31st Restriction

1.7K 95 27
                                    

Obey

Tahimik kaming pumasok sa maliit lamang na office niya. May apat na mesa ang naroroon na sa tingin ko ay para sa kasama niyang mga engineer.

Guminhawa naman ang aking pakiramdam dahil naka aircon. Tinanggal ko ang suot na hard hat at pinalis ang tumutulong pawis sa noo dahil sa init na naramdaman.

Napunta ang aking tingin sa kanya ng umupo siya sa swivel chair at sumandal roon pagkatapos ring tanggalin ang kanyang hard hat.

He let out a low groan as he pulls his necktie to loosen it a bit. Umangat ang kanyang tingin sa akin habang tinatanggal ng kanyang kaliwang kamay ang dalawang butones ng suot na dress shirt.

"Take a seat."

Tinuro niya ang pandalawahang sofa.

Naglakad ako patungo roon at pagod na umupo. Nilagay ko sa aking tabi ang hard hat. Nilingon ko ang relo na nasa pulso kung saan nakita kong 2:36 na ng hapon.

A two hour drive will kill me!

Magsasalita na sana ako tungkol sa nasabing construction ng biglang kumalam ang aking sikmura sa gitna ng katahimikan.

Patago akong pumikit dahil sa kahihiyan.

Kita ko kung paano mas lumalim sa pagkakakunot ang kanyang noo.

Umayos siya ng upo at nilagay ang dalawang siko sa lamesa at tiim akong pinatitigan.

"You haven't eaten lunch?" Voice so deep and slightly hoarse he query.

Inayos ko ang buhok na kumakapit na sa basang leeg. Maang-maangan ko naman siyang tiningnan, umaktong hindi ko iyon tiyan but it's obviously clear na akin talaga yon.

"I have."

Dismayado na siya sa akin, hindi naniniwala.

Hindi ko na lang iyon inisip pa at pinagtuonan na lang ng pansin ang aking basang leeg.

Humanap ako ng pwedeng pamunas sa aking bag ng biglang may isang malaking kamay ang umabot sa akin ng isang box ng tissue.

When I looked, it was him.

He's waiting for me to get the box out of his hand while holding a phone on his ear.

Kinuha ko ang box mula sa nakataas niyang kamay. Tila may iba akong naramdaman ng masagi ko ang kanyang hinlalaki.

What weird sensation was that?

"Yes, Razuel. No, make it three." He spoke on the other line.

Nagtataka na pinanood ko siyang pumunta sa banda ng aircon upang i-check ang temperatura nito.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kanya ng bigla niya akong nilingon.

"Bring water with you. Okay."

Dama ko ang kanyang pagtitig pero nilibang ko ang sarili sa pag punas ng pawis.

Binaba niya ang tawag at muling nilingon ang aircon.

I saw his large and veiny hands move to turn the aircon temperature high.

Nilingon niya akong muli bago tumungo sa kanyang lamesa at umupo sa upuan.

He was so quiet as he picks a rolled white paper and opens it. Kumuha siya ng isang lapis at ruler sa isang bilog na lalagyan at nagsimulang gumuhit roon.

Since I got nothing to do, tumayo ako at naglakad papalapit sa kanyang mesa. I saw how his eyes shifts it's attention to me.

A crazy idea slips through my brain.

OS #1: Chain Of RestrictionsWhere stories live. Discover now