37th Restriction

1.7K 90 26
                                    

Talk

"Look for that person, immediately. Huwag niyo ako bigyan ng rason. Babayaran ko kayo."

Iminulat ko ang aking mga mata kung saan nakita ko ang pamilyar na lugar.

Where am I?

Babangon na sana ako ng makaramdam ng kakaibang kirot sa aking noo, siko at tuhod.

"Stay in bed, Leigh."

Napatingin ako sa boses na iyon kung saan nakita ko siya. He has these worried look in his gray orbs.

Muli akong napapikit ng muling kumirot ang aking noo sa pinaghalong hangover at epekto ng nangyari.

Nanlaki ang aking mga mata ng may maalala. Mabilis ko siyang tiningnan.

"W-What happened?"

Bumalik sa akin ang mabilis na takbo ng papalapit na kotse. Parang tumatak na iyon sa aking isipan.

I almost... died.

He didn't say anything as he guide me back on laying in the bed. Napahawak ako sa kayang pulso at mahigpit iyong hinawakan ng makaramdam ng paghapdi sa siko.

"Let me check."

Hinawakan niya ng sobrang rahan ang aking kanang braso at tiningnan. His forehead slightly creased before he stood up to go somewhere.

Bumalik siyang may dalang first aid kit. Nilagay niya ito sa bed side table at umupo sa tabi ng higaan. Tahimik niya itong binuksan at kinuha ang kinakailangan roon.

Pumikit ako ng nakaramdam ng kirot. "Sino ang driver?" Tanong ko sa kanya pagkamulat ng mga mata.

Dinampian niya ng betadine ang aking sugat. Titig na titig ang kanyang mga mata sa ginagawang paggamot. "Hindi ko pa alam. But I'm working on it." Kumuha siya ng bandage at nilagyan ang aking sugat.

"Paano mo nalaman na naroroon ako? Did you... save me?" I hesitated to ask.

Hindi ko alam kung tama bang magtanong pa ako.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at walang sinabi na kinuha ang first aid kit. Kahit masakit pa ang katawan ay muli akong bumangon at isinandal ang likod sa headrest ng kama.

"Tell me, Noriegez. What happened." Madiin kong tanong.

Napatigil ito sa paglalakad. Ang malapad niyang likod ang aking natatanaw bago siya humarap sa akin na may galit sa mga mata.

"Why... why are you so, selfish?"

Nagulat ako kasabay ng pagbuo ng iba't-ibang emosyon sa aking kalooban. Iniwas ko ang aking tingin ng maramdaman ang kakaibang sakit sa puso.

Kasalanan ko na naman ba?

"Why do you go there? Alone? Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo dahil sa gusto mo lang magsaya? Sarili mo lang ba ang kaya mong isipin?"

Agresibong gumalaw ang kanyang panga dahil sa pinipigilang galit.

Uminit ang gilid ng aking mga mata pero kinurap ko iyon kung saan agad itong nawala.

"Nandito naman lang rin tayo sa usaping 'makasarili', lubos-lubusin ko na rin lang."

Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Why did you left, ten years ago?"

Kita ko ang panandaliang paninigas ng kanyang katawan bago niya sinuklay ang itim na buhok dahilan ng pagkakagulo nito sa ayos.

Naglakad siya at pumasok sa banyo. Lumabas siya at iwas ang mga matang kinuha ang telepono sa mesa.

"Nagiging makasarili na ako sa pagtatanong sayo nito. Masasagot mo ba, Noriegez?"

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now