Chapter 2

69 16 5
                                    

"Sol, tara na!" sigaw ni Tatay Nestor kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya. Napatingin din tuloy ako rito sa katabi ko. May katabi nga pala ako. Naisip kong magpaalam sa kaniya pero nahihiya ako sa ginawa ko kanina kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bukas ko na lang siya kukulitin para may time ako mag-move on sa kahihiyang ginawa ko.

Dumeretso na ako ng sasakyan at sumakay na. Nilabas ko na lang ang checklist ko. Ordinaryong notebook lang siya pero sobrang dami ng nakasulat dito pagkabuklat pa lang. Chineck-an ko lahat ng nagawa ko ngayong araw at naglagay rin ng mga ginawa at gagawin ko pa.

Ginawa ko 'to noong 11 years old pa lamang ako. May nakita kasi ako sa tv na isang pelikula tapos may diary 'yung bida. Naisipan kong tularin 'yon pero sumagi sa isip ko na ilagay ko na lang ang mga gusto kong gawin sa buong buhay ko at cheren, ginawa ko siyang checklist.

Dahil nga hindi ko hawak ang oras ng buhay ko at aware akong kahit anong araw o oras man ay pwedeng lumala ang sakit ko, ayoko pa rin na sayangin ang segundo o minuto na natitira sa'kin.

Naisip ko bigla 'yung sinabi ng matanda sa akin kanina. Binuklat ko sa pinaka-last page ang notebook ko at sinulat doon ang sinabi niya. Baka meaning 'yon, at least nasabihan ako 'di ba.

Nang matapos, binalik ko na ito sa bag ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. Nasa tapat pala kami ng palengke. Ang daming tao at may kaniya-kaniya silang ginagawa. Malikot ang mata kong nakatingin lang sa kanila. Minsan lang kasi talaga ako makalabas ng bahay.

Napakunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko ang isang matandang lalaki na pinagtutulungan ng dalawang lalaki. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong akmang susuntukin ng isa ang matanda. Aba!

"'Tay, hinto muna po kayo nang saglit d'yan sa tabi. May titingnan lang po ako, mabilis lang po, promise!" Nakatingin pa rin sa mga iyon. Marami ang nakatingin pero walang may balak na tumulong.

Nang maka-park sa tabi, lumabas agad ako. Narinig ko pang tinawag ako ni Tatay Nestor. Hindi kasi ako pwedeng umalis nang wala siya sa tabi ko. Hindi na ako lumingon at lumapit na lang sa mga nanggugulo sa matanda para makita ko nang malapitan.

"Ano? Limang libo lang ang hinihingi namin, hindi mo pa maibigay?! Sisirain namin 'tong tindahan mo!"

"E, wala na nga akong pera. Wala akong maibibigay sa inyo," nagmamakaawang sagot ng matanda. Nanginginig ang boses niya at bakas dito ang takot. "Parang awa n'yo naman, oh."

"Kami pa lolokohin mo, akin na nga 'yang bag mo!"

"W-wag naman. Maawa naman kayo. Matanda na ako."

"Wala kaming pake! Kingina, akin na!" Pilit na hinahablot ng isa 'yung bag ni Lolo. Tumingin ako sa mga paligid pero wala talagang gustong tumulong! Ano ba 'yan!

Nang akmang sisipain ng isang lalaki 'yung matanda, hindi na ako nakatiis at naghanap agad ako ng pwedeng ipambato sa kanila. Nakakita ako ng isang maliit na kahoy kaya inihagis ko ito sa kanila para mawala ang atensyon nilansa matanda. Tumama pa nga sa ulo nung isa. Bull's eye, panis.

Dali-dali akong lumapit kay Lolo para tulungan siyang tumayo. Nakita kong may mga galos siya sa siko niya. Naluluha na rin siya.

Bumaling ako sa dalawang lalaki na ngayon ay masama na ang tingin sa'kin. Nakahawak pa ang isa sa ulo niya na akala mo naman may buhok. Siya kasi iyong natamaan.

"Ano ho sa tingin n'yo ang ginagawa ninyo?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanila, naiinis. "Ipapapulis ko kayo," banta ko pa. Parang hindi pa nga sila natakot. Mas dumami na rin ang nagtitinginan sa pwesto namin.

Akmang hihilahin ako nung isa nang sipain ko ang binti niya sa likod, dahilan kung bakit siya nadulas at natumba. Susugod naman sana 'yung isa nang may nagbato ng pechay sa ulo niya. 'Yan, may wig ka na!

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon