap pa ng tirang pagkain sa basurahan. May parte sa akin ang natutunan ng mahalin ang ina dahil na rin sa pinapakitang apeksyon kahit alam ko namang peke.

Nagulat ako ng may makitang pitaka sa ilalim ng higaan habang naglilinis. Tumingin-tingin muna ako sa paligid at ng makitang wala ang ina ay binuksan ko ito.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now